Chapter 28

10 0 0
                                    

Chapter 28

Mahirap para kay Sam ang desisyon nila ni Jeron na layuan muna ang isa't-isa hanggang sa matapos niya ang college. Kung alam lang niya na ganun ang mangyayari hindi na lang sana niya ito tinikis. Sana ay hindi na lang siya nagtampo nang hindi ito magreply sa kanyang text.

Matagal pa ang susunod na mag-uusap sila. Maraming araw pa ang hihintayin niya bago ito makasama ulit.

Bakit pa kasi siya ang magiging successor ng pamilya Co? Naisip kaya iyon ng mga kuya niya. Na isang malaking responsibilidad ang iaatang sa kanya bilang lider ng Co Corporation sa hinaharap? Dati wala lang sa kanya ang bagay na iyon. Ayos lang sa kanya magawa lang ng mga kuya niya ang mga gusto nito. Pero ngayong papalapit siya sa presidency parang gusto niyang umatras.

Ngayon niya na-realize kung gaano kalaki ang pressure.

Pa'no na sila ni Jeron?

Tommorow, we'll be strangers again.

That night, Sam cried to sleep.

The following morning, Sam, despite their agreement, hoped na sana magkasabay sila ni Jeron sa elevator. Labag sa kanya ang mag-iwasan sila pero para naman sa ikabubuti niya iyon kaya kakayanin niya. Panghahawakan na lang muna niya na may gusto rin sa kanya si Jeron at hinihintay siya nito.

Sam gathered herself, pulling a deep breath. She put on her pink sunnies to hide her swollen eyes and stepped out of her unit a more determined girl.

She did well in school. Kung nung mga huling taon ay nakuntento siya sa 1.75 na grade, ngayon mas ginalingan niya. Lagi siyang nasa library tuwing vacants niya. Naging active din siya sa mga seminars inside and outside the university at sumasama palagi sa mga group studies.

"Samantha," sabi ni Paula, kaklase niya, at pinakita sa kanya ang nakabukas nitong libro. "Eto may nakita akong alternative solution para sa situation na yan. Medyo may kahabaan pero parang mas madaling intindihin."

Tiningnan niya iyon saka binasa. Tumango-tango siya, "Tama ka. Iyong nasa libro natin shortcut kaya mahirap sundan."

"Okay, girls," salo sa kanila ng isa pa nilang kasama. "Gawin na natin iyong take home seatwork para matapos na tayo agad. Nag-text na sa akin iyong boyfriend ko. Nasa labas na siya ng university, sinusundo ako."

"Wow, ha," sabi ni Paula. "At nagpapasundo ka pa pala sa bf mo."

Si Sam titig na titig sa kaklase. Siya kaya, kung naging sila ni Jeron, hatid-sundo rin kaya siya nito? Naalala niya iyong time na nagda-drive ito at siya naman nagpipilit dumaan sa mall nung galing sila ng XYZ.

"Bakit, ako lang ba?" hirit nito.

"Oo," tugon ni Paula.

"Ikaw, Samantha, hindi ka dinadaanan ng boyfriend mo dito?"

Napakurap siya. Eto na naman at kung saan-saan napapadpad ang kanyang isip. "Boyfriend?" Ibinalik niya ang mga mata sa libro. "Wala pa. Wala pa akong boyfriend."

"Wala pa?" usyusong tanong ni Paula. "You mean...manliligaw meron?"

"Sa tamang panahon," simpleng sagot niya saka napangiti.

Sa tamang panahon. After her graduation.

"Your highness," sita sa kanya ni Chika isang hapon ng pumunta sila ng coffee shop. May apat na libro siyang dala saka abala rin siya sa ginagawang project. "Pwede mo naman yan gawin mamaya sa bahay mo pag-uwi."

"Hindi puwede," sabi niya ng walang tinginan dito, "may gagawin akong report mamaya."

Chika sighed, "Hay, epekto nga naman ng pag-ibig."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now