Chapter 18

23 1 0
                                    

Chapter 18

Napasubo si Sam ng wala sa oras. Nasa elevator sila papunta ng unit ni Jeron at hindi niya alam kung bakit siya pumayag dito. Ang bilis ng tibok ng puso niya sa kaba.

Samantalang si Jeron naman ay tahimik lamang na lalong nagpapadagdag sa kanyang kaba. Isama pa ang salamin sa harap nila kung saan nakatuon ang mga mata nito, nakatuon sa kanya. Gusto niyang matunaw. Hinihintay siguro nito ang kanyang pag-atras.

Pagbukas ng elevator nagtipaunang lumabas ito.

Sumunod siya rito but her shoes glued on the floor when she heard him say, "Ihanda mo na ang sarili mo."

Nang ma-sensed nitong wala siya sa likuran, nilingon siya nito.

"Ano?" sabi nito. "Changed your mind? It's too late. Yan ang napapala ng mga makukulit na tulad mo."

Parang maiiyak siya sa sinabi nito. Seryoso ito at di nagbibiro. Did she lose the game? Tumakbo na kaya siya.

"Uuwi na ako," sabi niya at pinindot ang elevator.

Bago pa man bumukas yun Jeron rushed to her and pulled her wrist. Then after exchanging glances, he dragged her to his unit.

"Teka, bitawan mo nga ako!" He gripped her wrist tight, it felt like it would snap.

Gamit ang kaliwang kamay nito nagpindot ito ng passcode.

Wala na ba talaga siyang takasan mula rito? Talaga bang magagawa nito iyon sa kanya?

"Please, bitawan mo na ako," she pleaded like a trapped rat to a lion.

Nag-concentrate lang si Jeron sa keypad na animo'y walang narinig. The door opened and he forced her in. Ni-lock nito ang pinto saka pumunta ng kitchen at uminom ng tubig.

Siya naman ay nanatiling nakatayo roon. Her heart raced like a horse running. Thousands of things were running in her mind.

Pagbalik nito pinigilan niya ang paghinga lalo na nang mag-umpisa itong maghubad ng polo sa kanyang harapan. Matalim ang mga mata nitong nakapukol sa kanya habang ginagawa iyon. Slowly she had a glimpse of his proud torso.

His abs.

She hastily turned to face the door. She couldn't take seeing him topless. Nakita na niya sa ganoong ayos ang pinsan subalit iba pa rin pala ang epekto sa kanya ni Jeron. Pakiramdam niya'y unang pagkakataon iyon na makakita siya ng katawan ng lalaki. She felt like she had lived a world with Eves alone, without male.

"Stop it," she choked. She tried harder to deliver a sentence with a pitch more normal. "Promise di na kita kukulitin. I will disappear in your sight. I won't stalk you anymore. Just stop it and let me---"

She felt his hand touched her shoulder.

She cried and started shouting, "Please naman! Palabasin mo naman ako dito!"

His hand backed away but that didn't stop her from begging. "Pramis di na kita gagambalain! Di na ako gaganti kahit ilang beses mo pa akong tawaging lollifat! Basta huwag mo lang akong sasaktan...Whoah!Mommy!"

Scared as hell, she cried in hysyteric.

Natigilan lang siya nang may bagay na bumunggo sa paa niya sa likuran.

"Itigil mo nga yang kadramahan mo," dinig niyang sabi nito. "You're scarying my little visitor."

Paglingon niya may nakita siyang stroller kung saan nakahiga ang isang cute na baby. Her fears shuddered away and she calmed when she saw the baby smiled.

"Itsura mo?" napaigtad siya sa tanong nito. Nandidiring mukha ni Jeron ang kanyang nakita.

Kumuha siya ng panyo sa bag saka pinunasan ang mukha. "Ikaw kasi tinakot mo ako," reklamo niya.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now