Chapter 34

22 0 0
                                    

Chapter 34

Huwag ka nang umiyak, Sam. Huwag ka nang umiyak. Tinahan niya ang sarili habang papunta sa kanyang kuwarto. Tama ang sinabi sa kanya ni Ross. Wala dapat siyang ikaselos kay Shannon. Si Shannon lang naman iyon. She wiped her palms aside her cheeks, drying her face. Sige ka, magmumukha kang alien bukas.

Kaso naiinis talaga siya sa pagdikit-dikit ni Shannon kay Jeron. Halos buong araw ngang si Ross lang ang kasama niya. Naaamoy niyang may gusto ito sa binata. Iba kong ngumiti ito kay Jeron at naiinis siya na pinapansin naman ito nito. Bakit siya, noong unang lumapit siya kay Jeron ni hindi man lang siya nito makuhang tingnan? Tapos si Shannon? Hindi niya mapigilang maasar. Bakit pa siya dinala roon ni Jeron kung hindi naman siya nito aasikasuhin. Buti na lang at nandoon si siopao at hindi siya na out of place.

Sa dinami-dami ng babaeng modelo sa Pilipinas ang Shannon na iyon pa ang ipinadala ng Elixir. So, Shannon was the name. Tandang-tanda niya ang mukha nito. Ito iyong babae sa mall na akala mo ay ito lang ang may kayang bumili ng mamahaling bag. Kung hindi lang niya nakita si Jeron ng mga sandaling iyon hindi niya isusuko ang itim na hobo bag dito. Hindi kasi bagay sa pangit na ugali rito ang magandang bag na gusto niya.

Kanina nga nang ipakilala siya rito ni Ross nagpanggap itong hindi pa sila nagkikita. Todo ngiti ito sa kanya samantalang saksakan ito ng sungit ng mag-agawan sila sa bag. Hindi niya alam kung mapurol lang talaga ang memorya nito kaya hindi siya matandaan o gawa sa plastik ang katawan nito at ganun na lang kung makangiti sa kanya.

Bago siya pumasok ng kanyang kuwarto ay ilang minuto siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Jeron. Tulog na kaya ito? Hindi man lang siya nito kinumusta bago ito magpahinga. Hintay siya ng hintay kanina sa kanyang kuwarto na katukin siya nito pero tahimik lang sa labas. Inis na inis siya maghapon dahil kay Shannon kaya lumabas siya para huminga at panoorin ulit ang mga bituin sa langit at ang mga isda sa dagat.

Should she knock? Sam was hesitant. Baka himbing na himbing na ito sa pagtulog. Her watch read 2: 09 AM. Dapat nagpapahinga na rin siya. Masama para sa kanyang eye bags ang magpuyat.

"Good night, Jeron," sabi niya na animo'y kaharap ito bago buksan ang pinto ng kanyang kuwarto.

Kinabukasan, ganun pa rin. Dikit pa rin ng dikit si Shannon kay Jeron. Kung nasaan ang binata naroon din ito. Nanggagalaiti siya sa inis. Nagmumukha siyang tuluyang sabit sa work trip na iyon ni Jeron. But her concern was not on that part kundi kay Shannon na sobrang feeling close kay Jeron.

Habang abala pa ang iba sa photoshoot at wala siyang Ross na makakausap kaya nilakad na lang muna niya ang kahabaan ng beach at nang medyo mapagod siya ay umupo at pinabayaang mabasa ang mga paa sa pag-abot dito ng alon. Nagmukmok siyang mag-isa doon. She lazily blew her bangs off her eyes. Gosh! Kung alam ko lang na magiging ganito hindi na lang sana ako sumama. Kainis kang letsugas ka!

Sinira lang ng isang Shannon ang kanyang El Nido getaway at wala na rin ang sanang magical moment nila ni Jeron.

"Lalim, ah." Napatingala siya sa tinig ni Ross. Umupo ito sa tabi niya. Tapos na siguro ang mga ito sa shooting at sigurado siya na andun na naman iyong Shannon at tinatrabaho ang pagiging anino ni Jeron.

"Tapos na kayo?" tanong niya rito.

"Yup."

Aamin siyang si Jeron ang inaasahan niyang darating doon. Hindi sa nagsasawa siya sa presensya ni siopao kundi dahil simula pa kahapon ay hindi sila nag-uusap ng binata. It was only yesterday but it felt like months for her. Ganun na niya agad ito ka-miss.

Kahit hindi sila mag-usap basta kasama niya ito, sapat na sa kanya.

Ano kaya ang tinatakbo ng isip nun? Akala ko ba manliligaw na siya? Gosh. Nakainis talaga. Nagmumukhang tanga lang siya sa mga katrabaho ni Jeron. Pinapabayaan niya bilang girlfriendna landiin ng ibang babae ang kanyang boyfriend! Iyon nga lang hindi pa niya ito boyfriend kaya malaya pa itong landiin ni iba, lalo na ni Shannon.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now