Chapter 10

31 1 0
                                    

Chapter 10

Totoo ang sinabi sa kanya ni Jeron. Umalis nga ito. At hindi lang iyon simpleng bakasyon gaya ng sinabi sa kanya ni Chika kundi pag-alis na walang kasiguraduhan ang balikan.

Mula sa nakalap ng kanyang pinsan, kumuha ng transfer documents si Jeron sa registrar at doon na ito magpapatuloy ng college sa England.

Nalungkot siya nang dahil doon. Hindi man lang niya naging boyfriend si Jeron. Makukuntento na sana siya kung naging girlfriend siya nito kahit isang araw lang bago ito umalis. Ang mahalaga sa kanya nahawakan niya yung title ng pagiging jowa nito.

Kaso hindi. Nang naging mabait na ito sa kanya tinablan na siya ng kunting hiya. She couldn't get as straightforward as she was when Jeron's still mean.

Nasa may dining table siya at pinapanood ang pinsan na nagluluto habang naglalakbay naman ang isip niya papunta kay Jeron. Na-distract siya sa amoy ng spaghetti sauce.

She sighed at the sight of her cousin, busy with all the cutting to stirring job. Buti pa si Chika magaling sa kusina samantalang siya sa pagkain lang bida.

Ayain na lang kaya niya ang kaibigang si Pryn na manood ng sine. Kaso natatamad siyang bumiyahe papunta sa bahay nito.

Ipinilig niya ang ulo sa mesa. Sa lamig ng salamin nang dumikit sa mukha niya, napaayos agad siya ng upo. Sumimangot siya. "Chikaaa!"

Chika spun around, a spatula on his right hand. "Bakit, your highness, may problema ba?!"

Sam got a big problem. "Bakla," sabi niya. "Mag-aral na rin kaya ako sa England?"

Hindi iyon pinatulan ni Chika, bumalik ito sa pagluluto.

"Seryoso, Chika."

"You're not, your highness."

"Chika, naman e."

Isinara ni Chika ang stove saka kumuha ng katabing silya niya saka umupo roon. Tiningnan siya nito ng mabuti. "Sabihin mo nga. Iyang paghahabol mo kay Jeron, gusto mo na siya, ano?"

Natahimik siya.

"May feelings ka na ba para sa kanya?"

Meron na nga ba? Ang alam niya buntot siya rito ng buntot dahil sa misyon niyang wasakin si Jeron.

"I don't know," sabi niya.

Tinuktukan siya nito.

"Aray!" Hinimas niya ang ulo. May mali ba sa sagot niya? "Ulitin mo pa yan isusumbong kita kay kuya Kobi at Kuya Keith!"

Nagtaas ng kilay si Chika. "Takot ko lang. Sasabihin ko naman sa kanila ang tungkol kay Jeron. Ano, unahan tayo?"

Siya ang talo 'pag totohanin ni Chika ang sinabi nito. Kung merong Yamashita's hidden treasure, sila naman ni Chika ay may hidden secret na hindi dapat malaman ng mga kuya niya.

Ay mali. Maliban sa kanila, may isang tao pa palang nakakaalam ng tungkol kay Jeron. Si Siopao.

Nang sembreak na iyon, maliban sa pagbawi niya ng bonding with AG's, lumalabas-labas din siya kasama sila Chika at Ross.

One time inimbitahan sila ni Ross sa gym nito para mag-work out. Hindi naman tumanggi si Sam dito dahil nasa listahan pa rin niya ang pagpapayat. Para kung sakaling magkita ulit sila ni Jeron hindi na siya nito tatawaging lollifat. Baka Sam o Samantha na ang itawag nito sa kanya, pwede ring Kylie.

"Sam," bati sa kanya ni Ross at nakipag-hi-five. Tiningnan nito ang kanyang pinsan. "Hello, Christian."

Tumango lang dito si Chika. "Let's start."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now