Chapter 43

16 1 0
                                    

Chapter 43

It had been five minutes that she was bowing her head down. Hangga't wala siyang naririnig mula sa mga kapatid ay hindi siya naglakas ng loob na humarap sa mga ito. Ganun siya naduduwag.

It's like giving up Jeron the moment she made eye contact with them.

"Kylie," she heard her Kuya Keith. Simpleng pagbanggit lang iyon ng kanyang pangalan kaya hindi niya alam kung galit ito o ano.

Hindi siya tumingin dito hanggang sa nakita niya ang mga palad nito na inihawak sa magkabilang pisngi niya at inangat ang kanyang mukha. Walang bakas ng galit sa mukha ng Kuya Keith niya imbes ay nakaaninag siya lungkot o awa sa mga mata nito. She couldn't be sure. "Kelan 'to nagsimula, Kylie?"tanong nito. "When did you become scared of us?"

Natigilan siya. She looked to her Kuya Kobi behind and back to her Kuya Keith. Ang dalawang kuya niya na lagi niyang kalaro nung mga bata pa sila kahit pambabae lahat ng laruan niya. Ang dalawang kuya niya na laging takbuhan niya sa tuwing may tatawag sa kanya na mataba. Ang dalawang kuya niya na sasamahan siyang matulog sa kuwarto kapag nanaginip siya ng nakakatakot. Kelan? Kelan nga ba siya nagsimulang matakot sa mga ito?

"Kuya Keith..." untag niya. Hindi niya mahanap ang sagot. Did she disappoint her two brothers? Nasaktan ba niya ang mga ito dahil sa inasal niya? Lumapit sa kanya ang kanyang Kobi. Tinanggal ng Kuya Keith niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha para pagbigyang daan ang kanyang Kuya Kobi na yakapin siya. "Kuya Kobi..." usal niya sa mabangong dibdib nito.

"Gusto ka lang naming protektahan," sabi nito. "Ayaw naming mangyari sayo ang nangyari kay ate. Hindi namin hahayaan na maulit iyon. We will do everything, anything just to protect you..."

She knew what their point was. Bata pa siya noon, at kahit gaano pa ng mga ito sinubukang itago sa kanya ang mga bagay-bagay, hindi pa rin sa kanya nakatakas ang madilim na nangyari sa kanyang Ate Karol.

"Pero mga kuya," sabi niya, "iba naman yung kay ate. Isa pa malaki ang tiwala ko kay Jeron na hindi niya ako sasaktan."

"Sinasabi mo lang yan, Kylie, dahil boyfriend mo siya," katwiran ng Kuya Keith niya.

Hindi. Hindi siya sasaktan ni Jeron. Alam niya iyon. Sigurado siya dun. Naniniwala siya rito ng sanihin nitong poprotektahan siya nito.

"Kylie," ang Kuya Kobi niya, "huwag kang magtitiwala ng buo sa mga taong nagsasabing mahal ka. Hindi mo alam kung ano ang nagpapatakbo sa kanila. Hindi mo alam kung ano ang tunay nilang pagkatao. Hindi mo alam kung kelan sila magbabago. Mahal ka niya ngayon. Paano bukas? Sa makalawa? Paano kung panandalian lang ang kaya niyang ibigay na pagmamahal sa iyo? Puwede kang umibig, Kylie, pero huwag laging puso."

That night, she stayed awake on her bed. Inisip niya ang tungkol sa sinabi ng kanyang mga kapatid lalo na ang huling sinabi ng Kuya Kobi niya. Paano kung panandalian lang ang kaya niyang ibigay na pagmamahal sa iyo? Alam naman niyang karamihan ng magkasintahan ay sa hilawayan nauuwi. Ilang karelasyon muna ang dumadaan sa buhay ng iba bago nila tuluyang mahanap ang taong inilaan ng Diyos para sa kanila. At si Jeron, ito ang unang niyang nakarelasyon. Maaring hindi ito ang taong para sa kanya. Maaring isa lang ito sa mga lalaking makikilala niya.

"Paano kung panghabambuhay pala?" tamong niya sa sarili habang nakatingin sa ceiling. Pagdating sa binata ayaw niyang mag-isip ng mga negatibong bagay. Pinuno niya ng magagandang alaala kasama si Jeron ang isip niya at saka lang siya nakatulog.

Hindi mawala ang mga ngiti sa mukha ng kanyang Ate Karol nang dumalaw silang tatlo sa kumbento. Sama-sama muna silang tatlong nagdasal bago sila nagkamustahan.

"Kobi, Keith," sabi ng Ate Karol niya ilang sandali ng kanilang masayang kuwentuhan, "pwede niyo ba muna kaming iwan ni Sam. May pag-uusapan lang kaming dalawa."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now