Chapter 7

49 1 0
                                    

Chapter 7

Isang buwan na lang matatapos na ang unang sem ng taon. Ganun kabilis. Halos hindi namalayan ni Sam ang pagdaan ng mga buwan at taon.

Nabagalan siya sa sarili. Hayskul pa lang siya nang una niyang ma-meet si Jeron, ngayon, patapos na ang first half ng unang taon niya sa kolehiyo pero wala pa ring sinabi ang beauty niya rito. Sinungaling siguro ang nga taong nagsasabing maganda siya. Kung totoong maganda siya bakit hindi man lang magandahan kahit kunti sa kanya si Jeron?

Baka tulad ni Chika bakla rin ito. Sam shook the possibility. Imposible. May ka-date itong ala Kim Chui. Imposible iyon. Saka hindi naman ibig sabihin na hindi ito nagagandahan sa kanya eh kuwestiyonable na ang pagkatao nito. Siguro dahil lollifat lang talaga siya kaya ganun.

Nasipa niya ang cabinet sa kusina. Kailangan na talaga niyang i-trim ang katawan.

Kumuha siya ng baso saka nagsalin ng tubig doon. Dapat sanayin na niya ang sarili sa pag-inom ng maraming tubig. It would help her lose weight.

Muntik na siyang masamid ng magsisigaw si Chika sa salas. Babatukan talaga niya ang baklitang iyon sa katitili nito.

"Your highness! Bilis!"

Nag-apura siyang pumunta ng living room. Nasa may pinto si Chika nakatayo na parang may inaabangan sa labas.

Nakiusyoso siya at maski siya napatili ng makita kung sino ang bumaba sa kotseng dumating.

"Kuya!" Nabuhayan siya ng dugo nang masilayan ang kanyang dalawang kuya. Miss na miss na niya ang mga ito. Noong pasko pa ang huling kita niya dito.

"Samantha," tuwang sabi ng kanyang Kuya Keith saka yinakap siya ng mahigpit. "I miss you, baby girl. Marami tayong pag-uusapan."

Napatingin siya kay Chika. "Marami?"

"Marami," ulit ng kanyang Kuya Keith.

"Keith," singit naman ng kanyang Kuya Kobi. "Huwag mo naman solohin si Kylie."

Natawa siya sa kuya niya. Pinakawalan siya ng kanyang Kuya Keith saka naman niya sunod na yinakap ang kanyang Kuya Kobi. "Kuya Kobi," sabi niya rito, ninanamn ang reunion nilang magkakapatid. "Si ate na lang ang kulang."

"Your highness, nasa kumbento si Ate Karol malamang."

"Cheer up, Samantha," sabi ng Kuya Keith niya. "Bukas na bukas bibisitahin natin si ate."

Sa salas inulan siya ng mga tanong ng kuya niya. Wala sa oras siyang na-hot seat.

"Kuya Kobi, wala talaga," pagtatanggol niya sa sarili. "I'm single, promise. Ask Chika."

Her Kuya Keith shot a glance to Chika. "Christian?"

"Kuya Keith, ang bantot naman," reklamo ni Chika.

"Chika," her Kuya Keith corrected with amusement.

Ngumiti ng makahulugan si Chika. "Actually, Kuya Keith." Sinamaan ito ng tingin ni Sam. "May umaaligid diyan kay Samantha pero dahil sa kaguwapuhan ko walang lumalapit maliban kay..."

"Maliban kanino?" tanong ng Kuya Kobi niya.

"Maliban kay siopao!" salo ni Sam. Hindi puwedeng malaman ng mga kuya niya ang tungkol kay Jeron. No way! Tiyak na aabutin siya dito ng sermon. Makalimutan na niya lahat huwag lang ang pagiging over protective ng mga barako ng pamilya Co.

Her Kuya Keith took a cookie on the plate. "Sino si siopao?"

"Ang nagbabalik niyang bestie na mataba na ngayon ay kasing macho mo na Kuya Keith," sagot ni Chika.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now