Chapter 48

20 1 0
                                    

Chapter 48

Dalawampung balik na si Sam sa kanyang ref at naubos na rin niya lahat ng prutas na naroon kakaisip tungkol sa alok ni Prynston.

Ano nga kaya kung humingi siya ng tulong dito? May rason naman siya kung sakali. Maliban sa mga kuya niya kasi ang kaibigan niyang si Pryn ay overprotective din, hind siya puwedeng humingi ng tulong dito. Sa AG's, ito ang unang manunugod kapag may naagrabyado sa kanila, tatataas ang dugo't manunugod ng wala sa oras. It would be wiser if she approached the calmer Aniston.

Already had decided, she texted Prynston.

Sabi mo tutulungan mo 'ko. Let's meet at the manga store.

Pryston Devil
Ok. 3pm.

Alas dos y media pa lang nandun na siya't naghihintay sa pagdating nito. Alam niyang alas tres y punto darating doon ang binata kaya sinigurado niyang hindi siya mali-late ni isang segundo. Mahuli lang siya ng isa o dalawang minuto sigurado siyang wala siyang aabutan na Prynston dun.

Para hindi siya mainip, sinamantala na lang niya ang natitirang oras para bumili ng manga book. Kahapon hindi siya nakabili dahil naagaw na agad ang kanyang isip ng text ni Prynston.

As she passed her fingers along the books, her mind took a turn of thinking. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya. Paano kung napapraning lang siya? Paano kung nagsasayang lang siya ng para sa wala? Paano kung mali lahat ng akala niya?

Pero paano naman kung totoo ang kutob niya?

She shook her head, making peace with her top. Puro na lang siya tanong, wala nang katapusang mga tanong.

That' why she's here. She wanted to end her doubts.

"So, what is it?"

Distracted by the voice, she turned a head. Tumingin siya sa kanyang relo. Eksaktong alas tres na nga. Hindi niya namalayan.

"Tungkol sa isang tao..."sagot niya.

"Your boyfriend?" diretsahang tanong nito.

Si Jeron ang nakita niya at di niya napigilang hindi mangiti. "Hindi," sagot niya. "Hindi 'to tungkol sa kanya."

Pakiramdam niya'y binabasa nito ang kanyang isip sa titig nito. "Let's find a seat," sabi nito saka sumunod naman siya palabas ng shop. Ibinalik muna niya sa shelf ang hawak na libro.

Ipinagmaneho siya nito papunta sa isang mamahaling restaurant. Intindi niya kung bakit ayaw nito sa matataong lugar. Maski siya naiirita kapag pinagtitilian ito ng mga babae. Hirap maging guwapo.

"Should I start?" tanong niya sa kumakaing binata.

"Please," sabi naman nito habang naghihiwa ng karne. "You're already wasting my time."

Biglang nalaglag ang kanyang mga eyelids. Tamang-tama may hawak siyang kutsilyo, saksakin kaya niya ang kamay nito? Ang yabang! Pasalamat siya't sa pamilya Aniston napunta si Prysnton dahil kung naging kapatid niya ito baka talaga hindi na tumahimik ang buhay niya.

Siya itong nangangailangan kaya hinabaan pa niya lalo ang pasensya. Kinuwento niya ang tungkol sa lalaki sa tv station at ang tungkol kay Ross.

"Asking for my help was your first step, wasn't it?"sabi nito pagkatapos ng istorya niya, "you're quite hardworking."

Iniinsulto ba siya nito?

"But it's the best move," dugtong nito bago pa siya makapagputak-putak.Kung hindi lang nakakahiya kay Chika, hindi siya hihingi ng tulong rito.

He fished his phone out of his coar and tapped there. "I'll call you once I have the news," sabi nito saka ibinalik ang telepono. "I have to go. Wait for your driver."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now