Chapter 20

35 1 0
                                    

Chapter 20

"Jeron!"

Narinig ni Jeron na tinawag ni Sam ang kanyang pangalan. Ano naman kaya ngayon ang reklamo nito sa kanya? Hindi siya nagpaabala sa paghiwa ng sibuyas at bawang para sa ginagawang sawsawan.

"Sinukahan ako..."

Pakana lang siguro nito para mapauwi niya. "Anong problema mo?" pambabara niya.

Hindi ito sumagot.

"Hindi ka uuwi," dagdag niya saka binilisan ang paghiwa para matapos agad.

"Magtitiis ako sa lagkit?!"

Hindi niya ito pinansin. Sabi na niya, nagdadahilan lang ito para makatakas sa magdamag na pagbabantay sa kanyang kapatid.

Wala na itong nareklamo pa kaya iniwan siya nito roon. Siya naman ay tinapos ang ginagawang sasawan saka tinakpan at itinabi. Dalawang ulit niyang sinabon ang kamay para mawala ang amoy ng isda at ng mga hiniwa niya.

Pagpunta niya sa kuwarto nakita niyang aburido ang mukha ni Sam habang nanonood ng tv. Arms were crossed.

Sa loob ng silid binuksan niya ang kanyang closet. Nang hahawak na siya sa mga damit na naroon, inamoy niya ulit ang mga kamay. Amoy dishwashing liquid na iyon subalit inabot pa rin niya ang alcohol sa ibabaw ng kanyang maliit na shelf.

Ano kayang ipapahiram ko sa kanya?

Inisa-isa niya ang kanyang mga t-shirts. Wala siyang mapili. Baka pagtawanan lang siya nito. O baka sabihin nitong nakita na siya nitong suot iyon.

Doon siya pumili sa mga bago niyang damit. Kaso sa tingin niya'y mahahalata ito nitong bago at baka sabihin pang nag-aalala siya at kung ano lang ang i-assume nito.

Tsk.

Doon nagawi ang mga kamay niya sa kanyang mga pantulog. Bahala na nga. Kung mag-iinarte ito ay wala na siyang magagawa.

Paglabas niya, mula sa pintuan ng kanyang kuwarto ay nakita niyang nakaluhod si Sam sa may gilid ng stroller. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito nakita na nakatayo siya roon.

Dederetso na sana siya palapit rito nang magsalita ito na nagpapako sa kanya sa kinatatayuan.

"Little prince, do I stink? Blame your kuya," sabi nito. Sa tono pa lang ng pagsasalita ay alam na niyang galit ito sa kanya. "Masungit na nga hindi pa  gentleman. Tapos ang kapal pa ng mukha mang-utos. Huwag kang gagaya diyan, ha? Be a nice guy in the future, okay?"

He advanced to her. "Anong pinagsasasabi mo sa kapatid ko?"

Nag-alangan siyang ipahiram dito ang damit. Hindi raw siya gentleman at makapal ang mukha. Paano kung maartehan talaga ito sa damit niya at sabihan siyang baduy.

Nonetheless, he still gave her the clothes. Kaso hindi nakatulong nang eksaktong humarap ito sa kanya. Sapul sa pagmumukha nito ang mga iyon.

Lagot.

"Gamitin mo ang banyo ko," he said to divert her thoughts para hindi magalit sa kanya.

Kinuha nito ang pares ng pantulog sa kanya. "Susuotin ko 'to?" tanong nito habang nakatitig sa mga iyon.

"Ayaw mo?"

Wala siyang narinig mula rito kaya hinablot niya ang kanyang damit. "Ayaw mo? Bahala ka."

Kung gusto nitong matulog sa marumi nitong damit kesa sa malinis niyang damit na amoy fabcon, hindi siya tututol.

Ngunit binawi iyon ni Sam. "Sandali naman! Hindi ko naman sinabing ayaw ko."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now