Chapter 24

30 1 0
                                    

Chapter 24

Si Sam na hindi niya nakita ng isang buwan at limang araw ay nasa harap na niya ngayon.

Si Sam na siyang naaalala niya sa tuwing may dadaanang sundae store ng McDo ay nasa harap na niya ngayon.

Si Sam na hindi niya nakasabay sa elevator ng matagal ay nasa harap na niya ngayon.

Si Sam.

"Hi." Naiilang itong ngumiti sa kanya dala ng pagtitig niya rito.

She was thinner and tanned. Her color reminded him of summer, sun, water... beaches. Kaya siguro ito nawala ay nagbakasyon sa iba't-ibang lugar.

Lalo itong gumanda sa kulay nito.

Nandoon ito sa loob nang pindutin niya ang intercom. Napanood siya nito roong nakatitig at narinig nito ang kanyang sinabi.

"Na-miss rin kita, Jeron," sabi nito. "Sobra."

Sam took few steps towards him and without a word she embraced her arms around his body.

"I'm sorry kung hindi ko sayo nasabi," she said. "I'm sorry kung naisip mong iniwan kita."

It took him another minute to react. He had longed to see her everyday even when he had stopped waiting for her. The whole month was hard without her, and the moment the door unexpectedly made a sound he lost his senses.

Eventually, he brought his hands against her back and rested his face on her hair. Kanina iniisip lang niya na makikita na niya ito at yakap-yakap but now he was holding her.

He savored everything about the moment; about how his shoes touched the tip of hers, about how the scent of her hair distinguished the smell from his shampoo, about how the touch of her fingers tingled on his back, about how they couldn't see but feel each other.

Kumawala siya sa yakap nang marinig niya ang pag-angal ng sikmura nito.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong niya rito at umiling si Sam.

"Ikaw kumain ka na?"

He nodded slowly.

"Saan?"

"XYZ."

Sam was a bit surprised. "Ang daya! Tinitiis ko kanina ang gutom kasi hinihintay kita para sabay tayo mag-dinner tapos nagpapakasarap ka na pa la sa XYZ!"

Mali atang sinabi niyang galing siya ng XYZ lalo pa't nagpagutom ito kakahintay sa kanya.

She green-eyed him, Jeron felt the urge to back away. "In-enjoy mong wala ako, no? Siguro madaming versions ni Kim Chiu ang dinadala mo roon sa XYZ, ano? Ano, tama ako diba?"

"Sasamahan kita sa labas kumain," sabi niya, pagbabalewala sa sinabi nito.

Humalukipkip si Sam. "Ayoko. Ayokong kumain sa labas."

Nagkikita pa lang ulit sila pero nagtatampo na agad ito. Mali talagang sinabi niya rito na galing siya ng XYZ resto.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

Kaso ayaw talaga ng dalaga na kumain sa labas. May ibang gusto ito. She liked something with personal touch. "Cook," sabi nito.

Magluluto siya para rito? Wala naman bago roon. Isang beses na itong nakikain sa kanyang bahay ng mag-babysit ito kay Xan. Pumasok siya sa unit nito. "Okay."

"Teka, wala akong suppplies," pigil sa kanya ni Sam. "Doon na lang sa bahay mo."

"Okay."

Pagkasabi niyang iyon mabilis na sinara ni Sam ang pinto at tumakbo papunta sa kanyang unit. Sumunod siya rito at doon niya nakita na may tinanggal itong post-it-note na nakadikit sa kanyang pinto.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz