Chapter 5

41 1 0
                                    

Chapter 5

Akala ni Sam ay si Chika ang tumawag sa kanya subalit nang paglingon niya ay isang di kilalang lalaki ang kumaway saka patakbong lumapit sa kanya.

Nang maklaro niya ang mukha nito napalatak siya. "Ikaw?!"

The guy from the bowling center. Si kulot.

Ngumiti ito sa kanya na parang wala ng bukas. "Ano kilala mo na ako?"

Sam dropped her eyelids. "Hindi. Sino ka ba?"

Naglaho ang mga ngiti ng binata. "C'mon, Sam."

Napaatras si Sam na nanlalaki ang mata. "At bakit kilala mo ako?!"

To creeped her more, the guy added, "Kylie Samantha Co."

No way. Alam nito ang buong pangalan niya. Lahat ng mga nakakakilala maliban sa AG's at family niya, it was either Sam or Samantha lang ang alam. Madalang lang kasi niyang ginagamit ang kanyang full name. Samantha lang ang ginagamit niya pati sa school.

"Gosh," Sam muttered. "You're stalking me, aren't you?"

"Di mo talaga ako natatandaan?" Pilit ng lalaki sa kanya.

Sino ba ang herodes na ito at di puwedeng hindi niya kilala?

"Hay naku!" inip na untag ni Sam na napahalukipkip. "Lumang style na yan. Wala ka bang bago?"

Napailing sa kanya ang lalaki. Sumuko ito at kusa nang nagpakilala sa kanya. "Samantha, this is me! Ross! Remember?"

Ross? Didn't ring a bell to her. May kilala ba siyang Ross?

"Rooossss..." Sam tried to remember. Ross. Ross. Ross. Finally, she said, "Ross. The boss?"

"Ha-ha. Not funny," sabi ng binata. "Nakalimutan mo na nga ako..."

Malungkot itong tumalikod sa kanya saka humakbang palayo. She stared at his back while finding the word Ross in her memory. He wasn't Ross, the boss. Who's he? She tried harder. And then--siopao!

"Oh my gosh! Ross!" sigaw niya sa binata. Narinig naman siya nito at liningon siya. She smiled with the memories. Sumigaw siya ulit. "Ikaw na yan?! Ikaw na ba talaga yan?!"

He ran back to her. Sam noted the changes in him. From his sexy face to his model frame to his overall handsomeness.

She smiled at him.

"Hi." Nag wave sa kanya si Ross na parang iyon iyong first meeting nila. "Nice your back, girlfriend."

"Ikaw nga!"

Si Ross ang kaisa-isang kaibigan niya noon bago niya makilala ang AG's. Mataba rin ito kagaya niya kaya sila ang magkasundo. Pinagtatanggol siya nito sa mga bullies noon kaso mataba rin ito kaya mas lalo lang silang pinag-iinitan. Sila lang ang laging magkasama ng mga panahong iyon kaya pinagpalagay ni Ross na girlfriend siya nito. She recalled her reply that one afternoon. "Saka mo na ako ligawan 'pag malaki na tayo tapos payat ka na."

Ross grinned. "Ako nga."

Si Ross nga ang kaharap niya. Si siopao. Matagal din silang hindi nagkita simula nang bigla na lang itong umalis. If her calculation was right, it had been 8 years.

"Ang daya mo," sabi nito "Kinalimutan mo na ako."

"You've changed a lot. Paano kita mamumukhaan?"

"Bakit ikaw nakilala kita agad."

"Kasalanan ko bang kahit nung una"--she caressed her face with the back of her hand--"ganito na ako kaganda."

"Wow.Ibig sabihin hindi ako ganito kaguwapo dati?"

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now