Chapter 25

19 1 0
                                    

Chapter 25

Alas tres na ng umaga ay pagulong-gulong pa rin si Sam sa kanyang higaan. Hindi niya maiwaksi sa isip ang mga naganap ng gabing nagdaan.

Una, sa kalagitnaan ng pagpapakain niya sa kanyang mga alagang isda ay tumunog ang kanyang intercom at nakita sa video si Jeron. Maiyak-iyak siya habang pinanonood ito roon at nang sinabi nitong miss na siya ay may kumurot sa kanyang puso. She was like watching a movie drama and Jeron was the lead man.

Pangalawa, ang biglaang pagyakap nito sa kanya. Si Jeron dada-moves ng ganun? Eh sinusungitan lang naman siya nito palagi. Akala nga niya itutulak siya nito nung hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Totoo ngang nangulila ito sa kanya.Halos tulala siyang naglakad pauwi ng kanyang unit nang gabing iyon.

Bumangon siya ng higaan saka kinapa-kapa ang ilalim ng mga mata. "Pupunta pa naman ako bukas kay Chika. Hindi puwedeng magka-eye bags ako. Magtatanong na naman iyon."

Kinabukasan, hindi nga siya nagkamali nang mata niya agad ang mapansin ng pinsan sa kanya. Naiwan niya sa loob na sasakyan ang kanyang eyeglasses kaya lantaran rito ang mga lumulobong mata niya.

"Wala yan," pagmamaktol niya. Nagkikita pa lang sila pero iyon agad ang bungad sa kanya. Hindi man lang yakap muna at pangungumusta.

Hindi sila nagkita kahapon pagdating niya dahil tiyempong out of town ito at kararating lang din nung gabi. Binilin muna nito sa isa sa mga katulong nila ang pag-asikaso sa kanyang aquarium.

"Magkuwento ka," sabi ni Chika at prenteng tumunganga sa kanya.

Hindi talaga mapagtataguan ang baklang 'to.

Without a choice, she took a seat in the bean bag front where Chika sat. Nagsimula siyang magkuwento.

"Talaga, your highness!" kilig na untag ni Chika nang masabi niya rito na na-miss siya ni Jeron at yinakap pa siya.

"True," tango niya. Unti-unting itinataas nun ang confidence na tinapak-tapakan noon ni Jeron. "He missed me."

Chika went excitedly happy. "Ibig sabihin may gusto na rin siya sa 'yo!"

Sam was new to the idea. "He is?" Well, Hindi naman sa bago. Nung una in-assume na niya na may gusto si Jeron sa kanya, nagsusungit lang. Ngayon, takot siyang mag-assume dahil totoo na ang nararamdaman niya. Hindi na lang iyon sa dahil gusto niyang makaganti sa binata. She had fallen for him and she wanted Jeron to catch her.

"He is," sang-ayon ng kanyang pinsan. Doon, sumibol ang isang pag-asa sa kanyang puso.

Kaya ng gabing iyon ay hinintay niya si Jeron sa labas ng unit nito. Aayain niya itong ipagluto siya ulit. Masarap talagang magluto si Jeron na mismo sa kanyang sarili ay nahihiya siya na scrambled eggs lang ang alam niyang gawin. Ni hindi nga siya marunong magsaing.

Hindi siya natuto. Ilang links na ang nabasa niya sa internet tungkol doon subalit hindi niya makuha. Nakakabobo. Palaging sunog, hindi niya maintindihan kung bakit.

Nang nakita niyang bumukas ang elevator, agad siyang umikot paharap sa pintuan ng unit ng binata at hinintay ang paglapit nito.
Dinig niya ang ingay ng yabag nito palapit sa kanya.

"Bakit?"

Sam smiled.

Humarap siya dito. Hindi niya maitatangging may kunting awkwardness sa pagitan nila mula sa nangyari nang isang gabi. "Good evening."

"Bakit?" ulit nito.

Susungitan na naman kaya siya nito? Paiba-iba pa naman ang timpla ni Jeron. Isang segundo galit, sa paggalaw ng kamay ng orasan magiging sweet. "Makikikain sana ako."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now