Chapter 42

31 1 0
                                    

Chapter 42

Hindi na sila lumabas para mag-date kundi ay nanood na lang ng anime (Naruto) sa bahay ni Jeron. Nasa sofa nakaupo ang binata samantalang siya naman ay sa sahig pumuwesto. Nakasandal siya sa paanan ng sofa at sa puwetan naman niya ay isang malapad na unan. Prenteng-prente siyang nanonood dun habang kumakain ng ice cream na bigay ng binata.

"Jeron," sabi niya sa kalagitnaan ng palabas, "sigurado ka bang hindi ako tataba nito? Kahit pa ubusin ko 'to?"

"Hindi," matipid na sabi lang ng binata. Tiningnan niya ito at simple siyang napangiti ng makitang tutok na tutok ito sa tv. Ibinalik niya ang tingin sa hawak na mangkok at napabuntung-hininga. Ang guwapo talaga niya.

Pagkalipas ng isang oras, natapos nila ang pinanonood at nakaubos rin siya ng apat na mangkok ng ice cream. Sarap na sarap siya. Halos once in a blue moon na lang kasi siyang makakain nun. Kahit payat na siya eh tiis ganda pa rin ang laban niya huwag lang madagdagan ulit ang pinaghirapan niyang timbang.

Tumayo si Jeron at pinatay ang tv. Siya naman ay umupo na sa sofa't napadighay. "Hoo. Nabusog ako dun ah," sabi niya sabay himas ng tiyan. "Jeron, salamat ha?"

Nagtagpo ang mga kilay niya nang makita niya ang binatang nakatitig sa kanyang tiyan. Sabi nito, "Ang takaw mo talaga."

Yumuko siya't tiningnan ang tiyan. Gosh! She was horrified to see a bump. Para siyang dalawang buwang buntis!

Baka kapag na-digest na lahat ng kinain niya sunod namang lumaki ang hita, braso, at pisngi niya. Baka tumaba siya! Hindi!

"Jeron," ngiwi niya sa seryosong tingin nito sa kanya, "tataba ako neto!"

To her entertainment Jeron smirked playfully, "Hayaan mo na. Pinaghirapan mo naman yan."

"Ano?!"

Iniwan siya nito nang may mga ngiti sa labi at pumunta ng kusina. She ran after him to plea he's just lying. No way she's going to get fat again!

Nagbukas ng ref ang binata saka dumungaw mula sa pintuan. "Naubos mo nga," sabi nito nang nang-aasar.

She blew her bangs off. Gosh. Nag-uumpisa na naman siya.

And then she suddenly went serious when she remembered the true reason of her visit. "Jeron," sabi niya at agad din namang nawala ang pagbibiro sa mukha ng binata, "uuwi lang muna ako sa amin ng ilang araw. Umuwi kasi ang mga kuya ko. Alam mo--"

"Ayos lang sa akin," putol sa kanya nito saka isinara ang ref. Lunapit ito sa kanya saka napapikit ang isang mata niya nang marahang tinusok ng daliri nito ang kanyang pisngi. "Ihahatid kita sa inyo."

Napaisip siya sa sinabi nito. Istrikto ang mga kuya niya sa kanya pagdating sa kanyang lovelife at sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Kung iyong iba hindi nagkaka-boyfriend kasing walang nagkakagusto o kaya naman mapili at naniniwala sa one-man destiny, siya NBSB kasi bantay sarado siya ng mga kuya niya. Ipinaalala niya sa sarili. Etong si Jeron lang ang maswerte dahil nasa military na ang Kuya Kobi at Kuya Keith niya nang manligaw ito.

She swallowed, afraid of the future her brain was trying to picture out. "P-pero ang mga kuya ko..."

"I wanna meet them."

She bit her lip, stuck for words. Paano?

"Ayaw mo?" tanong ng binata nang hindi siya makasagot.

Agad siyang umiling. "Hindi naman sa ganun. It's just that--" nahihiya siyang makipagtinginan sa binata kaya nagbaba siya ng mukha at pabulong na itinuloy ang sasabihin, "I'm not yet ready. Hindi ko pa sa kanila nasasabi..."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now