Chapter 19

20 1 0
                                    

Chapter 19

Ako ambisyosa daw? Ang kapal talaga ng balat nito. Sinundan niya ng matatalim na tingin si Jeron na papunta ng kusina para maghanda ng pagkain.

"Akala mo sinong guwapo..." bulong niya.

Habang abala si Jeron siya naman ay nilibang si baby boy. Nang mapagod na siya sa pakikipaglaro ay tumigil siya at ipinagpahinga ang sarili sa sofa ni Jeron.

Kaso nawili ata sa kanya si baby boy at umiyak ito ng iniwan niya. Napabangon siya agad at nilaro ulit ito. Kumanta-kanta siya sabay akto sa harap nito na parang may stage play na ginagawa. Iyon nga lang mas lalo siyang napagod. Paghinto niya umiyak na naman ito.

"Little prince," sabi niya, "pagod na ako. Puwede bang mamaya na ulit?"

Mas lalong lumakas ang uwa ni baby boy na naging on cue naman sa kanya para kumanta at sumayaw ulit.

Halos lumaylay na ang dila niya sa kakakanta at parang natanggal ang mga buto niya at hinang-hina na ang kanyang mga binti. Exaggerated lang ba siya kasi tinatamad siya o nakakapagod lang talagang mag-entertain ng sanggol para hindi umiyak?

"I'm tired, little prince," she complained, her hair covering her face.

Nang umiyak na naman ito, siya ay parang maiiyak na rin. Ang hirap pa lang magbantay ng bata.

"Baka nauuhaw!" sigaw ni Jeron mula sa kusina.

Nabuhayan siya. Tubig! Hinanap niya ang mga feeding bottles ni baby boy.

"Over here!" tawag ulit ni Jeron.

Tumakbo siya sa kusina saka kinuha ang bag na inabot sa kanya nito. Masyado siyang okupado sa kagustuhan na mapatahan ang bata kaya walang tinginan siyang nag thank you rito saka animoy si Flash na bumalik sa sala.

Jeron was right, the baby's thirsty. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na umiyak si baby boy. Naubos nito ang nangalahating tubig sa maliit na feeding bottle. Kung siya lang pala ang nandun, baka na-dehydrate na ang bata at sayaw-kanta pa rin ang kanyang drama.

Hindi pa tapos si Jeron magluto kaya habang naghihintay ay nagbukas siya ng tv. Nilapit niya sa kanya ang stroller saka puwerteng tumunganga sa pinanood niyang musical drama. Sinasabayan niyang kumanta ang mga characters at tuwang-tuwa naman ang bata sa kanya.

Tumingin siya sa stroller. "Little prince, maganda ba boses ko, ha?"

Parang tumalon ang puso niya ng ngumiti ito.

She leaned down and pinched the baby's cheek lightly. "Gosh. Napaka-adorable naman ng baby na 'to." Sam was almost teary. "Nagagandahan sa boses ko."

"Pati walang kamuwang-muwang inuuto mo."

Makalaglag panga ang hirit na iyon. Hindi niya namalayan na nakatayo si Jeron doon at pinapanood sila. May suot itong apron.

So, he can cook. Ang mga kuya niya marunong. Si Chika marunong. Pakiramdam niya'y siya lang itong hindi marunong sa kusina tapos siya pa itong biniyayaan ng healthy appetite.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Weeh? Ikaw din kaya sinabi mong maganda ang boses ko."

Lumapit ito kay baby boy at hinawakan ang diaper. "Puno na."

"Ano ang puno?"

"Palitan mo ng diaper," utos sa kanya nito na siyang ikinakunot ng kanyang noo.

"I'll change it?" She recalled some diaper commercial on tv but she failed to picture how to do one. "Di ko alam kung pa'no."

"Alam ko," sabi lang nito. "Wala kang alam sa lahat, alam ko iyon."

Aba't!

"Bunso ako," pagtatanggol niya sa sarili, "kaya wala akong alam sa babysitting."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now