Chapter 22

26 1 3
                                    

Chapter 22

Pagkagaling ni Jeron sa Elixir, ang kompanyang kantang pinagtatrabahuan, ay dumeretso siya ng bahay. First day niya iyon ng trabaho kaya gusto sana niyang mag-celebrate sa isang restaurant kaso naisip niyang wala naman iyon pinagkaiba kung sa bahay siya kakain. Isa pa mas gusto niya ang mga luto niya kumpara sa labas.

Dahil rush hour nahirapan siyang makasakay. Pina-tune up niya ang kanyang kotse kaya nag-commute muna siya ng araw na iyon.

Nagtiyaga siyang maghintay.

Maya-maya may isang grupo ng high school students ang lumapit sa kanya. Lahat babae. Nagpipigil ng ngiti ang mga ito.

"Excuse me," sabi nung isang nakasuot ng salamin. "We're students from J. E High. Kuya, walang ligoy, pwede ka ba naming gawing model para sa presentation namin sa school?"

Model para sa school presentation?

He tried to be as polite as he could. "Sorry, girls," sabi niya at nakita niyang sumeryoso ang mga mukha ng mga ito. "Pero hectic ang schedule ko this coming days, hindi ko kayo matutulungan."

"Ganun po ba?" sabi naman nang isa.

Tumango siya.

Nagsalita ulit iyong nakasalamin. "Sige po, kuya. Thank you po."

Nang umalis ang mga ito narinig niya ang usapan ng mga estudyante.

"Sa tingin mo, hindi lang siya nagdadahilan?"

"Hindi ko alam."

"Ang guwapo," dinig niya sa isa pa. "Dito na tayo dumaan araw-araw. Everyday tayong makakakita ng pogi."

May naalala siyang tao sa mga ito. Lollifat.

"Huwag ka nang malungkot. Nandito lang ako, di kita iiwan."

Kung kasama lang siguro niya ang kanyang ina ngayon, masaya siguro niyang ipagdidiwang ang kanyang first day of work. Lagi pa naman sinasabi sa kanya nito dati na palagi siyang maging masaya. Learn to celebrate life, ika nga.

Paglabas niya ng elevator ng Lancaster Condominium, nakita niyang ang nakayukong si Sam na pabalik-balik sa tapat ng kanyang unit. Napangiti siya.

He walked straight to type his passcode. Kunwari hindi niya ito napansin.

"O!" gulat na untag ni Sam ng makita siya. "Nandito ka na pala! Kanina pa ako dito naghihintay. Saan ka ba nanggaling?"

Ano na naman kaya ang kailangan nito? Binuksan niya ang pinto saka isinirado iyon pero pinigilan ito ni Sam.

"Sandali naman!" May inis sa mukha nito. "Isang oras akong naghintay dito tapos di mo man lang ako papansinin?!"

"Bakit ka kasi naghintay? Inutos ko ba?"

Nag-iba agad ang timpla ng mukha nito, nakangiti na. "Saan ka galing?"

Nagpasensya siyang sumagot. "Sa trabaho."

Sam's face was amazed. "May trabaho ka na?!"

Tumango lang siya.

Napatakip ng bibig ito, animo'y isang promosyon ng pagka-CEO ang kanyang ibinalita. "Oh my God! Kelan pa?"

Kaya ayaw niyang sinasagot ang isang tanong nito dahil alam niyang sunod-sunod iyon. Sa kakulitan nito daig pa niya ang sumasagot sa isang oral examination.

"Just this day," sagot niya ng wala pa ring ni kunting bakas ng ekspresyon ang mukha. Siya itong nag-first day of work pero itong si Sam ang walang mapaglagyan ng tuwa.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now