Chapter 11

34 2 0
                                    

Chapter 11

Kinabukasan, maaga siyang bumangon (ng walang alarm) para hanapin si Chika at ibalik sa kanilang bahay. Hindi siya nakatulog buong gabi kakaisip ng gagawin niya. Buti na lang at nakabawi siya ng tulog ng kahapong hapon at may sapat siyang lakas ng araw na iyon para sa panibagong misyon niya.

Last resort niya ang tawagan si Chika. Naging P.I. niya ito kay Jeron kaya wala kung ikukumpara rito ang plano niyang hanapin ito. Una siyang pumunta sa bahay ng mga Zapanta.

"Sino daw po sila?" sabi ng security guard sa kanya.

She rarely visited his uncle's house because it was an empty house like theirs. Wala naman siyang bibisitahin. Ang mga pinsan kasi niya hindi rin naglalagi ng bahay maski weekends.

"Sabihin mo Samantha."

Pinapasok siya ng security subalit wala rin siyang napala. Gaya ng inaasahan niya walang tao roon maliban sa mga kasambahay at mga alagang aso ng pamilya.

Sunod siyang nagbakasakali sa Zaphire, isang hi-class restaurant na pag-aari ng pamilya Zapanta.

Um-order siya para makakain na rin at hinanap sa buong restaurant ang pinsan pero hindi niya ito nakita. Ayon din sa staff doon hindi raw nila kilala ang hinahanap niya kahit nung banggitin pa niyang Zapanta si Chika.

Nagbasakali rin siya sa iba pang pagmamay-aring mansyon ng pamilya Zapanta pero ayon sa mga caretaker ay wala pa raw bumibisita sa kahit sino sa nga Zapanta sa nakalipas ng dalawang buwan.

Kinontak niya sa social media ang mga kaklase nito pero maski ang mga ka-close nito ay hindi raw alam kung nasaan ang kanyang pinsan.

Tumigil siya sa dinaanang Jollibee nang magutom siya sa kababiyahe. Alam niyang ayaw ni Chika na kumakain siya sa mga fastfood chain pero hindi naman siya o-order ng madami, isang burger lang at spaghetti. Saka sa mga fastfood kasi maraming bata ang kumakain doon at sumasaya siya kapag pinapanood ang mga itong masayang kumakain.

"Maam," sabi ng isang isang cashier sa kanya, "dahil special po ang araw na 'to sa Jollibee may special treat po kami para sa inyo."

Ngumiti siya rito. Special day? Tamang-tama pala ang pagpunta niya roon. Nakakapagod ang ginawa niyang hunting sa pinsan at pakiramdam niya'y para sa kanya talaga ang special treat ng fastfood.

Kasama ng in-order niya ay ang isang ice cream plushie. Napapatitig siya rito nang may naalala.

Kung hindi sa sinabi ng cashier ay baka hindi siya umalis ng counter. "Enjoy your meal, maam."

"Thank you," tugon niya.

Pagkaupo sa kanyang table ay kinuha niya sa tray ang special treat na plushie. Dalawang tao ang naalala niya: si Chika nang kumain sila ng ice cream sa may foodcourt at si Jeron na binigyan niya ng piggy plushie.

Isang buwan na rin niyang hindi nakikita si Jeron, aaminin niyang nami-miss niya ito. Sa ngayon kailangan niyang pagtuunan ng pansin muna ang paghahanap kay Chika.

She twirled the plastic fork on the pasta and opened her mouth big.

Saan naman kaya puwedeng mag-suot ang kanyang pinsan? Saan iyon tutuloy? Wala na siyang alam na pwedeng lapitan ni Chika.

Naiiyak na naman siya nang may naalala ulit. Paano kung bumalik na nga ito sa Singapore?

Tinawagan niya ang kaibigang si Ru.

"Ru," said she. Nahimasmasan siya ng marinig ang boses ng kaibigan.

"Ru, I need your help."

May kilala ang kanyang kaibigan na pwedeng tumulong sa kanya para ma-trace kung nakalabas nga ng bansa ang kanyang pinsan.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now