Chapter 3

35 2 0
                                    

Chapter 3

Hindi agad dinalaw ng antok ng gabing iyon si Jeron. Tumawag ang ama niya para balitaan siya na malapit na itong ikasal sa four- month girlfriend nitong British citizen. Tinitimbang niya ang mga mangyayari pagkatapos ng kasal.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot.

Since cancer took his mother ten years ago smile never did cross again on his father's face. Maski siya nahirapan siyang magpatuloy sa buhay ng mawala ang kanyang ina. Hindi na niya ulit makuhang maging masaya, parang napakahirap. Ngayong nahanap na ulit ng kanyang ama ang kaligayahan nito dapat ay maging masaya siya para rito. His father deserved it after all.

Subalit may lungkot pa rin sa puso niya. Magkakaroon na ng sariling pamilya ito at maiiwan na siyang mag-isa. Tuluyan na siyang mauulila.

He sighed heavily. Five hours since he laid on his bed and his eyes were still staring at the ceiling. Ikalawa na ng umaga at may pasok pa siya bukas.

Bukas...

His thoughts diverted and a smirk escaped on his lips. His life had been quiet and peaceful not after that day when he met her.

Hindi naman niya sinasadya na masilipan ang babaeng iyon. Tinangay ng hangin ang palda nito at nagkataon namang doon siya nakatingin. Mukha kasi naliligaw ang babae at nag-iisip siya kung tutulungan niya ito o hindi. He peered under the cap he's wearing and searched her face if she was one of those girls that had been giving him headaches the past few days.

He stopped befriending girls. He tried but it left him in a mess. A big mess. That was why he'd been distant and the distance continued to lengthen as days passed by.

"Mag-sorry ka!" sigaw nito sa kanya nang mahuli siyang nakatingin sa mga hita nito. Paulit-ulit iyong humingi mula sa kanya ng sorry pero hindi niya ito pinansin. He lowered his cap up to the tip of his nose.

Ayaw niya sa maingay.

Hanggang sa may naramdaman siyang isang bagay na tumama sa pantalon niya. Isang bato. Binato siya ng babae na sakto namang nag-landing sa bandang ilalim ng zipper nag kanyang pang-ibaba.

Akala niya kumaripas na ng takbo ito subalit nakita niyang hindi ito umalis sa kinatatayuan. Imbes ay tumalikod lang ito.

Tumalon siya mula sa malaking sangang kanyang kinauupuan. Alam naman niyang hindi sinasadya ng babae ang nagawa at wala siyang dahilan para magalit. Isa pa hindi siya galit. It rather amused him na takot ito. Tingin kasi niya isa itong matapang na babae base sa pagsisisigaw nito kanina. Girls didn't usually shout at him; they spoke so softly and so sweetly like a tamed princess wanting to win his attention.

"Humarap ka dito," sabi niya. Hindi niya alam kung galit niya itong nasabi.

She's scared. She won't.

The girl swayed around. "What? I don't have to say sorry. You didn't, remember?" She blew her bangs off. "We're even."

Wala na siyang suot na sumbrero ngayon at nakita niyang nakatingin ito sa mga mata niya.

"Listen carefully," sabi niya. He had to annoy her so she wouldn't show herself anymore. "You're wearing pink underneath. Legs? They're tempting,"--he saw her eyes gone bigger he could see the tiny thread of red vein on her eyeball--"but I'm not interested. Parang isang sakong bigas ang bigat ng bawat isa."

The girl was flustered with rage. "Ano?!" sigaw nito sa kanya.

That's it, he thought.

"Manage your weight," dagdag pa niya. "Take that as a friendly advice."

Satisfied, he walked away wearing his cap.

What happened next that day was opposite of what he'd assumed. He underestimated her.

Hindi siya tinigilan nito. Kahit saan siya magpunta sumusulpot ito. It was annoyed him so much, for him, the girl's absence was another word for luxury.

Lagi siya nitong kinukulit maski sa pinakamaliit na bagay. Nagtrip pa nga ito isang beses ng tanungin siya sa ano ang mas naunang pinangalanan, iyong orange na prutas o orange na kulay. Siyempre hindi niya ito kinikibuan minsan para tumahimik ito pero ito na naman ang putak ng putak. Sa tuwing nakabuntot ito sa kanya, dinig niya ay isa itong sirang plaka na gusto niyang itapon.

Resourceful ang babae. Hindi niya maitatanggi iyon. Wala siyang malalapit na kaibigan na puwedeng pagtanungan nito tungkol sa kanya pero ang dami nitong alam sa kanya. Maski ang tungkol sa mama niya alam nito.

Thinking he couldn't doze to sleep, he got up and went to kitchen. He made himself a late, midnight snack since it was starving. Afterwards he went for the bathroom and brushed his teeth. He washed his face then saka tinitigan ang sarili sa malapad na salamin. Sabi ng papa niya nakuha daw niya ang ilong at mga labi ng mama niya but as he saw his own reflection there was more semblance to his father.

She likes my eyes. Naalala niya ang nangyari ng hapong iyon sa may foodcourt. Akala niya noong una sinadya nito na nandoon ito pero nang magkwento ito tungkol sa kanya naisip niyang coincidence lang pala. O pwede ring sinadya nito.

What's special about them? He paid attention to his eyelashes, to his eye's shape, to his irises, to everything about his eyes. He concluded: They're just eyes.

Kinabukasan hindi na siya nagtaka nang bigla itong magpakita sa photography class niya. Two sessions na ang natatapos nila at nagtaka siya kung bakit natanggap pa ito. Siya nga nahirapang makapasok dahil kunti lang ang slot para sa crash course na iyon.

Tinusok siya ng bolpen nito sa braso. Ngumisi ito sa kanya. "May conflict sa sched ko kaya ngayon palang ako nakakapasok." Dumating ang kanilang mentor kaya bumulong na lang ito. "Galingan natin."

Pati photography class niya hindi rito nakalusot. Nakakatakot na talaga ang babaeng ito. Gusto niyang paniwalain ang sarili na darating din ang araw na mapapagod ito kahahabol sa kanya at babalik din sa tahimik niyang buhay ang lahat.

Sa araw na iyon binigyan sila ng activity ng kanilang mentor. Kailangan nilang kumuha ng mga retrato sa grounds ng university. Pipili sila ng lima sa mga iyon at ipi-present nila sa harap ng klase with captions.

Nang magsimula na sila sa kanilang task hindi na siya nagtaka nang bumuntot na naman ito sa kanya.

"What will be your subject?" tanong nito.

"None of your business?" sabi niya lang habang sini-set-up ang kanyang camera.

"Of course it is my business!" sagot naman nito. "Paano pala 'pag pareho tayo, eh di pareho tayong babagsak!"

"That is if you'll copy my idea. Now, get lost, lollifat."

"Gosh. Sungit talaga," dinig niyang bulong nito. Nakita niyang pumunta ito sa tabi niya. "Ayoko. Nandito iyong subject ko."

Asa pa siya e wala nang tatalo pa sa kakulitan ng babaeng pumepeste sa kanya.

Hindi na siya nakipagtalo dito. Malawak naman ang kanilang eskwelahan at maraming pa namang pwedeng gawing subject.

Kaso nga lang ay di pa rin siya nito tinantanan. Sumunod pa rin ito sa kanya.

"Ano na naman?!" iritadong sabi niya sabay lingon.

Natigilan ito panandalian sa pagsigaw niya."Nagbago isip ko. Hindi ba puwede?"

Ngumiti ito sa kanya at napapatitig siya sa mukha nito. Mas lalo itong gumaganda habang tumatagal. Bilugan ang mga pisngi nito na parang gusto niyang pisilin at kurutin. Mag pagkasingkit ang mga mata nito at bagay rito ang hugis ng mga labi. Maganda ito kundi nga lang siya bwisit na bwisit dito.

"Jeron, bakit ba ang sungit mo?" tanong nito sa kanya.

He wasn't sure if what he saw was shock or sadness in her eyes when he answered it but he cared for no one's feeling, least, for her. Sa isang bagay lang siya sigurado at ito ay ang lubayan na siya nito.

Nagtaas siya ng tingin dito. "Simple lang," sabi niya. "Ayoko sa 'yo."

---End of Chapter 3---

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat