Chapter 8

50 1 0
                                    

Chapter 8

"Siopao, thank you." Sam gave Ross a cheeky smile. Naging succesful ang pagharap nito sa mga kuya niya kahit pa ginisa ito ng mga tanong na nalusutan naman nito nang natural. Hindi nahalungkat ng kaniyang mga kuya ang tungkol kay Jeron at naniwala rin ang mga ito na kaibigan lang niya si Ross nang sinabi nitong may girlfriend ito.

Pinisil nito ang pisngi niya. "Basta ilibre mo ulit ako."

"Sige ba."

Sa halos isang linggong bakasyon ng kanyang mga kuya hindi si Sam nagbububuntot muna kay Jeron. She couldn't risk another court-like one on one with them.  Baka maubusan na talaga siya ng idadahilan dito.

Kaya naman nang matapos ang stay ng kanyang Kuya Kobi at Kuya Keith ay para siyang lumipad patungong  lecture room nila Jeron. Panigurado niyang in-enjoy ni Jeron ang mga araw na hindi niya ito binuwisit at excited siyang makita ang mukha nito sa oras na bumulaga siya rito. Naiisip pa lang niya ang mga nakakunot nitong noo gusto na niyang magdiwang.

Nang sumilip siya, bakanteng upuan ni Jeron ang kanyang nakita.

Lumapit siya sa bukas na pinto at hinanap ito. "Absent siya?" tanong niya sa sarili.

That afternoon, after class,  Chika drove her to Jeron's condo. Wala itong nagawa nang pigilan siya nito. Papasok naman daw kasi si Jeron kinabukasan at hintayin na lang niya ang araw na iyon para ipagpatuloy ang kanyang misyon. Subalit mapilit siya.

"Wait for me here," sabi niya nang tumigil ang sasakyan nila sa tapat ng Grand Ariyah Condominium.

Nang pababa na siya ng sasakyan hinuli ni Chika ang kamay niya. "Your highness, bubugbugin nila Kuya Kobi itong kagandahan ko kapag nabastos ka."

"Ano ka ba?!" Hindi niya akalain na may iniisip na ganung bagay ang pinsan. "Si Jeron iyon! Sukang-suka iyon sa akin!"

Chika let go of her hand. "O sige na."

Pagdating niya sa harap ng unit ni Jeron pinindot niya yung intercom saka siya ngumiti ng hanggang tenga at nagsalita. "Jeeeroon...Jeeroon...yoohoo."

Kinikilig siya. Alam niyang bwisit na ngayon si Jeron. Nasira na niya ang araw nito na siya namang kumumpleto ng kanya.

She waited for almost thirty minutes standing in front of the intercom and talking nonsense but no Jeron came out. Nagsinungaling na siyang may importanteng pinapabigay dito ang prof nito pero hindi pa rin siya nito pinagbuksan.

Tiningnan siya ng dumaang maintenance na nakasalubong niya kanina. Malamang ay nagtataka ito kung bakit nakatayo pa rin siya roon. Ngumiti siya rito at napasimangot siya ng makita niya itong umiling-iling ng lagpasan siya.

Nakakahiya na itong ginagawa niya. Wala man lang kasing bahid ng pagka-gentleman itong si Jeron at natiis siya nitong paghintayin roon. Hindi man lang ito lumabas para sabihin sa kanyang tumigil at umuwi na. Tumalikod siya sa intercom saka tinikom ang mga kamao at nanggigil ng todo.

Jeron Valencio!

Humugot siya ng malalim na paghinga saka nakangiting humarap ulit sa intercom. "Jeron, pasensya na kung naabala kita kaso importante talaga iyong pinapabigay." Lumingon siya saka ngumiti ulit sa harap ng intercom. "Sige, alis na ako."

Kaninang umaga lang buhay na buhay siya sa pag-aakalang masisilayan na naman niya ang nakabusangot na mukha ni Jeron pero hindi pala. Dederetso na lang siya sa mall para mag-shopping ng kahit ano lang na makita niya. Disappointed, she turned to leave.

"Lollifat."

Her lips stretched wide. Yes! She put a poker face on saka nilingon si Jeron. "Oh, Jeron, paalis na ako. May sasabihin ka?"

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now