Chapter 32

36 1 2
                                    

Chapter 32

Isang travelling bag at shoulder bag ang dadalhin niya para sa trip na iyon. Magaling naman siya mag-organize ng gamit kaya napagkasya niya lahat ng kanyang dadalhin. Two days lang naman din sila sa El Nido kaya plinano na niya ang mga isusuot at kung ilang pirasong damit ang kailangan niya. Nagdala din siya ng swimsuits. Siyempre! Alam niyang may beach sa pupuntahan nila kaya di malayong mag-swimming sila.

Simpleng white blouse at tight jeans lang ang kanyang outfit papunta roon. Pinaresan niya iyon ng sneakers. Hindi na siya nag-brainstorm kung anong ipapares sa ano. Sabihin pa ni Jeron nagbibihis siya para rito.

Naku! Nakakahiya naman sa ganda 'ko.

Saktong kakalabas niya ng mga dadalhin mula sa kanyang kuwarto ay tumunog ang kanyang doorbell. Tinakbo niya ang intercom at nakita roon si Jeron. Di ko pa natatali ang buhok ko. Animo'y hinahabol ng orasan mabilis niyang tinungo ang shoulder bag sa kanyang couch. Kinuha niya roon ang cellphone saka nag-text kay Jeron.

Just a second.

Inapura niya ang pagsuklay sa buhok saka itinali iyon. Simpleng-simple na ang kanyang ayos. Hindi na siya mahahalata nito na mas excited pa siya sa babaeng kokoronahan sa isang beauty pageant.

Sam was sure as sure that she didn't overdress. Pero bakit hindi matanggal sa kanyang repleksyon  ang mga mata ni Jeron sa harap? Nakita niya ang pagbaba at taas ng tingin nito sa kanyang kabuuan. Tyming pa naman at wala silang kasabay ng binata roon sa elevator kaya parang nalalaglag ang kanyang balikat sa sobrang pagkailang.

"B-bakit?" tanong niya ng hindi na niya matiis.

Hindi pa rin nawala sa kanya ang tingin nito. "Lagi ka bang nagsusuot ng mga ganyang damit?"

So, it's about the outfit. Problema niya sa damit ko? "Hindi naman. Baket?"

Inalis na nito ang mga tingin sa kanya. "Sa susunod maluluwag na damit ang suotin mo."

Ano? Anong konek ng damit niya? Isa pa, nagmumukha siyang mataba sa mga loose na damit."O-kay," tugon niya.

He looked at her again, this time not on the mirror but on the actual her. "Itago mo rin yang leeg mo," sabi nito na nakatutok sa kanyang leeg na parang may tatoo siya roon. What's wrong with my neck? Hindi pa nakuntento ay hinawakan nito ang kanyang ponytail at hinugot ang kanyang tali, leaving her hair spread on her shoulder. Mangha lang siya sa ginawa ng binata. Hindi sa kanya nito binigay ang tali, ibinulsa nito iyon. May kinuha naman ito sa bulsa ng jacket saka dumako ang kamay sa kanyang buhok. Doon niya nakita ang clip na inipit nito roon.

The clip was a slender tube, slim as a pen, lengthed two-inches, and had black stones on top. It was her clip. "Ba't nasa 'yo 'to?"

"Nalaglag mo," he said and then a smirk crossed his face. "Nagmamadali kang lumabas ng elevator noon na parang may gagawin akong masama sa iyo."

Iyon iyong iniiwasan niya ito dahil sa hindi ito nag-reply sa kanyang text. Naalala niya.

Pagdating sa airport ipinakilala siya ni Jeron sa mga katrabaho nito. Isa kasi iyong work trip, may i-sho-shoot ang team nito sa Palawan. Siya, makikisawsaw lang sa mga ito.

"Hi, I'm Nalyn!" sabi ng babae sa kanya. Medyo matangkad lang ito sa kanya ng kunti, balingkinitan, at maganda. Inalala niya kung ito ba ang babaeng nakita niyang kasama ni Jeron noon.

"Hi," nakipagkamay siya dito ng nakangiti. "Ako naman si Sam."

Sunod naman nag-abot ng kamay ay ang katabi nitong lalaki. "Danilo. Nice to meet you, Sam."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now