Chapter 13

25 1 0
                                    

Chapter 13

Isang taon na lang ay matatapos na si Sam sa kursong Banking and Finance. Last quarter na ng third year ay mas dumami ang paperworks niya na kailangang tapusin.

"Chika!" tawag niya sa pinsan na kasalukuyang nagluluto sa maliit na kusina nito. Dinala niya lahat ng mga papel niya para doon gawin sa bahay ng pinsan. "Ang sakit na ng mga kamay ko kata-type!"

"Patapos na ako, your highness, saglit na lang 'to!" Chika called over.

Thinking of getting a break, she lifted her palms off from the keyboard. In-exercise niya ang mga daliri saka napasimangot ng tingnan niya ang word count sa MS word. 5, 000 words pa lang na-type niya, may 5,000 pa siyang dapat tapusin. Nakakastress.

She clicked the minimize button of the MS word and then opened Google Chrome. Makapag-IG nga muna.

Habang pindot siya ng pindot ng down arrow button sa kanyang keyboard ay pinasadahan niya ng tingin ang mga post ng mga follows niya. Mga OOTDs ng AG's at ng ibang mga kakilala niya, mga BTS ni Ross sa photoshoot, at iba pa. Walang bago. She closed the IG tab and typed google on the new tab she opened.

She put on the search bar: Reasons you're missing someone. Binura niya iyon, pinalitan niya ng Signs you're liking someone.

Pagkatapos niyang mabasa ang unang link saktong dumating si Chika na may dalang salad. Agad niyang isinara ang Google Chrome.

"Ba't home screen yan?" tanong nito.

She clicked the MS word. "Ayan. 5, 245 palang."

Kinuha sa kanya ni Chika ang laptop. "Kain ka muna diyan. Ako muna rito."

She took the plate and went to his couch. Buti na lang at di siya nito nahuli. Kung dati sa mga kuya lang niya itinatago ang tungkol kay Jeron ngayon pati kay Chika hindi siya basta-basta nagdi-disclose ng updates.

May iba sa nararamdaman niya para kay Jeron kaya hindi muna siya open sa bagay na iyon.

Nang mai-submit niya lahat ng requirements for finals ay nagpunta siya ng mall para mag-shopping, ma-relax man lang siya bago ang final exams niya.

Dinala niya ang kanyang dalawang premium cards. Ang isa iniwan niya sa bahay, reserved niya after ng exam. Ugali niyang bigyan ng reward ang sarili sa pamamagitan ng pagbili ng sapatos, damit, bag, at kung anu-ano pang makita niyang maganda.

Una siyang nagpunta sa Lux Yuri Botique, pagmamay-ari ng kapatid ng kaibigan niyang si Ru. Maganda ang collection ng mga damit doon dahil personalized ang design ng mismong may ari.

"Good afternoon, maam," bati sa kanya ng saleslady sa may entrance. "Welcome to Lux Yuri."

"Hi. Good afternoon."

Nagningning ang mga mata niya ng makita ang mga bagong labas. Nahirapan siyang pumili sa ganda ng mga iyon. Unique ang mga style at excellent ang mga color combination. Parang buong botique gusto niyang bilhin.

Iniwan niya muna roon ang mga shopping bags para magpunta pa sa ibang suki niyang shop.

Sunod siyang nagpunta sa isang shoe store. Agaw-pansin sa kanya ang isang sneaker boots na black and brown na may white laces.

She purchased the shoe without any question. 

Her next stop was in a bag shop.

Kinuha niya ang isang red fold over clutch bag. Sinuri niya iyon. Parang kapareho lang ng bag niya na nasa bahay.

She took the black hobo bag. That one was fit for her new white dress na binili kanina sa Lux Yuri.

"Excuse me, miss."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now