Chapter 6

50 1 0
                                    

Chapter 6

Inisa-isa ni Sam ang kanyang mga damit na naka-hanger sa kanyang closet. Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang siyang na-concious sa kanyang susuotin ng araw na iyon. Lahat naman ng binibili niyang damit ay binubusisi niya bago bilhin. Di porke't nakita niyang maganda ay diretso agad sa counter. Binabagay niya muna ang disenyo nito sa figure niya. Minsan kasi nagmumukha siyang mataba sa damit kaya nag-iingat siya.

Kinuha niya ang kulay brown na dress saka pumunta sa kanyang full length mirror. Pinasadahan niya ang kabuuan ng kanyang nakikita. "Date? May ka-date siya kagabi? Ako selos?" Kinuha niya ang damit sa hanger. "Hindi kaya!"

OA lang si Chika, sabi niya sa sarili.

She readied for school.

Nang nasa eskwelahan na siya inabangan niya si Jeron sa gate nang masigurado niyang wala pa ito sa classroom nito.

Kailangan niyang kumilos kundi mababalewala lahat ng mga naumpisahan niya. Ang layo na ng narating niya, ngayon pa ba? Hindi puwedeng magkaroon ng girlfriend si Jeron maliban sa kanya. Hindi puwede.

Maganda kaya ang ka-date ni Jeron? Na-curious si Sam. Maka-lollifat kasi ito sa kanya akala nito kasing laki niya ang blue whale sa karagatan.

"Asan na kaya ang laiterong iyon?" Nangangawit na ang binti niya.

Tiningnan niya ang oras ng cellphone. Ang kupag ni Jeron, tsk. Kung siya lang ang nasa posisyon ng babaeng ka-date nito kagabi ito-turn down niya agad. Lagi kasi itong late pumasok. Siyempre alam niya ang tungkol dun.

"Ba't ngayon ka lang?!" bulyaw niya kay Jeron ng sa wakas ay dumating na ito. Meron pa silang dalawang minuto para pumunta sa kani-kanilang klase.

Jeron passed by, not minding her.

Sumabay dito si Sam. "Sa susunod agahan mo nga!Haay...lagot ako nito."

Naalala ni Sam na may quiz pala sila sa first subject niya. Hindi pa naman siya nag-aral kagabi! Paano na? Wala pa naman siyang kokopyahan dahil siya mismo ang pinagmumulan ng sagot ng mga katabi niya. Kawawa naman sila kapag wala silang naisagot.

"May nagsabi bang hintayin mo ako? Wa--"

"Diyan ka na! Mamaya na lang tayo mag-usap!" sabi ni Sam saka kumaripas ng takbo. Buti na lang at nag flats siya ng araw na iyon.

Nakahinga ng maluwag si Sam ng maipasa nila ang quiz na binigay ng kanilang prof. Medyo na-late ng ten minutes ito kaya nakapagbuklat pa siya ng kanyang hand-outs. Hindi naman bago sa kanya ang kanilang lesson kaya hindi siya nahirapan. Kumbaga refreshment lang ang last-minute review na ginawa niya.

Nang vacant niya, hinanap niya ang room ni Jeron. Buti na lang talaga at organized siya. Nang bigyan siya ni Chika ng kopya ng Registration Form ni Jeron, nagpa-photocopy siya ng marami. Kaya naman hindi na niya inisa-isa ang pinapasukan nitong building. Effortless niyang natunton ito.

Dahil bukas ang mga pintuan ng rooms agad niyang nakita si Jeron. Tutok itong nakikinig sa propesor nito sa unahan. Napangiti siya.

Sumandal siya sa nakasiradong pinto sa tapat nitong room at malayang pinagmasdan doon ito.

Hindi niya maitatangging guwapo si Jeron lalo na kapag ninanakawan ito ng tingin. Iyong katabi nga nitong babae pasimpleng sumusulyap-sulyap dito. Napataas ang kilay niya. Gosh, ate. Makinig ka sa discussion.

She silently giggled when Jeron caught the girl. Buti nga. Pero siya naman ang napaayos ng tayo nang mapadako sa kanya ang tingin nito. Napako sa kanya ang atensyon nito na parang minumukhaan siya kung siya ba talaga ang nandoon.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now