Epilogue Part II

29 1 2
                                    

E p i l o g u e

Part II

Maski si Sam ay gulat rin nang makita siya.

Sa bahay na iyon ay may naiwan siyang mga damit at isa sa mga pajama niya ay suot ngayon ng dalaga. Her hair was well kept at the back just like when she first borrowed clothes from him. He did not forget about her face, but seeing the actual her made her features new to his eyes. Hindi niya alam na ganun pala kaganda ito.

Seconds passed like years. Tinitigan lang nila ang isa't-isa.

"H-hi." Ito ang unang bumati saka ngumiti.

Lahat na pinagtanungan niya mahanap lang ito, nasa bahay lang pala nila. Doon lang pala ito nagtatago.

"Jeron?"

He fixed his eyes on her.
Hindi pa rin siya nakagalaw. Kung kanina sa sasakyan ay kasing bilis ng kuryente na hinabol ang inakala niyang si Sam, ngayon pakiramdam niya ay kinulong siya sa isang yelo at namanhid ang buong katawan niya. 

Hinimas ng dalaga ang likod ng leeg nito sa pagkailang. Tinawag siya nito pero hindi iyon naging sapat para gisingin siya sa anumang hipnotismo na umaalipin sa kanya.

"Jeron naman," reklamo nito. Jeron remained rooted on his spot Sam decided to walk to him, "Sige na nga."

Huminto ito sa kanyang harapan saka kinuha ang kanyang kamay na nakahawak sa seradura ng pinto. She brought it to her face, tilting her head. Closing her eyes, she whispered, "I'm sorry..."

Nanaginip ba siya? Sana hindi dahil lubos ang pangungulila niya rito. Kung panaginip man ayos na sa kanyang mawala ang kanyang airbed. Ayaw niyang magambala. "Lollifat..." he uttered, caressing her cheek with his thumb.

"Sorry," dinig niya ulit dito.

Marami siyang gustong sabihin. He'd rehearsed for that meeting pero ang tanging nagsalita lang para sa kanya ay ang kanyang nga paa na humakbang palapit dito at kaliwang kamay na yumakap sa beywang nito. She let go of his right hand and he used it to cup her head towards his chest.

Hindi niya alam kung kaninong tibok ng puso ang naririnig dahil parehong kumakabog ang kanilang mga dibdib.

"Nakita kita kanina sa sasakyan," sabi nito.

Napapikit siya. So it was her.

"Bakit hindi ka huminto?"

"Pano yun?" sabi nito. "Pareho tayo ng uuwian."

"Silly," he commented. "Sigaw ako ng sigaw kanina sa kalsada."

"Mali-late na rin kasi ako sa shift ko."

Shift?

"You should be proud," sabi nito, "cashier ako sa isang music store."

Cashier? She traded her presidency for a cashier job?

"Mas masaya kaya kumpara sa training ko," dugtong nito nang wala siyang masabi.

"Obviously. Mas pinili mo nga kaysa sa akin." He smiled when she grunted. Inaasar na naman niya ito. "Ang galing magtago nila Dad. Kaya pala ganun na lang ang pagmamadali nilang umuwi ako dito."

"Sorry ka," Sam said proudly, "nasa akin ang loyalty nila."

Hinigpitan niya ang yakap dito. "You're fuller. Dati kasya ka sa yakap ko, ngayon hindi ko na maabot ang mga kamay ko."

Pinalo nito ang braso niya. "Gosh! Ang OA mo naman!" Sinubukan nitong kumalas mula sa kanya pero hindi niya 'to pinakawalan. "Tsaka FYI nagpapataba talaga ako..."

Naisip niya ang isinakripisyo nito para lang mapansin niya. Now, he hated that version of him during that timeline.

"Bakit?" Sam asked rather shyly, "ayaw mo ba na sa akin kasi tumataba na ako ulit?"

Isniksik niya ang mukha sa leeg nito saka nagbiro, "Don't know. Pag-iisipan ko?"

"Ano?!" napasigaw ito ngunit agad ding binabaan ang boses. "I'm putting more weight kasi ayaw kong makasal sa iba, iyon iyon. Pang-asar ka talaga."

His heart jumped with joy. Kung dati nagpapapayat ito para sa kanya ngayon nama'y nagpapataba ito para pa rin sa kanya. Masaya siyang marinig mula rito na ayaw nitong makasal sa iba.

"Really? Then let's work with that." He gave a gap between them. Itinabi niya gamit ang daliri ang bangs nito na humaharang sa mata saka pinadausdos ang palad papunta sa pisngi at doon naman tinusok ng hintuturo. "I'll cook you your favorites. Ibibili rin kita ng isang ref ng ice cream."

"I borrowed your bed," pag-iiba nito ng usapan.

"Hmn. Do you like it?"

"Anong gusto?!" reacted Sam. "Istorbo kaya sa pagtulog."

Natawa siya rito. It's the reason  why airbed for him was way better.

Yumakap ulit ito sa kanya. "Ginagamit ko lang yan kasi miss na miss na miss na kita. Ayoko namang umuwi ng Pilipinas.

Ganun din siya. Miss na miss na miss na rin niya ito halos ito na lang ang laman ng isip niya sa bawat  sandali. "Ba't di mo sinabi na nandito ka lang pala?"

Things could have been different if she told him the truth.

"Kasi alam kong susundan mo ko," sagot nito. Walang duda iyon. Nang mga oras na iyon takot na takot siya na baka hindi na siya nito patawarin. Takot siya na mawala ito sa kanya. "Ayokong sunduin ako nila dito. Sorry hindi ko sayo sinabi."

"No," sabi niya.  "Hindi ko rin sa iyo sinabi ang tungkol sa mga kuya mo, I guess we're even."

Natawa sa kanya ito. "Naalala mo pa iyon?" She pertained the day they first met in a mischievous way. He never imagined she'd be that important to him. Pero may kakaiba siyang naramdaman ng mga oras na tinititigan niya ito mula sa pagkakaupo sa puno. Ngayon alam na niya kung bakit. Ito ang babaeng mamahalin niya.

"Nga pala nag-usap kami ng ate mo.."

Sam pulled away, facing him. "Oh?!"

He nodded. Kung hindi sana nito nalaman ang tungkol kay Ross ay magkasama sana silang hinarap ang ate nito. Nagdalawang isip siya na sabihin ang tungkol sa ibinilin nito pero sa tingin niya'y iyon na ang tamang panahon. "Sabi niya huwag daw kitang ibabalik sa inyo hangga't hindi tayo...kinakasal."

Sam small eye's widened. They were both speechless after.

Siya naman ay kinabahan sa maaring sagot nito. He knew he played it early and abrupt but it was Sam. He could marry her right there, right now. N other man could steal his lollifat from him.

Still not hearing anything from her, Jeron felt like he stood at the edge of a cliff.

Saka lang naibalik sa kanya ang kalayaang makahinga ng maluwag nang sumilay sa mga labi ng dalaga ang isang matamis na ngiti.

---THE END---

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now