Chapter 16

33 1 0
                                    

Chapter 16

Hindi siya dapat magpaapekto sa sinabi nito. Hindi. Kailangan niyang pigilan ang sarili kundi ay masasaktan lang nila ang isa't-isa.

Jeron, I like you...

But how could he convinced himself if her voice played over and over in his mind?

Jeron, I like you...

Niligpit niya ang pinagkainan saka dinala ang mga iyon sa lababo. Kasabay ng pagbukas niya ng gripo ay siya ring pagtunog ng intercom. Naalala niyang nag pa-schedule pala siya ng maintenance ng araw na iyon. Inikot niya pasara muna ang gripo saka tinungo ang pinto.

"Magandang umaga, Sir," bati sa kanya ng matandang lalaki, sa tingin niya'y nasa singkwenta ang edad.

"Magandang umaga rin," sabi niya saka pinapasok ito.

Bumalik siya ng kusina saka naghugas ng plato. Pagkatapos nun ay kinuha niya ang laptop sa kanyang kuwarto saka bumalik doon. Binuksan niya ang kanyang e-mail at nakita roon ang mga reply ng magazine na kanyang in-apply-an. Walang pumalya sa lima, follow up for interview lahat. Kailangan na lang niyang pumili sa mga iyon.

Dalawang linggo na mula ng makabalik siya galing England at kailangan niyang magkaroon ng trabaho sa loob ng isang buwan. Ayaw niyang mabawasan ang pera niya sa bangko at ayaw niya ring humingi ng pera sa ama. His father had shouldered the payment for his new house and he thought it was too dependent of him already. He decided to live with his own; he had to be responsible for himself.

Pagkatapos maayos ng kanyang sirang drainage sa banyo ay nagpaalam na sa kanya ang matanda. "Sir, tuloy na po ako," sabi nito sa nakaawang na pinto.

Tumango siya rito.

Sumakit ang leeg niya pagkatapos ng dalawang oras na nakaharap sa computer. He bent his neck, left and to right. Isinara niya ang laptop saka pumunta ng sala para umidlip sandali sa kanyang sofa.

Pagdating niya dun napansin niya ang isang maliit na toolbox. Naiwan marahil ni manong.

Pinabayaan niya muna iyon saka ipinuwesto ang sarili sa sofa.

Kinuha niya ang isang throw pillow saka pinantakip sa mata. He tried to nap.

Jeron, I like you...

It wouldn't matter if he wouldn't mind it. He let it replayed in his mind until he could hear it no more.

That's it.

Then he peacefully doze off.

Nang magising siya akala niya'y ilang oras siyang nakatulog pero pagtingin niya sa relo kalahating oras lang mula nang humiga siya.

Bumangon siya ng sofa nang tumunog ang intercom. Kinuha niya iyong box saka nagtungo ng pinto. Pagbukas niya nagulat siya nang makita ang taong nakatayo sa likod nun.

"Jeron." Si Sam na nakangiti.

Hindi siya agad nakapagsalita paraan para pamulahan ito ng mukha.

He put the box down on the floor. "What are you doing here?"

She stuttered, obviously unprepared or we could say nervous. "I-iyong tungkol sa n-nangyari doon sa ba--"

"Wala naman nangyari," putol niya.

She fixed her eyes on his. "Jeron..."

"Ano?" seryoso niyang tanong.

Hindi ito nakasagot. Nanligid ang mga luha nito't nanginginig ang mga labi.

Salungat dito, hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon. Sintigas ng bato ang mga tingin na ipinukol niya rito. "Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now