Chapter 38

25 0 0
                                    

Chapter 38

Nagkunwari si Sam na abala sa kanyang laptop. She streamed on an online webinar discussing handcrafting even without a tiny interest on it.

Kung hindi lang kasi sa tsismosang pinsan niya na hindi siya tinatantanan ay hindi sana siya nagsasayang ng battery charge at internet data ngayon.

"Your highness," pang-iistorbo sa kanya ni Chika, "kuwento ka na. Dali!"

Maagang-maaga itong pumunta sa kanyang unit para makitsimis lang.

"Wala nga," sagot niya habang tutok sa pinanonood.

Napaigtad siya ng sundutin nito ang kanyang tagiliran. "Anong wala?! Apat na araw kayo sa Palawan!"

Umayos siya ng upo. Ano naman ngayon? "Kilala mo si Jeron," she mumbled.

"Ang damot mo, Samantha," inis na sabi nito. "Pero 'pag ikaw nagpipiga sa akin ng mga bagay-bagay, hindi kita natitiis."

"Nangonsensya talaga?" sabi niya. She closed the browser and open her music folder on the desktop. "Okay eto na. Two days akong naisnab dahil sa trabaho niya. So bumawi siya ng sumunod na dalawang araw."

"Anong ginawa niya?"

Sam could see her cousin's eyes glittered with excitement as she said the word 'bumawi'.

Hinanap niya sa list ang kanta ni Taylor Swift at nagpatugtog sa mahinang volume. Sabi niya, "Nagkayaking kami, snorkeling, nanood ng sunset, at..."

Inilapit ni Chika ang upuan nito sa kanya. "At?"

Sam smiled discreetly."Dinala niya ako sa isang secret beach."

"Secret beach?!" Chika's eyes nearly got out of its sockets.

"Yeah."

"At?"

"Wala lang," simpleng sagot niya. "Ahm...sinabi niyang poprotektahan niya ako."

Chika was expecting to hear a much-detailed answer. "Ganun? Yun lang?"

"Yun lang," Sam concluded.

"Ibig sabihin magiging protective boyfriend--I mean protective future boyfriend mo siya," sabi ni Chika saka tinantanan na siya. Tumayo ito at lumapit sa kanyang aquarium. "Ano yun tatapatan niya ang mga overprotective mong kuya?"

Gosh. Namroblema siya bigla. Iniisip pa lang niya na makikilala ng mga kuya niya si Jeron kinakabahan na siya.

Nilingon niya ang pinsan sa sinabi nito. "Goodluck na lang kay papa Jeron, your highness."

---

Kunti na lang ang mga dapat tapusin ni Jeron sa opisina. Medyo maraming trabaho kasi ang natambak sa tatlong araw na hindi siya pumasok at kinunti-kunti niya ang mga iyong tinapos at isinabay sa mga kasalukuyan niyang gawain. Hindi niya ugaling mag OT dahil dagdag gastusin iyon para sa kompanya kaya sinusulit niya ang oras ng trabaho.

Nagda-drive siya pauwi ng bahay at hindi niya namalayan ang mga ngiti na sumisilay sa kanyang labi. She thought of Sam and the El Nido getaway. So far nakabawi siya sa dalaga, kahit papaano ay napasaya niya ito. Hindi niya makalimutan ang mga ngiti nito nang makita nito ang nakatagong lugar na iyon sa Matinloc Island. It was his last card and it worked. For that, he was relieved. Hindi kasi malayo na alam na ni Sam ang tungkol sa secret beach ng Matinloc.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabalik-alaala nang bigla niyang ihinto ang kotse nang may humarang na sasakyan sa kanyang unahan.

What the?! Buti na lang at naka-seatbelt siya.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now