Chapter 46

22 1 0
                                    

Chapter 46

Simula nang magharap-harap sila Jeron, Kobi, at Keith, walang araw ang dumaan na hindi nag-alala si Sam. Palaging may takot na baka mawala rin sa kanya si Jeron. Pero ilang buwan na rin ang nakalipas at nagpapasalamat siyang nasa tabi pa rin niya ang binata. Marahil ay na-realize na ng mga kuya niya na parte ng buhay ang magmahal at darating ang araw na hindi na lang ang mga ito ang magmamahal sa kanya.

"Bakit nakatingin ka?" tanong ni Jeron habang gumagawa sa laptop nito. Dumayo siya sa unit nito't nang-iistorbo na naman. "You're freaking me out."

Hinipan niya ang bangs saka umirap dito. "Anong gusto mo, sa ibang lalaki ako tumitig?"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng binata. "Pwede rin."

"Ano?!"

He glanced at her, smirking, "Oo. Pwede sa Kuya Kobi at Kuya Keith mo. Sa Dad mo, at sa pinsan mo."

"At kay Ross?"

Taking the smirk off his face, Jeron looked back on the screen. "Except for him."

"Hmp," she crossed her legs, smiling to it. At umandar ang kanyang pagkapilya, "Jeron. Jeron Valencio ang pangalan ko. Girlfriend ko po ang magandang si Sam at nagseselos po ako sa childhood friend niya na si Ross."

Nagpakawala siya ng tawa. Minsan din naman kasi dapat siya naman itong mang-asar para patas. Ibang klaseng fulfillment ang natatamasa niya 'pag naasar niya si Jeron.

Tumigil sa pagyugyog ang balikat niya ng marinig ang binata. "That's not funny..." bulong nito.

Ngumuso siya. "KJ ka kase."

"Gusto mo naman."

"Nga pala," she said, remembering tommorow's Sunday, "may gagawin ka bukas?"

Yayayain niya itong manood ng sine, hindi pa kasi nila nagagawa iyon. Mas gusto kasing manood ng binata sa bahay kesa sa sinehan. Hindi niya alam kung bakit ganun. Maraming showing na palabas pa naman kaya marami silang pagpipilian. Sana pumayag ito.

"Meron."

"Gosh," she uttered, "busy na naman."

Palagi na lang itong busy. Ngayon nga na nagti-training pa lang siya, pahirapan nang makatiyempo ng oras mula sa binata, paano pa kaya kapag siya na ang presidente ng Co Corp at maski para sa sarili niya ay magiging limitado ang oras niya?

"Bakit?"

"Wala," sabi niya at nalungkot sa naisip naisip niyang maaring maging problema nila ni Jeron.

"Wala naman pala."

At her condo, Sam had nothing again to occupy her free time. Ayaw niyang kumain kahit gusto. Ayaw din niyang manood ng anime dahil wala siya sa mood. Ayaw din naman niyang gambalain si Chika at ang AG's...

Kaya naman iyong taong naalala na lang niya bigla ang inistorbo.

("What is it, pumpkin cheek?")

Unang linya pa lang napatimpi na agad siya. Pang-asar talaga ang devil na yun.

"Linggo naman bukas, may gagawin ka?" tanong niya rito.

("I'm busy.")

Suuus. Kibata-bata, busy-busyhan na agad.

"Weeh? Di nga?"

("If that's important, we have family dinner tommorow, you can go with Pryn and we can talk.")

Family dinner? Kahit naman pala papaano may concern ito sa kanya. Sininsingit siya sa busy daw na schedule nito. Akala niya babalewalain lang siya nito.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now