Chapter 9

27 1 0
                                    

Chapter 9

"Your highness, sinasabi ko sayo kapag ako di mo pa rin kinausap babalik ako ng Singapore, iiwanan na kita."

Sam sang on the top of her lungs inspite of Chika's complaint. She kept singing she almost forgot she's sitting beside him. Masisisi niya ba ito kung may isang taong nagsabi sa kanya na maganda ang boses niya at si Jeron pa man din. Si Jeron na mahirap i-please. Sam couldn't feel but flattered.

Nasa may pool sila at nagbababad ng paa. Holiday ng araw na iyon at hindi muna duma-moves si Sam dahil present naman si Jeron ng mga nakaraang araw. Sa tingin niya nakatulong sa recovery nito ang kanyang pagkanta. Again, she was flattered.

"Samantha," sabi nito. Halos maubos na niya lahat ng kanta ni Taylor Swift ay wala pa rin siyang kapaguran. Kundi lang sa boses niya matagal nang na-badtrip ito.

"Samantha, deadma-hin mo pa ako at ititigil ko na ang pagiging P.I. ko kay papa Jeron, sige ka."

Sam stiffened. "Ano yun? May sinasabi ka?"

"Kahapon ka pa kasi. Sasali ka ba ng The Voice at wala kang tigil diyan?"

Sam's feeling was more than the excitement of a solo performance in a stage. "Bakla," sabi niya, "know what? Maganda raw boses ko."

Chika wasn't surprise. "Anong bago diyan?"

"Iba kasi 'to." Her teeth sparked as the sun hit them. "Si Jeron ang nagsabi."

Umayos si Chika ng upo at tiningnan siya nang di makapaniwala. "Magkwento ka dali!"

---

Sam savored the sudden change of Jeron's dealings towards her. Lagi niya itong binibigyan ng packed lunch sa kanilang photography class na tinatanggap naman nito. Hindi nga siya nito sinasaway sa tuwing kukuhanan niya ito ng picture. Saka hindi na rin ito nagwo-walk out sa tuwing kukulitin niya ito.

Tahimik ito kadalasan pero hindi na siya nito sinisigawan. Oo, tinatawag pa rin siya nitong lollifat subalit lollipop na ang tunog niyon para sa kanya at di na mabantot pakinggan.

"Jeron," kinalabit niya ito. Last meeting na nila sa kanilang photography class.

Nilingon siya nito saka ibinalik ulit sa desk ang atensyon.

Nagpatuloy siya. "Tutal last day na ng klase na 'to, gala naman tayo. Punta tayo nila Chika sa bowling center."

Iyong huling pumunta sila ni Chika ng bowling center sinungitan siya nito kaya gusto niyang pumunta ulit doon kasama ang mas bumait na Jeron.

"Paano ang boyfriend mo?" tanong nito.

"Si siopao? Friend ko lang iyon." Her eyes then narrowed into slits. "Baka yung singpayat ni Kim Chiu ang magagalit kamo?"

Maghahanap talaga siya sa mall ng standee ni Kim Chiu saka bibili siya ng marami at ikakalat sa kanilang bahay para ma-inspire siyang mag-diet.

"Exactly," sabi ni Jeron.

Gumuho ang mundo niya. "Nu ba yan? Ba't kasi di ako kasimpayat ni Kim Chiu?"

Sinamaan niya ng tingin ang likod nitong nakaharap sa kanya nang tumawa ito ng mahina. "Takaw mo kasi."

Hindi sabi-sabi lang ang plano ni Sam na sumeksi pa hanggang sa pwede na siyang maihalantulad sa mga modelo sa France. Nang dinalhan niya ng lunch pack si Jeron isang araw hindi siya nagdala ng sa kanya.

"Where's yours?" tanong nito habang kinakalas ang pagkatali ng kulay green na silk na tela.

"Diet ako."

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now