Chapter 50

15 1 0
                                    

Chapter 50

Dire-direto si Sam sa loob ng salon ng kanyang tita. Masigla siya tuwing nagagawi roon kaya naman nagtaka ang mga tao nang hindi niya pinansin ang pagbati ng mga ito.

"Chika, mag-usap tayo," walang tingin-tingin niyang sabi sa pinsan na nakaupo sa isang settee.

Isinara ni Chika ang pinto saka hinarap siya nang may ngiti sa mga labi, hindi sinasabayan ang topak niya. "Bakit, your highness?" sa nagbibirong tono, "hindi ka pa rin ba makaharap kay papa Jeron dahil sa KISS mo?"

She just looked at him. Tagahanga ito ng kanyang pekeng kaibigan, may mga poster pa nga, imposibleng wala itong alam tungkol sa sabwatan ng mga kuya niya at ni Ross.

Kung si Jeron nga may alam, ito pa kaya?

"Alam mo ang tungkol kay Ross, diba?" Nagpigil siya ng emosyon. Lahat ng taong pinagkatiwalaan niya ay nagawa siyang lokohin.

Kumunot ang noo nito, "Alam ko ang alin?"

Malamang na itatanggi nito. May kunting hiya pa naman siguro ito sa kanya.

"Kung may bago siyang endorsement, kontrata?" he enumerated. "Hindi ko alam. Sorry, pero tumigil na ako sa pag-fa-fandom sa kanya."

Naiiyak siyang nagtanong,
"Wala kang alam?"

"Wala," sagot nito. Nawerduhan ito sa inaasal niya. "May launching ba siya? May fanmeeting? Nagpapasama ka? Ano, Samantha?"

"Wala ka talagang alam?" Pinunas niya ang mukha. She weakened with the possibility of Chika's innocense.

Nagdadalawang-isip na umiling ang pinsan niya, clueless pa rin.

Doon na siya napaiyak. Betrayed by her brothers, she was happy she had her cousin's loyalty. Yumakap siya rito't ikuwenento lahat ng natuklasan niya.

---
Jeron messed it all up. Lahat ng meron sila ng dalaga ay nasa alanganin ngayon dahil sa paglilihim niya rito. Ilang araw na siyang hindi nakakatulog kakaisip kay Sam. Marahil ay walang tigil ito sa pag-iyak dahil sa mga nangyari. And he hated it that he couldn't give her comfort.

Anong gagawin niya? May magagawa ba siya? Mapapatawad pa kaya siya ng dalaga?

Bumangon siya ng higaan saka kinuha ang dalawang balot ng basura sa kusina. Jeron hoped a messier house so he'd have more chores to preoccupy him. Inilagay niya iyon sa labas ng unit para kolektahin ng utility ng condo.

Sa unit ng dalaga ay may napansin siyang mga di kilalang tao na kagagaling lang dito. Ang isa ay naka-uniform ng Lancaster Condominium at ang dalawa naman ay kaswal ang pananamit. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito roon? Lumapit siya para magtanong.

"Excuse me," he said, calling their attention. "Iyong may-ari ng unit na 'to..."

"Ah, sir," sabi nung ahente, "ibenenta na po ito ng may-ari noong isang araw lang."

Natigilan siya. Ibenenta? Wala na roon ang dalaga?

"Swerte nga po't may gustong bumili agad. Bakit po, sir, interesado din po ba kayo?"

"S-sana," pagsisinungaling niya rito, "kaso may nauna na ata. Sige, salamat."

Nasaktan niya ang dalaga ng sobra. Naiintindihan niya kung hindi na ito babalik pa roon. Ano nang mangyayari kanila? Tuluyan na ba siyang iniwan nito?

Hindi puwede...

Kailangan niyang pumunta ng mansyon. Mag-usap sila.

"Sir, sino po sila?" Matalim ang mga tingin ng security guard na mukhang ipapahabol siya sa aso anumang oras. Iba na lang sana ang naka-duty ng oras na iyon para agad niyang makaharap si Sam.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now