Chapter 29

8 1 0
                                    

Chapter 29

Kabi-kabilaan ang pagbating natanggap ni Sam. Mapa-personal o social media puro congratulations ang natanggap niya. Maya't-maya rin ay may tumatawag sa kanya, extending kind messages to her. Magtatapos kasi siya with honors--Magna Cum Laude!

Lahat proud sa kanya lalo na ang kanyang pamilya. Maski ang mga kuya niya nagpadala sa kanya ng video para batiin siya. Nasa special training ang mga ito kaya hindi makakadalo sa kanyang graduation. Ang mga magulang naman niya ipinagmalaki siya sa buong korporasyon at binigyan pa siya ng selebrasyon ng mga ito kung saan din inisyal siyang ipinakilala bilang susunod na presidente ng Co Corp.

Ang AG's naman ay sinorpresa siya ng isang engrandeng party sa isang mansyon ng mga Juangco. Tinutukso siya ng mga ito kung paano siya nakaabot sa mataas na pagkilalang iyon dahil magaling lang daw siya sa paglustay ng pera sa pagsa-shopping.

Tuwang-tuwa naman si Ross sa kanyang achievement. Di nito akalain na matinik din siya pagdating sa academics. Noong elementary kasi siya hindi siya nakakatungtong na top ten. Naging achiever lang siya ngayong college.

Si Chika? Bilib na bilib sa kanya! Binigyan siya nito ng napakagandang bouquet ng peach roses at cherry gerbera daises.

"Wow, your highness," sabi nito ng ibigay sa kanya ang bouquet, "Congratulations! You made it!"

Teary-eyed siya pagkakita sa bouquet. Sobrang thoughtful nito. Hanggang ngayon napapasalamat siya na nagkaroon siya ng pinsan na kagaya ni Chika.

Tinanggap niya ang bouquet. "Thank you, Chika. Ang ganda nito!"

Tumingin siya dito ng may pangunglamlam ang mga mata. "Nahihiya tuloy ako dahil wala akong maibibigay sa 'yo. Sabaw pa rin kasi ang utak ko. Up till now hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na ga-graduate na rin tayo. Sa wakas!"

Chika smiled, as happy as she was. "I'm so proud of you, Samantha. Alam kong mahirap ang ginawa mong pag-iwas kay Jeron pero nagpursige ka. You've grown."

Naiyak na siya ng tuluyan sa mga sinabi nito. Totoo. Sobrang hirap pero eto na, isang araw na lang at maaabot na niya si Jeron. Graduation ang usapan, diba? Kaya marahil ay sa eksaktong ceremony sa kanya magpakita ang binata. Technically kasi, pwede na naman siyang lumapit dito dahil sigurado na ang pagtatapos niya, tapos na siya sa academics. Wala siyang binagsak, Magna pa nga siya. Pero ilag pa rin si Jeron sa kanya.

Negatively, naisip niya na baka wala nang bisa ang usapan nila, na baka hindi na siya nito hinihintay, na wala na itong pakialam sa kanya, na lumipas na kasama ng panahon ang feelings nito para sa kanya. 'Pag naiisip niya iyon para siyang nanghihina.

Sana mali siya. Sana nasa isip lang niya ang mga iyon. Wala siyang dapat ipag-alala. Gusto siya ni Jeron. Gusto siya nito.

Chika poked her cheek. "Bukas pa ang graduation kaya may araw ka pa para ihabol ang regalo mo sa akin. Aba, hindi lang ikaw ang ga-graduate ng may honor."

Chika's graduating as Cum Laude, surprisingly. Bilib din siya sa talino ng kanyang pinsan. Papeteks-peteks lang ito pero humabol pa rin sa lists ng magtatapos ng Cum Laude. Ni minsan hindi niya ito nakitang nag-aral. Sayang talaga at itinakwil ito ng kanyang tito. Malaking asset sana ito sa negosyo ng mga Zapanta.

Her lips pulled up. "Siyempre meron! Masu-surprise ka, pramis."

"Bakit parang kinakabahan ako diyan?" tanong nito. Ang totoo wala pa siyang naiisip na regalo dito. "Let's see kung gaano ka creative."

The day of their graduation came. It was surreal. Mixed emotions ang nararamdaman niya. Masaya na malungkot na kinakabahan na masaya.

Eto na yun! The harvest time of what you sowed.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara