Chapter 36

21 0 0
                                    

Chapter 36

Sam couldn't beleive that Jeron and his co-workers left her. Ayos lang naman sa kanya kung doon na muna siya sa islang iyon kasi ayaw pa din naman niyang lisanin ang Lagen. Gusto niyang enjoy-in ang lugar dahil ang dalawang araw na lumipas ay nasira lang ng pagkainis niya kay Shannon.

Pero ang iwan siya ng walang pasabi?!

Kahit si Jeron hindi siya sinabihan. Balewalain na siya nila Eric pero huwag lang ng binata. Wala na ba itong pakialam sa kanya? Dahil ba sa sinabi niya kagabi?

Anong nangyari sa magical getaway nila? Wala. Ang dami pa naman niyang naging expectations. Nauwi lang sa disappointments at heto pa siya at parang pusang inabandona.

She went inside her room and started packing her belongings. Kahit na nakakapanlumo ang pang-iiwan sa kanya ay maayos pa rin siyang nag-impake. Kung ano ang itsura ng loob ng kanyang maleta nang dumating siya roon ay ganun din ang paglagay niya sa mga gamit. Ibinukod lang niya ang mga labahang damit.

Habang nag-liligpit ay nakita niya sa kanyang isipan si Shannon na kasabay sila Jeron sa pag-alis sa Lagen. Na imbes na siya ang katabi nito sa eroplano ay ang ubod ng kaplastikan na si Shannon. Asar na sinirado niya ang zipper. Ugh!

Sumandal siya sa gilid ng kama at kiniskis ng mga daliri ang mata. Naiiyak na naman siya. Lahat ng tiniis nila ng binata nasira lang sa loob ng dalawang araw. Ang ilang taon niyang pagpapapansin dito ay pinalitan lang ng ilang araw na panlalandi ng mang-aagaw ng bag. Bago pa bumuhos ang kanyang emosyon ay kumilos na siya para makaalis sa kuwartong iyon na pina-reserve ng binata. Saktong pagtayo niya ay tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello, Sam!" masiglang bati sa kanya ni Ru sa kabilang linya nang kumonekta siya. "Where are you?"

She sat down on the bed. "Napatawag ka?" walang ka-amor-amor na sabi niya.

"Nagsusungit ka ba?"

Na-guilty siya sa sinabi ng kaibigan. Walang kinalaman ito dito. Inilayo niya ang telepono saka bumuntung-hininga. "No. Bad mood lang ako."

"So, asan ka nga?" tanong nito.

Sam answered it honestly, "Lagen Island."

"Nasa El Nido ka?!" exclaimed Ru.

Iniwas niya ang ulo sa cellphone. Gosh. "Yeah, why? Alam mo 'tong islang 'to?"

Nakapunta na pala ito ng El Nido? She had no knowledge about it. Matagal na siyang nagbabalak mag El Nido. Kung alam lang niya, kay Ru na lang sana sumama.

"Not really," sabi nito. "I'd been to El Nido once pero sa Miniloc Island naman kami."

Miniloc Island. Tinandaan niya ang pangalan. Mapuntahan nga niya.

"Ahh." Tumango siya kahit di naman siya nito nakikita.

"Yeah. Wait," Ru paused. "You're in El Nido, pero bad mood ka, ano yun? El Nido's a paradise! You're in a vacation, you're supposed to be enjoying the place!"

Sam's shoulder dropped. "Exactly why I'm feeling crap."

She heard a giggle over the line. "Sino bang kasama mo?" sabi nito. Bago pa siya makasagot ay may narinig siyang bagong tinig na tumawag sa kaibigan niya. Dinig niya si Kai iyon. Nagmamadaling tinapos nito ang kanilang usapan, "Anyway, I need to go. No matter what hapened, enjoy El Nido for yourself, okay? Bye."

"Bye," sabi niya, halos kasabay lang din ng pag-toot-toot ng linya.

Sam's mind flooded with plans while a contented smile crossed her face. Tama ang kaibigan niya. Dapat ay hindi niya sayangin ang pagkakataong iyon dahil sa mga nangyari. Eh, ano kung iniwan siya ng mga kasama? She had herself as company, it should be enough for her to savor Lagen Island. She could do soul-searching. Magmumuni-muni siya.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora