Chapter 31

19 1 0
                                    

Chapter 31

She got out of the elevator with heavy feet, stepping at a time, as if wanting him to not notice her.

Just as when she stopped hoping, things turned in favor for her. Struggling to gather her speech, she said, "J-Jeron."

His forehead rested on his wrist, which was topped on his bended knee; left leg was set straight. She kneeled beside him. Hinawakan niya ang braso nito para magising.

Ala-una na ng umaga. Ilang oras kaya itong naghintay sa kanya roon para makatulog ito?

"Jeron," ulit niya. Nagtaas ito ng mukha at kinurap-kurap ang namumula pang mga mata.

He stared at her, first with squinted eyes, then normally. Ang mga magaganda nitong mata na kailanma'y hindi siya magsasawang panoorin ay siya na ulit ang tinitingnan. She could count his eyelashes and could see herself on his pupil.

"Kararating mo lang?" he asked when she blinked, a message he was staring longer at her than necessary.

She looked down, nodding at him. Akala niya 'pag nagkita sila ulit magagawa niya itong yakapin at sabihin dito kung gaano niya ito na-miss. Ngayong magkaharap na sila hindi niya magawa't masabi. Ano pa bang pumipigil sa kanya?

Hinawakan nito ang kanyang baba at inangat ang kanyang mukha. Naningkit ang mga mata nito samantalang siya naman ay sumipa ang puso't dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok nun.

Napakaga't labi siya. Ano ang gagawin nito? Ayan na naman at nag-iinit ang kanyang pisngi.

"Ba't mugto ang mga mata mo?"

Ha?

Mag-isa lang siya sa elevator kanina kaya sinamantala niya iyon para umiyak.

"Wala yan," sabi niya at iniwas ang mukha. "Ikaw, ba't dito ka natutulog?"

"I'm waiting for you."

Hinawakan nito ang mga braso niya't inalalayan saka sabay silang tumayo. Pinagpagan nito ang mga tuhod niya kahit wala naman iyon dumi. Pinigilan niya ito, shielding her hands before her knees. "Huwag na."

Bigla ata siyang naging gentleman.

"Ba't mo ako hinihintay?" tanong niya.

Nagtagpo ang mga kilay ng binata. "You're asking that? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang pinag-usapan natin, nine months ago?"

Gosh. Sinusungitan na naman ba niya ako? At ako pa talaga itong nakalimot?! Siya kaya itong napraning kakaisip kung bakit wala ito sa kanyang graduation. Siya kaya itong namugto ang mata sa pag-iyak. Siya kaya itong nakita itong may kasamang ibang babae.

"Hindi ah!" tanggi niya. Lumapit siya sa may pinto saka nagpindot ng passcode. Kailangan niyang magpalit ng sapatos dahil sumasakit ma ang kanyang paa sa takong.

Before she could get in, Jeron caught her wrist. "Wait."

Nilingon niya ito. "Bakit?"

Nagpalitan muna sila ng mga tingin bago ito nagsalita. "Congrats..."

Hinintay niya ang susunod na sasabihin nito pero binitiwan na nito ang kanyang kamay. "Thank you," sabi lang niya.

Pagpasok niya ng bahay tinawag na naman siya nito. "Ano?" sabi niya.

He opened his mouth and then closed it again, finding the right words to say.

She waited. "What is it?"

Tumingin lang ito sa kanya na kanya namang ikinainip. Her feet were killing her. Kanina pa siya rampa ng rampa sa mataas na sapatos na iyon. Nag-flats sana siya kung alam lang niya na magiging ganun kahaba ang araw na iyon.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now