Chapter 14

20 0 0
                                    

Chapter 14

Swerte si Sam dahil nakapag-review siya ng maigi sa mga subjects na medyo nahirapan siya. Nang araw kasi ng kanilang final exams ay hindi siya nakapag-focus dahil sa kaiisip kay Jeron. Mabuti na lang at pamilyar sa kanya ang mga naging tanong, hindi na niya kailangang mag-analyze. Tiyak siyang paghihinalaan siya ni Chika kapag ibinagsak ang finals.

Kapag nangyari iyon, magsusumbong naman ito sa kanyang mga kuya.

"Your highness," sabi ni Chika habang nakatayo ito sa likuran niya, harapan ng salami sa kanyang kuwarto. Siya naman ay nakaupo sa isang mataas na upuan, hinahayaang suklayin nito ang magulo niyang buhok, kagigising lang kasi niya. "Look at your face, para kang alien sa laki ng eyebags mo."

"Nakaharap ako sa salamin." Kinurap-kurap niya ang mga mata. "Kahit di ko tingnan, nakikita ko."

Parang feelings niya kay Jeron, kahit hindi niya tanggapin sa sarili, hindi niya maiwaglit.

"Your highness..."

"Ano?"

Hinintay niyang matapos si Chika na itali ang kanyang buhok bago ito nagsalita ulit.

Tiningnan nito ang kanyang repleksyon sa seryosong mga mata. "Ipakilala mo sa akin ang mga manliligaw mo ha."

Sssh. Akala niya ano na. Akala niya nauna na itong mag-boyfriend sa kanya.

"Ikaw rin," sabi niya. "Ipakilala mo rin sa akin ang magugustuhan mo. Kikilatisin ko muna. Lalaki man 'yan o babae."

Pumakla ang mukha ni Chika. "Babae?"

"May pag-asa ka pa pinsan," biro niya. "Malay mo."

"So maski ikaw di mo rin ako totally tanggap na bakla?"

"Ang guwapo mo kasi, Christian."

"'Pag guwapo wala ng karapatan maging bakla?"

"Girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy, tanggap na tanggap kita. Christian man o Chika."

Nakita niyang ngumiti si Chika sa kanyang sinabi. Totoo iyon. Tanggap niya ito kahit ano pa man ang pagkatao nito. Hindi kagaya ng tito at pinsan niyang kinamumuhian ang pinsan dahil lang sa bakla ito.

Tungkol naman sa kanyang manliligaw, wala naman ah.

---

Bakasyon at wala siyang gagawin ng araw na iyon kaya nang ayain siya ni Ross sa isa sa mga photoshoot nito ay hindi siya tumanggi.

"Hindi na ba halata na ako si Sam," sabi niya kay Ross. Nakasuot siya ng cream boater hat saka sunglasses na may gradient lenses. "Sa tingin mo, siopao?"

"Hindi na." Ngumiti ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala mababait ang mga fans ko."

Ross would take care of her, surely, but going out with a public figure in public wasn't always a good idea. You bet. Ibang bagay naman ang paglabas nila sa mga restaurant at sa gym nito at sa iba pang lugar, si siopao ang kasama niya. Ngayon sasamahan niya ang kaibigan bilang si Ross na sikat na modelo, na may three million likes sa facebook page, na may maraming endorsement, at palaging nali-link sa mga sikat na aktres.

She could tell them she's a cousin just in case.

So, she put her worries aside.

"Ready?" tanong nito sa kanya.

"Let's go."

Pagpasok pa lang nila sa shooting area, sa tapat ng isang university, ay hiyawan agad ang mga tao na naroon, nakaabang.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang