Chapter 23

26 1 0
                                    

Chapter 23

In his room, Jeron brainstormed from concepts to concepts as he worked in his current assignment. Sa kanya inatas ng kanyang team ang konsepto na gagamitin para sa latest monthly issue ng Elixir. Two hours had he consumed but no idea was executable enough. Hindi siya makapag-focus. Halos dalawang linggo na kasing hindi siya kinukulit ni Sam. Huling nakita niya ito ay noong ibinigay sa kanya ang pokemon na plushie.

Nang unang araw na hindi ito nagpakita ay hindi iyon naging malaking bagay sa kanya. Subalit nang sumunod na araw at naging linggo ay doon na siya napaisip. Sa tuwing dadaan siya sa unit nito ay napapatingin siya roon, inaasahan niyang lalabas doon si Sam ngunit wala.

Baka naman nagpapa-miss lang ito sa kanya.

Niligpit niya ang mga papel saka inilagay sa ibabaw ng cabinet. Doon ay umagaw sa kanyang pansin ang dalawang plushie. Inabot niya ang mga iyon at nakangiting mukha ni Sam ang pumasok sa kanyang isip.

"Huwag ka nang malungkot, ha? Nandito lang ako, hindi kita iiwan." Alaala niya ulit sa sinabi nito.

Siguro nga ay walang kahulugan ang sinabing iyon ng dalaga. Isa lang marahil iyon sa mga hirit nito sa kanya. Ba't ba hindi pa siya masanay? Lahat ng mga taong importante sa kanya ay iniwan siya.

Una ang kanyang ina. Sumunod ang kanyang ama na ngayon ay may sarili ng pamilya. Ang dating kasintahan na nangakong mananatili sa kanyang tabi anuman ang mangyari ngunit sa huli ay iniwan din siya.

Ibinalik niya ang mga plushie saka nag-shower. Iyon man lang ay mapagaan ang kanyang pakiramdam.

Nang sumunod na linggo, hindi na siya naghintay pa kay Sam kahit pa sa kaloob-looban niya ay nangungulila siya rito. Itinuon niya ang sarili sa trabaho, nagpaka-busy siya.

"Mr.Valencio!" tawag sa kanya ni Mrs. Valle, head ng kanilang team. Nasa mid- thirties ito at proud mommy of two. Mabait ito at katulad ni Sam ay palangiti. "Okay na ba iyong proposal mo para sa presentation bukas? Don't hesitate to approach me kung may gusto kang itanong. Guidance, you know."

Naiintindihan niya ang concern nito dahil baguhan lang siya subalit nitong mga huling araw ay isinubsob niya ang sarili sa proposal kaya nakahanda na iyon.

"Hinihintay ko na lang po iyong presentation bukas," saad niya.

Mrs. Valle was impressed. "Good."

The next day, the presentation went excellent for him. Everyone inside the room was impressed. Ang concept ng kanilang team ang na-approve for the next issue of Elixir magazine.

"Congratulations, Mr. Valencio!" kinamayan siya ni Mrs. Valle. "That was beyond my expectation! Great job."

"Thank you, maam."

Lahat ng mga ka-team niya ay masaya para sa pagpapakitang gilas niya sa presentation. Binati siya ng mga ito.

"Uy, Valencio," tapik sa kanyang balikat ng colleague niyang si Danilo. "Halos ngumanga na kami sa galing mo, ah!"

Sumegunda rito ang isa pa niyang katrabahong si Eric. "Dude, that was brilliant! Biruin mo, bago ka pa lang pero, yung kanina, parang beterano ang nag-present. Congrats, man."

Tango lang siya sa mga ito at balik-ngiti. Akala niya hindi maganda ang kalalabasan ng presentation kasi aminado siyang nahirapan siya sa una. He'd been through numbers of presentations noong nag-aaral pa siya sa England pero iba pala kapag mga pinoy ang audience. Madali kang makakakonekta.

Sumalo sa kanilang usapan si Nalyn na katabi niya ng cubicle. "Pa'no ba yan, Valencio, saan ang celebration? Manlibre ka naman diyan."

Celebration? Naalala niya ang kanyang unang araw sa trabaho. Kung hindi dahil kay Sam ay marahil naging ordinaryong araw lang iyon.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now