Chapter 35

23 0 0
                                    

Chapter 35

Tumakbo siya para makalayo roon. Kahapon pa niya tinitiis ang sakit na makitang hinahayaan lang ni Jeron na hawakan ito ni Shannon. Hindi dapat ganun. Bakit? Dahil ba payat si Shannon kaya ayos lang dito? At nang siya noon, irita ito dahil lollifat siya?

Nang malapit na siya sa kaniyang kuwarto, huminto siya pagtakbo. Napagod siya, emotionally. Dahan-dahan siyang humakbang palapit roon habang tinutuyo ang mga naglalaglagang luha sa kanyang pisngi. Jeron, I hate you...

And then she froze when someone held her arm. "Lollifat."

Di na niya kailangang lumingon, ang paraan ng pagtawag pa lang at boses nito ay alam na niya kung sino iyon.

Hindi nito binitiwan ang kanyang braso. "What's wrong?"

Sa tanong na iyon ay mas lalong sumikip ang kanyang dibdib at ang kanyang tahimik na pag-iyak kanina ay unti-unting naging hikbi.

Hinawakan ni Jeron ang kanyang balikat saka pinaharap dito. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito sa kanyang pag-iiiyak.

"Bakit?" he worriedly asked and Sam hated him more for being clueless. Akala ba niya matalino ito?!

Hindi siya makapagsalita dahil parang may mabilis na kabayong sumisipa sa kanyang lalamunan. She didn't take her eyes off Jeron's, showing him how bad she was hurting.

Sa malambing na boses na parang inaalo siya,sabi nito, "Ano bang problema?"

Iyak lang siya ng iyak at walang nakuhang sagot si Jeron sa kanya. Wala itong nagawa kundi ang bumuntung-hininga na lamang at ilapit siya dito saka yinakap.

Hinayaan siyang umiyak sa dibdib nito at hinimas-himas ang likod para patahanin siya. Kahit ito ang dahilan ng kanyang pag-iyak, kahit ito ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya, pinagaan pa rin nito ang kanyang kalooban. Ganun nga siguro 'pag mahalaga sa iyo ang isang tao, kahit na sinaktan ka nila kunting lambing lang at lalambot ka na.

Kahit galit siya, gusto pa rin niyang iyakap dito ang mga kamay ng mahigpit. Gusto niyang sabihin dito na huwag na itong umalis sa kanyang tabi. She wanted to secure him away from Shannon.

---

Jeron didn't want to let go of her. If the world would be kind and would allow him to hold her until forever, he would. Without a doubt. Without any hesitation. With all his mind and heart, he'd stay by her side.

His heart crushed by the sound of her sobs. Dapat ay masaya ito. Dapat ay ngumingiti ito. He felt like a failure and it saddened him. Buti pa si Ross napapangiti ito. Siya, ni hindi man lang niya malaman dito kung bakit ito umiiyak.

Siya ba ang dahilan?

Nakayuko ang mukha nitong kumawala sa yakap niya.She still sniffed but no more with the sobs.

Looking down at her, Jeron asked, "What is it?"

Sam just shook a head to his disappointment.

"If you can't tell me now," sabi niya, "can we talk about it tomorrow?"

Sam's hair swayed again.

Tinanong niya kung ayos lang ito at umiling lang ulit ang dalaga.

Jeron was frustrated with her nods. Not getting her message, he lifted her chin up and was hurt when her eyes looked away. "Nagsisisi ka bang sumama ka sa akin dito?" sabi niya.

Namumugto ang mga mata ni Sam at pulang-pula ang ilong at labi mula sa pag-iyak. Ano kaya ang problema nito? "Lollifat..." he said, trying to make her speak.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now