Chapter 21

21 1 0
                                    

Chapter 21

Pagkatapos maligo ni Sam ay nag-vacuum siya ng sahig. Na-intimidate kasi siya sa linis ng bahay ni Jeron. Hindi siya burara, ano. Hindi niya nilabhan ang damit sa banyo nito kasi okay lang naman sa kanya na rumampa patungong bahay niya ng nakapantulog.

Asus. 'Pag lang talaga siya nilantakan ng burara nito babatukan talaga niya ang letsugas!

Tumunog ang kanyang doorbell.

Sino naman kaya iyon? Baka ang pinsan niya.

Pinatay niya ang cleaner saka binuksan ang pinto.

Standing there, hands in his pockets, Jeron greeted her with a blank stare, "Dito ka nakatira?"

Di agad nakasagot si Sam. Hindi pa pala nito alam na lumipat na siya. Eh, ikalawang araw pa lang naman kasi niya roon sa bagong bahay at hindi rin niya boyfriend ito, so she wasn't responsible for updating him about any major changes in her life.

Ngumiti siya kahit tensed. Naku, iniisip na ngayon ni Jeron na ini-stalk niya na naman ito. Siya na itong desperada. "Come in!" she cheered up and opened the door wider.

Jeron didn't accept the invitation. Parang galit ito. "Akin na iyong pinahiram ko."

Sumimangot siya. Isigaw kaya niya rito na hindi pa siya nito napasasalamatan man lang. "Saka na, papa-laundry ko pa."

"Huwag na, akin na," sabi nito.

May kayamanan ba sa pajama nito kaya ganun na lang kung mangulit ito?

Gaya nga ng sinabi niya, hindi siya burara kaya nagmatigas siya. "Ayoko."

Sa pagitan nila ni Jeron parang hindi siya ang babae. Ginagawa niya ang dapat ay ginagawa nito. Samantalang alam naman nito ang mga bagay na dapat siya ang may alam.

Tinanggal ni Jeron ang pagkahawak ng kanyang kamay sa pinto saka pumasok ng kanyang unit.

"Hey!" She swayed back to trail Jeron's back. Hinanap nito ang damit pantulog na pinahiram sa kanya. "I can put you in a lawsuit for tresspassing!"

"You'll go first with a theft case."

Wala ito doon sa kanyang sala kaya nagtungo ito sa kusina. Naroon nakasampay ang mga iyon sa isang stall at kinuha ang mga ito ni Jeron.

"Masaya ka na?" uhot niya rito. Ang totoo kasi wala siyang balak na isauli ito. Sasabihin niya sanang nawala sa laubdry shop kaso may pagka-possesive pala ito sa gamit. "Parang yan lang ginagambala mo ang araw ko."

He smirked. "At sa iyo pa talaga nanggaling ang mga salitang yan, ha."

She crossed her arms, throwing him a pissed look. Pakialam ba nito. Eh sa nagambala siya.

Before Jeron left, he gave Sam sincere words. "Thanks for taking care of my brother."

Buti naman at nagpasalamat na rin siya sa akin.

Nang maalala niya si baby boy ay hinabol niya si Jeron bago pa makalabas ito ng kanyang unit.

She caught his arm. "Wait, Jeron! Can I see him?" Sobrang kyut ng kapatid nito lalo na kapag ngumingiti, bonus pa iyong gusto nito na kumakanta siya, kaya naman na-miss niya agad ito. Totoo iyon. Hindi siya nagdadahilan para lang makasama si Jeron. "Sige na. Please..."

"Sige." Halos bulong lang iyon kaya hindi niya narinig.

"Sige na, Jeron," she insisted.

Sigaw tuloy ang inabit niya rito. "Oo na! Pwede ka nang bumitaw!"

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now