Chapter 47

21 1 0
                                    

Chapter 47

Remember siopao?

Gustong makita ulit ni Sam ang lalaki kanina. He wanted to make sure she's picturing his eyes as the eyes of little, chubby siopao right.

She opened her computer and googled Ross Meri (screen name ni Ross). She coursed through Ross' pool of images. Inaninag niya rito ang mukha ng mataba niyang kaibigan.

It took her two and a half hours convincing herself the Ross that she's with was the real siopao. That the siopao who approached her earlier was just an ordinary media man who wanted a news scoop about her friend. Minsan naman ganun ang mga reporter nagpapanggap makakuha lang ng balita.

She took her phone out of her clutch bag and in a click her jaw dropped when she saw Jeron's SMS. Kanina pa iyon ng umalis siya sa tv station. Naka-silent pala ang cellphone niya!

Here at Voorluu. I'll wait for you.

Tiningnan niya ang orasan sa wallclock at halos manlumo siya sa sarili. The text was sent six hours earlier! Naku! Nakakadama siya na may digmaang paparating. Baka sabihin ni Jeron hindi siya nakapunta kasi mas pinili niya na makasama si Ross.

Usually inaabot siya ng dalawang oras para makapili ng isusuot at makapag-ayos pero ngayon sa loob lamang ng kinse minutos ay nakababa na siya ng condo at pasakay na ng kotse para puntahan ang lugar na tinext sa kanya ng binata. Alam niyang maaaring wala na ito roon pero gusto pa rin niyang pumunta.

"Manong, bilis, sa Voorluu," humahangos na sabi niya sa driver. Muntik pa niyang mauntog ang ulo sa bubong ng kotse.

Pinaandar naman nito ang sasakyan. "Maam, saan po ulit?"

"Sa Voorluu, manong," sabi niya. Hindi siguro nito naintindihan ang kanyang sinabi. "Voorluu, iyong malapit sa mall."

Hindi nakatulong ang trapik sa kanyang pagmamadali. Napatapal siya ng noo. "Haay. Ano ba yan?"

I-text na lang kaya niya si Jeron? Tama! Kinuha niya ang bag sa katabing upuan saka hinanap doon ang cellphone. Lipstick, face powder, wallet, pouch, notepad, ballpen, at crackers. Walang cellphone! Napakamot siya ng ulo. Nasa ibabaw pala iyon ng cabinet sa kanyang kuwarto. Inilagay niya bago kumuha ng damit sa closet!

Hay. Hay. Naku talaga!

Humaba ang leeg niya kapares ng giraffe kakatanaw sa traffic sa labas. She was really stuck!

"Manong, puwedeng humiram ng cellphone?" sabi niya at inabot naman sa kanya nito ang telepono. "Salamat."

Nagtext siya kung nasaan si Jeron. Buti na lang memorize niya ang contact number nito. Bakit kasi ngayon lang niya naisipang magtext? Sa sobra niyang pagmamadali eto tuloy siya't nakatengga sa sasakyan naghihintay na umusad ang sasakyan sa harap nila. Iyong mga nagsasabing walang forever sa mundo, traffic, forever iyon sa kalsada.

Message sending failed.

Unexpecting it, Sam silenced with awe. Huling baraha niya iyon pero wala pa rin.

Bakit kasi late second kung mag-aya ng date si Jeron?!

Nagpakawala siya ng bigat sa dibdib. Daming reklamo.

After what felt like eternity, they, at last, arrived in front of Voorluu. Right after Manong stopped the car, she opened it herself and flashed into Voorluu.

Hinanap niya sa mga nakaupo ang binata. May isang mesa roon sa may dulo na isang lalake lang ang naka-ukopa at parang may hinihintay. Agad siyang naglakad ng mabilis papunta roon na parang isang umaatras na tulay ang lalakaran niya na kapag nahuli siya ng apak ay hindi siya makakatawid.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now