Chapter 37

17 0 0
                                    

Chapter 37

Ngiting-ngiti siya sa nakakunot na noo ni Jeron. Eh, sa Taj Mahal niya gusto pumunta kasama ito.

"Are you serious?" tanong nito.

Naningkit mata niya. "Hindi. Joke lang," may pagkairita niyang sabi. Hindi man lang nito sinakyan ang sinabi niya. Akala ba niya kahit saan? Anywhere daw. Gosh. Hindi naman niya kayang panindigan. Babawiin ko rin naman, eh.

"Kahit saan," nasabi na lang niya. Sigurado naman siyang mag-e-enjoy siya kahit saang isla pa siya ng El Nido mapadpad. "Basta kasama kita."

Jeron was tounge-tied with it that made Sam realized how flirtatious she was getting with their conversation. Pero si Jeron naman iyon. She would flirt with him anytime her brain cells were love-drunk, but not in the slutty way of course.

Kinuha ng binata ang kanyang maleta. "Let's go then."

Dahil siya ang pinapili ng lugar ni Jeron, sa Miniloc Island sila pumunta. Nakapunta na roon si Ru kaya gusto rin niyang ma-experience ang isla.

"Asan na sila Nalyn?" pagtatanong niya pagdating nila roon.

"Ngayon ang balik nila ng Manila. Maaga silang umalis kanina."

"Bakit ikaw nandito ka pa rin? At bakit hindi man lang sila nagpaalam sa akin? Galit ba sila dahil umalis ako bigla kagabi?"

"No," simpleng sagot nito. "Sinadya kong wag nilang sabihin sa 'yo."

"At bakit?"

"Baka hindi sila makaalis agad sa mahabang paliwanagan sa iyo."

"Then explain yourself."

"Ayoko," sabi ng binata. "Just trust me, okay. I'm not into explaining things, the reason I refused of becoming a teacher even my father wants me to."

"Oh?" sabi niya. "Gusto kang maging teacher ng tatay mo?"

"Yeah. It was his dream for himself that he wanted to pass to me."

"Gosh. Ang sama mo talaga. Hindi mo man lang siya pinagbigyan." Sumimangot siya dito. "Ako nga para sa mga kuya ko binitiwan ko ang pangarap ko. Co Corp. needs one Co successor and I'm the only one who's left among the Co siblings. I have to take the responsibility."

"You want to be a singer?"

Nagulat siya sa sinabi nito. "Ba't alam mo?!"

Tiningnan siya ng binata. "It's obvious."

"Talaga?" Nanlalaki ang mg mata niya. "Ganun ba kahalata? Singer ba talaga ang dating ng boses ko?"

Hindi sumagot ito. Wala talaga sa dugo nito ang i-compliment siya. Di man lang suklian ang mga papuri niya rito. Gosh. Dapat binobola niya ako kasi nanliligaw siya. Iyon kasi ang palaging sinasabi ng mga kuya niya. Pag daw nanliligaw ang lalaki bola ng bola. Huwag daw siyang magpapauto.

And she never was a victim. Pero kay Jeron gusto pa rin niyang makarinig dito ng mga pambobola. She wanted to hear that she was the apple of his eyes, that she's beautiful. Kaso hindi ganun ito. Mas inaasar siya nito ng lollifat.

They went kayaking in the small lagoon. Kayak was one of her sports and she'd done it so many times but with Jeron behind her, it felt like she's doing it the first time. Momentous.

After that, they went snorkeling. May dalang underwater camera si Jeron kaya busy ito sa pangunguha ng retrato at paminsan-minsan ay nagpo-photobomb siya sa mga kuha nito. Sa tuwing sisingit siya sa kukunan nito ay bigla naman nitong nilalayo ang tutok ng camera. Pakiramdam niya tuloy panira siya ganda ng mga coral reefs.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now