Chapter 12

22 2 0
                                    

Chapter 12

Along the drive, Sam and Chika laughed to their hearts as they talked over the TV gag show they'd watch last night. Hindi sila maka-move on sa parteng may ipinakitang video ng dalawang baby na kung saan ang isang baby ay ginawang breastfeed substitute yung pisngi nang isa.

Napahawak siya sa kanyang mukha ng tawa ng tawa pa rin. "Sa tingin mo, sinong mas chubby ng pisngi sa amin, ako o iyong baby?"

Chika bursted into more laughs, a hand on his stomach. Napuno ang sasakyan sa mga tawa nila napapailing na lang ng nakangiti ang drayber sa unahan.

"Ikaw."

Umawat na siya sa katatawa. "Ang supportive mo talaga."

"Your highness, gusto mo palit tayo ng mukha?" biro sa kanya nito.

"Ayoko sa mukha mo walang kalaman-laman."

"Ayaw mo ng model face?"

"Thanks but no thanks," sabi niya saka tumingin sa bintana ng kotse. Tinted iyon kaya kita niya roon ang naka-side view na profile ng pinsan.

She would miss him.

"Basta, your highness," sabi nito, "welcome ka lagi sa bahay ko."

"Dapat lang dahil araw-araw akong dadalaw."

Hindi siya sang-ayon na humiwalay sa kanya si Chika pero hindi na rin niya mababago ang isip nito. Bago pa ito tumira sa kanila ay nakaplano na pala ang paglipat nito. Hinintay lang na maihanda ng tita niya ang magagastos. Installment kasi itong naglabas ng pera para hindi magduda ang kanyang tito.

Isang linggo na palang naghahanap ito ng tiyempo na masabi sa kanya ang tungkol doon. Alam nitong masasaktan siya sa paglipat nito kaya hindi iyon naging madali para rito.

Para naman sa kanya mas mabuti na iyon kaysa sa bumalik ng Singapore ang pinsan. Ang mahalaga ay makakasama pa rin niya ito.

"Your highness," sabi ni Chika sa boses lalaki. "Huwag kang mag-si-stress eating kahit wala na ako sa mansyon. Sinabihan ko na si yaya Amor na magsumbong sa akin kapag kumain ka ng mga maling pagkain."

Humarap siya rito. "Kahit kunti bawal?"

"Kahit kunti."

---

So far for Sam, without Chika, she had practiced self-descipline with her eating habits. Kahit anong tempt niyang kumain ng ice cream pinipigilan niya ang sarili. Kahit anong gusto niyang uminom ng soda hindi siya tumitikim. She banded all bad foods away. Hindi siya nagpupunta sa mga convenience stores o kahit saang makakakita siya ng mga ito.

Naging kaagapay niya si Chika sa kanyang diet at si Ross naman pagdating sa work-outs. She had a great team with her that she achieved her 99-pounds ideal weight in just a year. Mas lumiit ang kanyang beywang at humaba pa ang kanyang legs. She even developed abs, almost.

"Sam," tawag-pansin sa kanya ni Ross saka ihinagis sa kanya ang isang puting towel. "You're now in great shape, although, gaya ng palagi kong sinasabi mas maganda sa babae ang malaman."

Pinunasan niya ang leeg. "Well iyong iba mas gusto ng balingkinitan. And for a former fat kid like me, this goes as a big achievement. Bracket patience, discipline, and hardwork."

"Iyong tinutukoy mo ba rito ay iyong ex mo? Si Jeron?"

Napatitig siya rito. Ang totoo ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isip si Jeron kahit halos dalawang taon na ang nakalipas at ang marinig niya ang pangalan nito ay parang kinumpirma nito sa kanya na gusto niya itong makita.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now