Chapter 44

15 1 0
                                    

Chapter 44

"What are you talkin' about?" Tinapik-tapik niya ang likod ng binata na parang sinasabi niyang ayos lang ang lahat at wala itong dapat ipag-alala. "Ginaya mo lang iyong sinabi ko. Wala ka talagang originality."

"Let's stay like this until we get old."

Sam drifted into a faraway fantasy where an old Jeron was sitting with her old version in the sofa, holding her wrinkled hand, joining her to watch their grandchildren play.

Humirit pa siya ng isa pang biro pero sa loob-loob ay kinikilig siya sa ka-sweet-an ng binata, "Hindi puwede iyon. Kailangan natin kumain, matulog, maligo--at magshopping!"

"I'm serious," sabi ni Jeron at napalis ang mga ngiti sa kanyang labi. Sumeryoso na rin siya. Jeron gave a space between them and deeply looked at her eyes, "Grow old with me."

Sam was caught by her tounge. His stares alone was enough to decapitate her. Tapos idagdag pa ang mga banat nitong sa pandinig niya ay parang yinayaya siya ng panghabambuhay na pagkatali rito. He sounded like proposing to her.

"Ayaw mo?"

She blew air to her bangs. "Siyempre, gusto ko. Tinatanong pa ba yan?"

Ngayon ay unti-unting ngumiti ang binata sabay hawak sa tuktok ng ulo niya. "Iba pa rin 'pag sayo nanggaling."

She smiled to his smile. Ang sarap magmahal ng taong may pagmamahal din sayo. Alam mong napapasaya mo siya kasi masaya ka rin.

Masayang nag-uusap ang mga mata nila nang biglang may kumalam na sikmura.

Kinapa niya ang tiyan. "Di ka pa kumakain?" tanong niya sa binata at umiling ito. Alas tres na ng hapon at wala pa itong lunch, magugutom talaga ito.

"Ipagluto mo ako," sabi nito at pakiramdam niya ay may biglang nahulog na mabigat sa kanyang balikat. Parati siyang nagpapaluto rito kapag nagugutom siya, ngayon parang naniningil na ito.

She would love to cook for him. Every girlfriend would love to cook for the boyfriend. The problem with her was she didn't know how to cook. Kahit prito lang nasusunog pa niya. Kapalaran niya sigurong hindi siya makapagluto dahil sa matakaw siyang kumain. Balance kumbaga.

"Pa'no yan?" nakasimangot niyang sabi, "hindi naman ako marunong magluto. Maghihintay ka lang sa wala."

"Walang problema," sabi nito, "tuturuan kita."

"Akala ko ba hindi ka naging teacher kasi ayaw mo sa paliwanagan. Tapos tuturuan mo ako?"

Tumalima na paalis ang binata. "If it's you then I might as well reconsider."

"Sheeez," irap niya saka isinara ang pinto't sumunod dito, "gusto mo lang akong makitang magkamali, e."

---

Pagkalipas ng ilang ulit ng pagsubok matuto ni Sam, alas singko na't di pa nakakain ng maayos si Jeron. Tinatawid na lang niya ang sikmura sa pakain-kain ng mansanas at saging habang ginagabayan siya sa pagluluto. Subalit sa sunog na omelette at hilaw na sinaing pa rin sila nauuwi. Maski siya hindi niya maintindihan kung bakit parating palpak kapag si Sam. Kung tutuusin madali lang naman gawin ang mga iyon.

Tumayo siya't lumapit sa dalaga. "Ako na," he said, surrendering his last hope. "Manood ka na lang."

Nakasimangot at inis na tinanggal ni Sam ang apron. "Anong klaseng pagtuturo kasi iyon?" Mabigat ang loob na ipinasa nito ito at itinuro ang mesa. "Nakaupo ka lang naman dun."

"Paano ka matuto kung ako ang gagawa?"

"Hindi mo kasi tinitingnan kung tama ang ginagawa ko o hindi," rason nito na parang nirereklamo nitong dinaya ito sa isang contest.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now