Epilogue

15 1 0
                                    

E p i l o g u e

Part I

Walang makakatalong stress reliever sa pinagsamang shopping at pagkain para kay Sam.

May sariling kita na siya na pinagkukunan ng pera kaya nagagawa na rin niyang mag-budget at kahit papano magtipid. Hindi na siya iyong tipong wala pakialam sa pag-agos palabas ng pera. Ngayon aware na siya na sa bawat papel na hawak niya ay may katumbas iyon na pagod, tiyaga, at oras...maliit na parte ng kanyang buhay. Natuklasan niyang hindi madaling kumita.

Hindi na rin siya conscious pagdating sa pagkain--lalo na sa ice cream! Wala na siyang pakialam kung tumaba siya ulit. Importante normal ang BP niya, blood sugar, ang sistema niya, importante malusog siya, wala na siyang pakialam kung dumoble ang waistline niya. Isa pa wala na siyang dahilan para magpapayat.

"Where?" tanong niya sa batang nakasakay sa bandang unahan ng pushcart. Namimili sila ng suplay sa bahay sa isang supermarket. Sinundan niya ang itinurong cereal nito na may free na maliit na laruan. "This?" Kumuha siya ng isa nun.

Tumango ang bata saka niya inilagay ang hawak na cereal sa cart. Nagtaka siya nang bigla na lang itong umiyak.

"What's wrong?" Hinawakan niya ito at itinaas naman ng bata ang dalawang kamay. Nagpakarga sa kanya.

"Ssh. What's wrong, honey?" Pinatahan niya ito. "What is it?"

Iyak ng iyak itong tumuro sa bandang likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang isang dalagita na nakasuot ng maskara ng isang bampira. Papunta ito sa kanila.

"Maskara lang ang suot niya," sabi niya, "it's not real."

Tinanggal ng babae ang maskara nito saka lang tumahan ang karga niyang bata. "Was he cryin b'coz of me?" asked by the girl, horrified. Inabot nito ang pisngi ng bata. "Ohh. Sorry if I scared you, cutey."

"No, he's fine now," ngiti niya sa dalagita, "he's a tough little boy."

Matangkad sa kanya ang babae at payatin din. Papasa itong modelo kung sakali.

"Yeah," tango nito, "you're lucky to have a beautiful son. He'll grow up a young gentleman coz you're his mother."

She smiled to her, flattered of what she'd heard. "Thank you."

"I have to go," sabi nito sa kanya saka kinurot ang pisngi ng bata, "bye, cutey."

"Bye," sabi niya.

Pagkaalis ng babae yumakap sa kanya ang bata saka ipinilig ang ulo sa kanyang balikat. Her heart melted at it. Natakot marahil ito kanina.

"Gusto mo na bang umuwi?" Iba ang nararamdaman niya sa tuwing yayakapin siya nito. There's warmth and bliss. Ganun talaga siguro. "I'll call your Dad, hmn?"

Pag-uwi nila ng bahay ibinigay lang muna niya ang bata sa daddy nito at nagkulong sa kuwarto.  She missed a lot of things. She missed her unit. She missed her friends. She missed Chika. She missed her fichochoos. She missed XYZ. She missed Jeron...Pero ika nga life goes on, kailangan niyang magpatuloy kahit malayo siya sa mga taong nakasanayan niya, sa mga taong mahal niya.

Naho-homesick na naman siya kaya nang tumawag ang kanyang kaibigan halos mapatalon siya ng kama nang sagutin niya ito, "Hello, Pryn!"

("Kelan ka ba uuwi ng Pilipinas?") bungad agad nito.

"I don't know." Hindi niya alam kung kailan siya babalik. Wala pa siyang plano. Itutuloy lang muna niya ang buhay niya sa banyagang bansa na iyon.

("Alam mo bang kinukulit ako ni B2 kung nasaan ka?")

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα