Chapter 30

11 1 0
                                    

Chapter 30

"S-si Daddy?" mahina niyang sabi.

"Oo!" halos mapatalon sa tuwa sa binalita si Chika. Kahit siya mapapatalon kung hindi lang sana si Jeron ang kanyang inaasahan. Humabol ang Dad niya sa kanyang grauduation. Siyempre masaya siya. Kaya lang akala niya si Jeron talaga ang tinutukoy nito.

"Asan siya?" tanong niya rito.

"Naghihintay siya."

Pinuntahan nila ito. Imbes na malungkot siya dapat ay sa ibang anggulo na lang niya tingnan ang araw na iyon. Nagbigay ng oras ang mga magulang niya para sa kanya. Minsan lang din mangyari ang mga ganung bagay.

"Dad!" Tumakbo siya papalapit dito at yumakap. Minsan lang sila magkita ng ama dahil palagi itong nasa ibang bansa. "Dad, you're here..."

Hinimas nito ang kanyang likod. "I'm so proud of you, Kylie. You know I am."

"Daddy..." Naiyak siya sa mga sinabi nito. She thought she's nothing to him. Hindi kasi ito nakakadalo sa mga importanteng pangyayari sa buhay niya tulad ng kanyang kaarawan, mga events sa school, christmasses, at kahit anong okasyon na dapat nandoon ang magulang.

Kumawala siya saka ngumiti rito. "Dad, ang skolar po ninyo Cum Laude."

Her dad glanced at Chika. "I know."

"Sorry, uncle kong hanggang dun lang ang naabot ko," sabi naman ni Chika.

"You've done well enough, Christian," turan ng kanyang ama, "and I'm proud of it."

"Thank you, uncle."

Umalis din agad ang Dad niya dahil maghahabol pa ito sa kasunod na schedule. Ni-reschedule lang nito ang appointment sa oras na iyon para daanan siya.

"O, bakit ang tahimik mo? Nangyari sa 'yo?" tanong niya sa pinsan na malalim ang iniisip. Palabas sila ng university.

"Wala 'to, your highness.

"Anong wala?"

Hindi ito ang usual Chika na punong-puno ng sigla.

"Naisip ko lang kasi," sabi nito, "kung magiging proud din kaya sa akin si Dad tulad ni uncle."

Nalungkot siya. Iyon pala ang gumugulo sa isip nito. Kung siya nabibigatan na sa kailan lang problema sa pag-ibig, ano pa kaya si Chika na halos anim na taon na simula ng itinakwil ito ng kanyang tito. Hinawakan niya ang balikat ng pinsan. "Proud iyon."

"Hindi siguro..."

Nakisakay siya kay Chika. Pinauwi na lang niya ang kanyang drayber at sinabihang tatawagan na lang kung kailangan niya ng sundo. Tinawagan niya ang AG's kung tuloy ang mga ito sa Cazadi Restaurant.

"Uy, Chika," tawag-pansin niya katapos kausapin si Ru. Tahimik na naman ito. "Sama ka sa Cazadi?"

"Ikaw na lang."

Ngumuso siya. "Wala ka namang pupuntahang party, diba? Sabi sa akin kanina ng kaklase mo, tumanggi ka daw sa invitation nila. Sabi pa nga nila umuwi ka na."

"That's true. Pauwi na talaga ako," sabi nito. "Kaso nakasalubong ko si uncle kaya bumalik ako ng university."

"Umuwi ka ng di man lang nagpapaalam sa akin!" Kunwari ay hindi niya nahahalata ang pagkalumbay nito.

"I was about to," Chika reasoned out, "but then I see you with your friends."

"Ano naman ngayon?"

Ang AG's lang naman iyon. At hindi naman pangit ang treatment ng mga kaibigan niya sa kanyang pinsan. Problema ni Chika?

"Honestly, hindi ako komportable," sagot nito.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now