Chapter 33

18 0 0
                                    

Chapter 33

Abala si Sam sa pagsusuklay ng buhok ng may kumatok sa kanyang pinto. Katatapos lang kasi niyang maligo at magpalit ng damit.

Baka si Jeron iyon. Bago niya pagbuksan ito ay inabot muna niya ang kanyang hand mirror para masigurado niyang maganda siya at wala siyang dumi sa mukha. Si Jeron pa naman iyon.

She faced it to her and her eyes gone big, her mouth opened. She started to panic, annoyed of what the mirror showed her. Eyebags again?!

Bakit kasi isang oras lang ang naitulog niya kakaisip ng sinabi ni Jeron ng gabing iyon. Bakit ba kasi ganun ang mga mata niya? 'Pag kulang ng tulog ay namumugto na parang kinagat ng mga lamok? Kung hindi siya palaging makakatulog sa mga hirit ni Jeron, paano na lang ang mga eyebags niya?!

Ginulo niya ng kamay ang maayos ng buhok at tinakpan ang mukha nun.

She ran for the door and opened it. Sabi niya,  "Magsusuklay lang ako. Mabilis lang." And with that she closed it.

She grabbed the comb from the bed and fixed her hair again. Hinanap niya ang dalang sunnies sa kanyang maleta. After some final fixes she was now ready to face him.

"Hi!" she greeted as though it was their first meeting of that morning.

"Let's go?" sabi nito.

Sam pouted. Bakit ang fresh ni Jeron? Bakit siya nagtatago sa kanyang shades? Gosh. Ang unfair. Tapos ang guwapo pa nito sa simpleng t-shirt at jeans. Hindi talaga siya nito masisisi kung sakaling bakuran nga niya ito. Baka nga pader pa ang itayo niya para sigurado siyang walang manlalandi sa binata. Tsk. Huwag daw magbo-boyfriend ng guwapo, eh hindi ko pa nga siya boyfriend namomroblema na ako sa kanya!

"Nakatulog ka ba ng maayos?" maya-maya'y tanong sa kanya ni Jeron. Napansin ata nitong tahimik siya.

"O-oo."

Then, silence again.

Kaya ba ito nagtatanong kasi may suot siyang shades?

"Ba't mo natanong?" she asked quite late.

"Nothing." Matalino si Jeron kaya lahat ng makita nito siyempre mapapansin. Pero matalino rin naman siya kaya alam niyang may dahilan ang pagtatanong nito.

Tatanggalin din naman niya ang sunnies kapag medyo bumalik na sa dati ang mata niya. Ngayon lang ay hindi puwedeng wala siyang shades. Ma-turn off pa si Jeron sa kanya. Sabi pa naman ng Kuya Kobi niya huwag daw siyang umiiyak kasi pumapangit siya. Iyong sobrang pangit! Kasi lumulubo daw mga mata niya at nagmumukhang alien.

And she didn't absolutely want to look dreadful to him. If there's one person that she wanted all the approval, it would be none other than Jeron. Maging pangit na siya sa lahat, huwag lang kay Jeron.

"Lollifat," said Jeron and she smiled at it. Kung dati asar na asar siya kapag tinatawag nun, ngayon parang refreshing na sa kanya. It brought memories where she was trying to earn his attention. Now, she earned it. Her hardwork paid off and it evidently did when Jeron cleared a throat saying, "Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?"

Sam flattened on her shoes like a tin can smashed under by a wheel.

Jeron didn't get a respond so he snapped out of it, walking ahead. "Forget it."

---
Isa sa maraming bagay na gusto ni Jeron sa work trip na iyon ay ang humarap sa pinto ng kuwarto ni Sam at kumatok roon. Ilang buwan siyang nakuntento sumulyap dito sa malayo pero ngayon abot-kamay na niya ito. Kasama niya ito sa lugar na dati ay pinangarap lang niyang puntahan. Nakapunta siya ng El Nido at kasama pa niya ang dalaga. He's damn lucky.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now