SEASON I:: Chapter 1

32.9K 712 38
                                    

April 2004

I'm not happy. Lumipat kami ng bahay suddenly tapos hindi pa ako nakapagpaalam sa mga friends ko. Sila Che-che at Sharry. Nakakainis sila mommy at papa. Tapos ang strange pa ng sinabi ni mommy kung bakit kami lumipat. Para daw sa akin. Wala naman nangyari sa akin dun. Ipinakilala ko lang sa kanya sila Che-che at Sharry tapos bigla na siyang natahimik at nagpaalam na tatawagan niya lang si daddy.

Parang hindi niya nakita yung friends ko. That's weird and strange.

Lumipat kami ng bagong bahay at ngayon nag-iisa na naman ako.. Hay. Siguro galit na sa akin yun sila sharry? Kasi di ako binigyan ni mommy ng chance magpaalam sa kanila eh! I missed them, when they play with me with my dolls even though hindi nila hinahawakan yung dolls ko na hindi ko maintindihan.

"Is this my new room? Hmm.. Pwede na." I talk to myself again. Habit ko.

"Psst." Sino yun?

"Hello."

I look to my bed and there was the owner of the voice. She's same age as me, ang cute ng damit niya. Para siyang princess kasi naka bistida siya na blue tapos yung hair niya naka pig tail style using red ribbons tapos may hawak siyang pink dressed doll na may long frilly hair. Ang cute!

But.. "Who are you? Why are you in my room?" I asked. But she was like in a state of shock.

"Nakikita mo ako?"

"Hindi naman kita tatanungin kung di kita nakikita, di ba?" Sabi ko. Napangiti naman siya. At kumpara kanina, mas sumaya siya ngayon. Bakit naman kaya?

"Ang galing.. Ako nga pala si Leira. Ikaw?"

"Ako si Kayla. Why were you here?" Tanong ko ulit.

"Bahay namin ito eh. This is my room.. Ikaw? Bat ka nandito?"

"Ha? This is our house kasi we buy this eh! And this is my room." Nainis ako sa sinabi niya. Eh binili na nga namin itong bahay kaya nga nandito na kami eh.

Magsasalita pa sana siya kaso narinig kong tinatawag ako ni mommy. Lalabas na sana ako pero narinig ko si papa na nagsalita. "don't worry, andito lang naman si Kayla. Hindi naman siya lalabas dahil hindi pa naman niya alam dito."

"Don't worry?! Harrold, you know that you're daughter is not an ordinary girl! We shouldn't feel relaxed dahil baka may mangyari na namang kakaiba! Nakakatakot." Ano bang sinasabi ni mommy? Hindi ako ordinary? Why?

"Hindi sa ganun Agatha, hindi rin naman ako masyadong relax, sino ba? Sa sitwasyon ng anak natin. All I'm asking you is that you shouldn't worry too much. Hindi habambuhay ito ang aalalahanin natin."

"Hindi yun, harrold eh. You're daughter..

Our daughter can see and talk to a ghost! Hindi ka ba mag-aalala?!"

O_______O

N-nakakakita ako ng g-ghost... Hindi totoo yun.. "Hindi totoo yun.."

"Kayla. Totoo ang sinabi ng mommy mo." Sabi bigla ni Leira. Napatingin ako sa kanya. "And why did you say so?"

"Kasi patay na ako, Kayla. Kaluluwa nalang ako na nakikita mo."

O_O

"KYYAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!"

***

June 2015

"KYAAAAAAHHHHHH!!" Sino ba yun? Ang sarap-sarap ng tulog ng tao eh. Tsk. Parang may umuuga pa sa akin. I wanna sleep more! >.<

"KAYLA!! Gising na! Ngayon ang first day mo sa bago mong school!! Gising na please, Kayla!!" Niloloko niya ba ako? Eh saturday palang ngayon eh. Pero.... sunday kahapon diba? Edi monday na ngayon dahil ang kasunod ng linggo ay lunes.... Which means.... O__O!!

Agad akong napabangon at nagmamadaling pumunta sa CR para maligo. Pero kanina ko pa nararamdaman at naririnig yung someone na nasa loob lang din ng CR ko. She's sighing and breathing heavily. Parang tumakbo siya ng ilang milya sa sobrang hingal niya. "Buti nagising din siya.. " i heard her whisper.

"Leira, ba't ngayon mo lang ako ginising?!" Medyo pagalit na sabi ko.

"Ngayon lang?! Eh halos mapunit na nga yung vocal cords ko sa kasisigaw kanina pa tapos ngayon lang?! Tulog-mantika lang ang peg?! Ganun?" I'm holding in my laughter, coz she looks and sounds adorable while saying those.

"Talaga? Kanina pa talaga? Edi wow.." Inaasar ko siya. Nakarinig nalang ako ng mahinang "hmp!" At alam kong lumabas na siya. Tapos na rin naman ako magshower kaya nagmamadali akong lumabas ng CR at nagbihis, ayos ng konti, siyempre ang mga magaganda di na kailangan mag-ayos ng bongga, diba? Simplicity is beauty.

Pagkalabas ko sa room ko, at alam kong nakasunod si Leira sa likuran ko, pinagbabati ako ng mga maids kaya binati ko rin naman sila. Hindi ako snob, minsan lang sinusumpong ako ng moodswing ko. Pero hindi ako bad.

I went to the table and greeted nothing but myself a good morning. Seems like my parents have gone earlier. It's for their work, I'm sure. Lagi naman silang ganyan pero they make sure na hindi sila nawawala pag kailangan ko sila. They're good parents and I love them. Kaya nga hindi ko na ipinaaalam sa kanila na i still have this ability. Kasi alam kong malulungkot lang sila and I don't want that to happen.

I'm eating and Leira is looking at me with a smile on her face. Lagi naman siyang ganyan pag kumakain ako o di kaya pag nasa labas kami ng room ko. She knows that I can't talk to her pag nasa labas kami kasi baka may makakita sa akin na kumakausap ng pader, o ng upuan, matakot pa sila. I don't want to embarrass myself and my parents. But I love Leira.

"What's on your mind? You're grinning eh." She said.

"I'm smiling." Pabulong kong sabi. "Okay, sabe mo eh." She looks adorable. "Pfft." Narinig niya ako. Napa-pout naman siya. After eating I hurriedly went upstairs, to my room to get my things at papasok na ako.

"Leira, I'm going. Wanna come with me?" She tilted her head. "That means 'No' huh.. Okay. Suit yourself. Ba-bye!" I waved at her and she do the same to me.

After a not so long ride, nakarating rin ako sa school. Pacific Scott Academy. The school has all the levels, from nursery, kinder, elementary, highschool and college, kung saan na ako ngayon.

But the moment I step in to the entrance of the school, I felt a goosebumps feelings and i can't help but think that this school is.. "Strange.."

It really is.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon