Chapter 33

5.2K 164 9
                                    

A/n : Sorry! ^__^ sorry for the looong~ wait for UD, guys! May work na kasi ako kaya busy-busyhan ang peg.

Anyway, I hope you still enjoy reading this one..

KAYLA

"SO, HINDI TALAGA ANG STEP-MOM?!" Sigaw nila. Except Rodney, ate Mig and the ever silent, Kamil. Natawa naman ako sa reaksyon ni Thomas, nakiki-hyper siya kasama nila Berry at Mami kaya mas lalong laugh trip.

At oo natawa talaga ako.. nung wala akong narinig na reaction mula sa kanila ay tinignan ko sila at naka-kunot lang sila. Pero si Rod nakangiti na nang-aasar.! >.<

Tumikhim ako. "Okay to answer you three, OO, HINDI SIYA! At fortunately because she told me about her side not knowing that she did to, kaya may naging lead ako sa totoong mastermind at culprit ng kaso ng magkakapatid. and this time, I'm sure of this!" Paliwanag ko.

Ilang minuto silang nag-isip ng malalim at nung nakita kong nag-angat ang gilid ng labi ni Kamil then faced me, I knew she knows and realized it based from what I told them na ikinuwento lang rin ni tita Chu.

"Yes, Mami?" Nagtataas kasi siya ng kamay na parang nagpapa-recite ako. Tss. -__-

"Base sa kinuwento mo na kinuwento ni tita Chu, ang una kong naisip ay ang mismong tatay nila michael, pero wala namang motive at base rin sa sinabi mo dati na nakita mo siyang dumalaw dun sa park, it means na mahal niya ang mga anak niya at nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon."

Tumango-tango naman ako. Bigla kaming napatingin kay Berry at sa hinarap niyang pink laptop niya na may information nang na-hack niya. Sobrang kinikilabutan pa rin ako every time she will do that 'hacking' thing, pero nagagalingan ako sa kanya.

"Kung tama ako sa naiisip mong culprit, siya ang tinutukoy mo.... am I right?" I gave her my knowing smile. Napangiti rin naman siya na parang nage-gets niya ang ngiti ko.

"Siya?" Napatingin ako kami kay ate Mig na nakakunot noo habang nakatingin sa mastermind ng pagpapapatay sa tatlong magkakapatid. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Thomas na nasa kanan niya.

"Kilala mo, ate?" Tumango naman si Ate Mig.

Now all eyes on her. She deeply sighed.

"Business partner siya ng pamilya ni Kelly at nakilala ko na siya one time, nung nagkaroon ng company party sinama kasi ako ni Kelly doon at yun nga na-meet ko siya at pati ang asawa niya.. na dating asawa pala ng father ng tatlong bata? I never knew that guy is evil.." Kwento niya.

Oo, ang pangalawang asawa ni tita Monica ang culprit, ang suspect... the evil, heartless ciminal mastermind.

****

Uwian na.

Dumiretso kami agad sa Triangle park, good thing wala masyadong tao doon kaya pumunta kami sa bench na pinag-upuan ko noon at tulad ng inaasahan ko ay nakita ko ang tatlong bata.. si Michael nakatitig siya sa langit while her two siblings are playing with pure smiles and giggles on their faces.. lalo akong nahahabag sa kanila. They're too young to die!

They are too young to experience the cruelty of life.

"Ano, Kay? Nandito ba sila?" Berry asked. I nodded while still looking at the kids.

"Anong plano? Anong gagawin?" Thomas asked this time. Humarap na ako sa kanila.

"Plano? Wala.. may kailangan lang tayong ikumpirma.. now I will talk to them." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at naglakad sa nakatago na sa damuhan na puntod ng tatlo, naramdaman kong sumunod sa akin si Rodney dahil pati siya ay hinahawakan rin yung lapida.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now