Chapter 68

4K 111 2
                                    

DENIRO

Tch! I am pissed! Totally pissed! Bwiset talaga!!! Bwiset!!!!!........... hindi ako nakakuha ng coupon sa Jollibee at Mcdonalds! Kakaasar eh! Imbes na makakatipid na ako every break time at breakfast dahil sa coupon, unfortunately, minalas ako! Naunahan ako ng isang mayabang na lalaki at yung girlfriend niyang mukhang bisugo. Tch!

It hurts, you know? *Ala-manny Pacquiao voice*

"Shit talaga! Ibibili ko sana nung fries na may kasamang coke float si minamahal kong Pranny, kaso.. Hayzz.." Napabuntong-hininga nalang ako at nakayuko at bagsak ang balikat na naglakad palayo sa entrance ng Mcdo. Hayy buhay.

"Hoy."

Sino bang istorbo yun? Nakitang nagluluksa iyong tao dito tapos maka-hoy siya--teka, familiar yung boses ah?

"Kapag hindi ka humarap---"

"Okay haharap na po!! Hi, Pranny, baby~ hihi" si Pranny ko, nakatayo at naka-cross ang arms niya while trying to have a calm expression pero dahil sa dakilang gwapo ako, alam kong hindi siya kalmado sa ngayon. Nakulangan sa cha-a, maybe?

Pero imbes na ngumiti siya ng matamis, inirapan niya lang ang mukhang ito. "Psh. What are you doing here, and what's with the long face?" She asked! She's concerned! I smiled at the thought, not aware that she can see me.

"Uuuuyy.. concern siya.. sakin! Hihihi" nilapitan ko pa siya at ginigitgit ko ng balikat ko ang braso niya. Parang diring-diring nilalayuan niya naman ako. "Oh, huwag ka nang mahiya, Pranny baby.. Show me you're kinikilegs! Promise, di kita tatawanan." I gave her my cutest wink na sa mga pagkain ko lang ginagawa noon. Oo, kinikindatan ko ang food ko.

"Huh! Get away, you food-freak! Bakla!" Bulyaw niya. Ngumiti lang ulit ako.

It doesn't bother me, kahit tawagin niya pa akong pangit.. alam kong nagsisinungaling lang naman siya eh. "And I'm not concern FYI! You are blocking the entrance at maraming taong papasok sa Mcdo so I called you up. Understand!" Inirapan niya ulit ako at tinalikuran.

Napatingin ako sa mga taong nangingiti sa akin, mostly mga babae na college students, tapos parang kinikilig sila na nagbubulungan. Nginitian ko nalang sila tapos umalis na ako sa daanan. Nakaharang nga ako. Hindi ko napansin dahil sa sobrang panlulumo ko doon sa Coupon. Aww.. I remembered again.

"Hoy" tiningnan ko si Pranny pero bigla akong napakilos ng mabilis at sinalo ang kung anuman na hinagis niya. Patalikod niyang hinagis iyong kung anuman kaya hindi rin siya tumitingin ngayon sa kin. "Pft--ehem. You're so childish.. dahil lang sa coupon, nagkakaganyan ka? Tss." Huling sabi niya bago tinanguan ang butler slash driver niyang si mr. Hall at binuksan agad nito ang pinto ng sasakyan niya.

Ngayon ko lang din napansin yung kamay niya, may hawak na plastic ng Mcdo at may 2 laman na BFF fries, tsaka dalawang sprite float, yung green, tapos may magkapatong na carton na may naka-display na picture ng chicken and rice na may gravy.

I gulped at parang naglaway sa mga pagkaing dala niya.. parang gusto kong sundan yung mga iyon pero napapitlag ako nung sinara ng malakas ni mr. Hall ang pinto ng kotse at tiningnan ako ng walang kahit anong emosyon saka siya pumunta sa kabilang panig at kalaunan nga ay nakaalis na rin ito. Anong ibig-sabihin nung tingin na yun?

Oh, nevermind. I am hungry... Super duper to the highest of the highest level hungry na ako. Papasok ba ulit ako sa Mcdo?

Then, I look at my closed-fist hand, open it and I saw what I've been depressed of all this time.. a coupon! Kaso sa Mcdo lang pero ayos na din. Coupon is still coupon! Wihi!

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon