Chapter 36 [Part 1]

4.4K 148 12
                                    

RODNEY

Nakakapanibago... parang ang tahi-tahimik ng buong barkada. Alam kong si Kamil lang ang tahimik pati na rin si Kayla pero minsan na nga lang.. bakit yung dalawang maingay tahimik din? Plus this guy beside me? Siniko ko nga.

"Hm, bakit?" Ingit ni Thomas.

"Ba't ang tahimik nila? May problema ba?" Tanong ko. Umiling sabay kibit-balikat nung tumingin kay Berry pero lumapad agad yung ngiti nung napatingin kay Mami.. hmm, is there something between these two?

Mukhang nagkaaminan na ah.

Magsasalita pa sana siya pero nagtaas ako ng kamay na parang pinatitigil ko na. "Oh bakit? Sasagot na nga--"

"Tss.. alam ko na. Dami mong sinasabi eh ngiti mo palang alam ko na.. so how did it happen? Himala, nawala ata katorpehan mo, dude?" Tinawanan ko siya pero hindi naman siya naaasar at nakitawa pa nga sakin. May saltik na ata to, nain-love lang.

Weh? Ganyan ka rin naman eh..

Oo na nga kase! Hindi ako tatanggi.

Oh, edi umamin din.

"Hahaha.. something unexpected happened pero the best part is.. she feels the same way. At FYI dude," tsk, parang bakla naman yung FYI niya. Nag-lean siya hanggang sa tumapat yung bibig niya sa tenga ko. "Siya pa ang unang umamin sa min! Hohoho"

"Gago! Matagal na kasi naghihintay yan eh ikaw naman slow ka nasa ere pa ata mga salita mo eh! Naglalakbay. Hahaha"

"At tsaka ayusin mo nga yang pagtawa mo! Loko, konti nalang talaga iisipin kong bading ka. Pati yung weird na tawa ng soon-to-be gf mo ginagaya mo na. Ganyan ka na nga kabaliw sa kanya.." Napapailing-iling na sabi ko pa habang tinatapik-tapik ko siya sa braso.

Inalis niya yung kamay ko. "Gago! Inggit ka lang, ako kasi may progress eh yung sayo hanggang kelan ang status: in a courtship relationship niyo? Tss.. ako alam ko, nararamdaman ko sandali lang akong manliligaw at sasagutin na rin ako ni Mami-loves ko."

Mami-loves? Yuck! Parang bading talaga.

Nag-uusap pa kami hanggang sa nakarating na nga sila sa room nila kaya natira kaming dalawa ni Kayla papunta sa room namin. Lumapit ako ng konti sa kanya at kinalbit ko ng konti at parang gulat na gulat siyang humarap sakin. "What?" She asked.

Umiling ako. "Wala lang. Ang tahimik mo kasi eh. Too quiet this time. May problema ba? May sakit ka ba?" Umiling naman siya habang nangiti.

"Wala akong sakit Rod, Infact I'm perfectly fine.. may feeling lang ako na may unexpected na mangyayari ngayon kaya iniisip ko kung ano naman kaya yun. Ang weird no?" Unexpected? Oo nga, weird it is.

Pero wala lang naman yun. Baka sobrang nag-aalala lang siya. I put my arms around her waist and my other hand gently pointed out the tip of her nose. Cute kasi!

"Ihh! Wag ka nga! Baka may makakita eh.." Nahihiyang saad niya na kinatawa ko.

Lalo niya kong tinignan ng masama. "Anong masama dun? Eh alam naman ng lahat na nililigawan kita at gusto kong ipagkalat sa buong mundo na magkaka-girlfriend akong.. "I lean closer to her ears. ".. misteryosa--ouch! Ayan na naman, namamalo na naman.."

"Ang landi mo kase! Halika na nga, nasa harap na tayo ng room.." Siya sabay unang pumasok. Sumunod na rin naman ako at since magkatabi naman kami kaya okay lang. Hindi na nga ako natutulog sa klase kasi katabi ko ang babaeng mahal ko.

Oo mahal ko na talaga siya.. natutunan ko siyang mahalin. Pero ang nakakatuwa.. natutunan ko ulit magmahal after what happened to my past relationship.

Ayoko ngang binabanggit nila sa harap ni Kayla yung past relationship ko dahil masyadong selosa at sensitive ang soon-to-be Girlfriend ko, at kung akala niyong naaasar ako sa pagiging selosa niya, then No. Instead, natutuwa pa nga ako dahil through her jealousy, nalalaman kong mahal nya rin ako.

After class.. break time.

Nasa Mystery club room kami, like the usual. Si Berry nakakapagtaka talagang tahimik at nakatulala sa bintana kanina pa. Nung tanungin namin sila, ang sabi ni Mami hindi niya rin alam, tapos ang nakakapagpagulo yung sinabi ni Kamil.

'Let her be.. let her learn her lesson.'

What was that mean?

"Bakit Babe?" Sabay ngiti.

"Pwede bang ikaw na muna bumili ng food natin?" Ang cute niya talaga pag ngumingiti. Kaya agad akong napa-oo sa request niya eh.

Nga pala, nagugutom na rin ako. Tamang-tama.

Pero imbes na yung kay Kayla lang ang bibilhin ko, pati sila Mami, Kamil, Berry at si thomas pa nagpabili rin, tsk, ano yan atchoy nila ako? Ang kakapal ng mga mukha ng mga 'to.

"Sorry Rod, busy kami sa homeworks namin eh.." Yan ang sinabi ni Mami sabay may peace sign pa.

Lumabas nalang agad ako at pumunta ng cafeteria at agad naman akong nakabili ng mga pagkain nila. Ang bilis ko nga eh kaya naglakad na ako pabalik. Pero habang naglalakad ay bigla akong may nabunggo dahil sa pagmamadali. Nabitawan ko yung plastic ng mga foods na dala ko kaya agad kong pinulot.

"Sorry miss, and thank yo---....." O________O

No way....

I-is this.. for real?!

"Hello, My love. Kamusta?"

Sabi ni......................

...

"L-laira.."

****

[a/N: Sino si Laira?]

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon