EPILOGUE - Part 3

4.6K 125 5
                                    



E 👑 P 👑 I 👑 L 👑 O 👑 G 👑 U 👑 E

               PART THREE ▶️

7 years ago....

Makakatulog na ako ng maayos. Malaya sa pag-iisip ng mga problema, tahimik at payapa sa loob. Pero may isang bagay akong iniisip sa ngayon and I don't know what to call it, is it a problem or a simple solution? Ang matanggal ang abilidad ko... maaaring sa ibang tao problema ito, sa mga taong mahal ko sa buhay malamang problema itong maituturing. Pero sa dalawampu't isang taon kong tinataglay ang abilidad ko... nakakilala ako ng mga kaibigan sa mga sandaling wala ako noon. Ngayong iaalis ito, parang dahil lang sa mayroon na akong mga kaibigan, parang inaabandona ko na ang mga naging kaibigan ko sa pamamagitan ng pag-aalis nitong abilidad ko. So I really don't if it is a problem.

For my health, maybe. And I also need to go through this in the future, napaaga lang.

Kinabukasan, masagana kaming nag-uumagahan. Kumpleto kami. Si mommy, Papa, si kuya Jerry at si Gello, lahat sila nandito na bihirang mangyari. Lalo na dahil laging wala si mommy at papa dahil sa business. Si kuya Jerry naman madalang lang rin dito sa bahay kasi nga mas marami silang pinagkaka-busy-han bilang mga Detectives.

"Sweetie, tahimik ka ata? May problema ba?" Napalingon ako kay mama at binigyan siya ng ngiti.

"I'm fine, 'my. Iniisip ko lang po iyong mga ipapasa kong requirements for graduation."

"Oh, I almost forgot about that. May final date na ba ang graduation day niyo? Para makauwi kami ni papa mo at masamahan ka namin. Siyempre, ikaw ang unica hija ko kaya dapat ako at ang papa mo ang kasama mo."

Tumango ako at binigay ko kay mommy ang invitation letter para sa graduation ko. They said 'yes' so I was happy about it. Every-graduation ko kasama ko sila so this important day, dapat kasama ko pa rin sila. Ang saya ko ay dala-dala ko hanggang sa PSA. Agad naman napansin ni Rod saka ni Den ito.

"Ang saya natin ah? Kayo na ba, Pre?" Parang nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Den at naramdaman ko ang mabibigat na tingin ni Rodney. Hindi ako makatingin, nakakailang.

Natawa si Deniro sa nakita niyang pagkailang namin ni Rod sa isa't-isa kaya naman matalim ko siyang binalingan kaya nanahimik. After graduation march pratice, kasi ilang araw nalang bago magtapos kaya iyon nalang ang ginagaw namin. As usual, naghihintay kaming tatlo sa tapat ng PSA kila Mami. Sabay-sabay lagi kaming umuuwi.

Nagmamasid-masid lang ako sa paligid habang nag-uusap sina Rodney at Deniro about sa basketball nang may mahagip ang mga mata ko sa di kalayuan. I saw Laira, naka-black jacket siya na may hoodie at simpleng pants at flat shoes lang. Gusto kong tanungin ang kalagayan niya dahil nung huling paghaharap namin ay iyak siya ng iyak at sobrang dinaramdam niya pa rin ang pagkakawala ng kambal niya.

"Kayla! Lika na, nandito na sila." Nakita ko sina Mami na inaakbayan ni Thomas, si Berry na may ka-text at Kamil na parang nababagot. Nakita ko rin si Gello na may kausap sa cellphone na alam ko si K lang naman. Nandito na sila. Pero sa hindi ko malamang dahilan parang ayaw ko pang umuwi.. parang gusto kong makausap si Laira.

Maybe it is about what I feel about her twin, I wanna know more about Laira. I wanna know about Leira through her twin. Gusto kong makilala si Leira noong hindi pa siya ang aking 'ghost friend'. Kaya hinarap ko silang lahat at sinabi kong mauna na silang umuwi at may pupuntahan ako.

Hindi ko sasabihin sa kanila na gusto kong kausapin si Laira. Hanggang ngayon kasi, kahit na nagkapatawaran na, may hinanakit pa rin sila sa mga Scott. Pero ako, wala namang atraso si Laira sa akin at naintindihan ko iyong ginawa niya nung nakaraan, maiintindihan ko.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now