Chapter 17

8.4K 288 5
                                    

"Good afternoon po. Alam po namin na nanjan si Kayla. Please naman po, papasukin niyo na po kami. We're her friends naman eh!"

Nagmamakaawa na talaga ako sa maid nila Kayla. Alam kong nagtataka rin siya kung bakit hindi ako kinakausap ng alaga niya kaya pabalik-balik rin ako dito... I am as confused as her! Hanggang ngayon nga iniisip kong mabuti kung anong mga huling sinabi ko sa kanya na baka na-offend ko siya, or if I did something that made her offended and hurt.

Sa maikling pagkakakilala ko sa kanya, alam na alam ko na ang ugali niya. Funny thing is, parang ang tagal ko na siyang kilala samantalang close to three months palang naman kami nagkakilala at naging magkaibigan... and I considered that as she's meant to be my BFF. Just like these two, strawberry and milka. And Rodney and... thomas.

Wag niyo itanong kung bakit may dot, dot, dot pa kay Tatang tomas, hindi ko rin alam.

-__-

I heard the old maid sighed, parang sinasabi niyang no choice, then binuksan niya na yung gate kaya pumasok na rin kami. Nakita pa namin si mr. Jerry na naglilinis ng sasakyan sa garage. Naramdaman kong gumagalaw sa tabi ko si strawberry kaya I look at her.

<3__<3

Ganyan ang hitsura niya while looking at manong jerry.. na hindi naman mukhang manong. He is handsome, I'm telling you.

"Ang gwapo talaga niya..... ang sexy niya pag ganyan.... wet look.." -strawberry

"Tss." -Milka and me

Sanay na kami jan.

Nakita kong lalong kinikilig si Strawberry at hinihila na niya yung damit ko. "Ano ba strawberry! Masisira uniform ko sayo eh!" Tapos pilit inaalis ko yung kamay niya.

"Eh kasi... Palapit siya dito! Ang mata ko... pinagpapala talaga!!"

Palapit nga si manong Jerry. He smiled at us. Tumango lang yung dalawang lalaki tapos nag-smile naman kami ni Milka. Si strawberry? Huwag niyo na itanong.. parang salamin ang gaga! Kitang-kitang may gusto siya! Hahaha.

"Good afternoon... close to evening na pala. Anyway, are you looking for KM..?" Tumango naman ako.

He smiled. "Nasa kwarto niya siya.. buti na lang din at pumunta kayo. She needs a friend the most right now." Then he look at all of us. "Friends, even. Ngayon lang ako nakakita ng maraming kaibigan niya sa buong pagsisilbi ko sa pamilya nila.."

Sa paraan ng pagku-kwento niya, makikita mo talagang kilalang-kilala at gustung-gusto nila si Kayla. At natutuwa silang maraming kaibigan si Kayla ngayon.. and I know that she can have so much more friends other than us.

She is a lucky girl. She just doesn't know it.

Tumikhim si Manong Jerry at parang nailang siya. "Ah. Pasensya na... basa pa nga pala ako. Sige na pumunta na kayo sa loob..." Then she look at the old lady na nagpapasok sa amin kanina. "Manang, pwede pong pahatid sila sa silid ni KM, mga kaibigan niya po ang mga yan."

Agad-agad naman kaming pinapasok ni manang felicidad, nagpunta na ako sa bahay nila Kayla dalawang beses na, pero hindi ko pa nakita nun si manang.. siya pala ang kasambahay ng pamilya ni Kayla since her mother was young. At naging taga-alaga din siya ni Kayla nung bata palang ito at alam na alam na nga raw nila ang ugali nito.

"Oh sige, iiwan ko na kayo dito. Kayo nang bahala sa kanya.. magagalit siya sa una, pero alam kong lalambot din siya sa inyo. Ganyan na ganyan din kasi ang ugali ng nanay niya noong bata pa ito. Good luck, mga hija at hijo." -Manang Felicidad

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now