Chapter 9

10.2K 339 8
                                    

Saturday

"Pwedeng umatras? Kasi kinakabahan talaga ako eh.." Tinignan ko siya ng mataman, kaya huminga siya ng malalim at nag-shake siya ng kamay niya. Yung parang pagkatapos mag-hugas ng kamay tapos iwiwisik mo yung kamay mo para agad matuyo. Ganun ang ginagawa niya. Sabi niya pampaalis daw ng tensyon. Tumango nalang ako.

Nag decide kaming gawin ngayong araw ang, ayon kay Mami, ay 'mission' daw namin para itama ang mali at baluktot na pangyayaring alam ng pamilya ni Fonse at ng pamilya na rin ni Lander. Kahit ako din kinakabahan pero pag nakikita ko si Mami ay somehow, nawawala yun because of her crazy antics and gestures. I feel relieved.

And Leira and fonse' also here. Like the last time, nag-uusap na naman sila.

I decided to press the doorbell and thank god, hindi naman naghinala sa amin yung mga maids sa loob at agad kaming pinapasok. Hindi ko nga alam na ka-subdivision lang namin ang bahay na 'to. Sabagay maganda na rin yun. Pinapasok kami ng maid sa loob at pinaupo. Maghintay na lang daw kami sa may-ari ng bahay.

"It's been a while since I've seen this house." I heard from Fonse.

Titignan ko sana siya pero nalipat na ang tingin ko sa dalawang tao na pababa sa hagdan.. The woman looks elegant and the gentleman looks dominant and intimidating. Yung mga tipo nila ang alam kong least na maniniwala sa kakayahan ko.

Fonse is muttering something.. like mom, dad.. so I already know that this is his parents. "Good afternoon ladies, i heard from raquel that you're looking for us?" Yung daddy ni Fonse ang nagsalita at talagang muntik na akong panuyuan ng lalamunan at nagdadalawang isip ako sa planong ito pero buti nalang andito si Mami sa tabi ko na alam kong nagiging ka-share ko sa nararamdaman ko ngayon...

Or not?

"Good afternoon po, mom and dad ni kuya fonse! Hehe.." -Mami

Alanganin na ngumiti lang ang ginang at ginoo sa tinuran ni Mami kaya parang ako ang napapahiya. Pinalo ko nga sa likod. Yung light tap lang. "Aw! Ano ba?" Napalakas pa ang boses. Haayy.. good luck talaga sa gagawin namin.

"May sasabihin po sana kami tungkol sa pagkamatay ni... ni Fonse." Panimula ko.

"I don't wanna sound rude mga hija, pero sana intindihin niyo na masakit pa rin sa amin ang pagkamatay ng unico hijo namin kahit na isang taon na ang nakakaraan. Kung pwede sanang... ayaw na namin ungkatin pa ang lahat ng may kaugnay sa kanya." -Daddy ni Fonse

"Pero sir..." Hindi naituloy ni Mami ang sasabihin.

"Tama ang asawa ko. Sana ay maintindihan niyo ang nararamdaman namin.. Pero nagpapasalamat kami at hanggang ngayon ay nag-aalala kayo sa anak ko. Kung nandito siguro si alfonso, alam kong sobra-sobra ang pasasalamat niya sa inyo." -mommy ni fonse.

Natahimik panandalian at walang kahit na isang may balak magsalita. Pero gusto ko nang sabihin ang lahat ng nalalaman ko at hindi nga nagtagal ay nagsalita ako... pero sa direksyon ni Fonse ako nakatingin. "Fonse... anong gusto mong sabihin sa kanila?"

"A-anong sinasabi mo hija? H-huwag kang magbibiro ng ganyan dahil hindi yan nakakatuwa."

Hindi ko pinansin ang sinasabi nila basta ang hinihintay ko ang sagot ni Fonse na nakatingin ngayon sa mga magulang niya at umiiyak na ito. Tatangkain niya pa sanang yakapin ang mga ito pero katulad ng nangyayari pag hinahawakan ko si Leira, tumatagos lang siya. I feel sad for him dahil kung ako ang nasa posisyon niya at matagal ko nang nami-miss ang mommy at papa ko, tapos hindi ko mahawakan ng ganito, maiiyak nalang ako.

"Please, umalis na kayo mga hija, ayokong maging masama pero kung hindi niyo titigilan ang kalokohan na ito, I might as well force you to leave and you will not like what I can do.. Kaya please.." Yung Daddy ni fonse.

Ghost Detective! (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin