SEASON III:: Chapter 42

4.7K 155 2
                                    

A/N: this is a surprise! Medyo malilito kayo sa ilang bagay pero malalaman niyo rin naman ang sagot... sa tamang panahon. 😄
So stay put! Haha.

****

MAMI

Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno na nandito sa backyard ng High School department at nagbabasa ng libro. Hinihintay ko si Tatang dahil may pupuntahan kami kaso nga lang may practice sila ng basketball dahil malapit na ang laban nila sa Philip Moore Academy, I remember two weeks from now yung big day. Sabi niya nga umuwi na raw muna ako dahil matatagalan daw yung practice pero alam niya na matigas ang ulo ko kaya nung nakikipagpilitan ako na maghihintay nalang dito wala rin siyang choice. Ako batas eh!

Pero ang totoong dahilan kung bakit ako pumupunta dito ay dahil namimiss ko na siya.. Yung samahan ng Ghost Detectives. Ngayon kasi hindi ko na masasabing kumpleto kami. Although magkakasama pa rin kami nila Tatang, Berry, at ako.. yung iba hindi na namin gaanong nakakasama.

Pero sa loob ng anim na buwan.. Oo, anim na buwan na ang lumipas. Still, wala pa rin kaming balita tungkol sa kanya.. kay Kayla. Nagkikita-kita pa rin kami nila Berry, Tatang, si Kamil na lumipat bigla ng school.. sa hindi namin malaman na dahilan lumipat siya at nalaman lang namin nung sinabi ni Berry. Si Ate Mig naman since graduate na siya 2 months ago, naging busy naman siya sa pagtatrabaho sa business ng pamilya niya at sa pag-aalaga sa mga anak niya at ang nalalapit pa nilang kasal ni Kuya Kelly.

6 Months ago...

Isang linggo. Ganyan katagal na hindi namin nakikita si Kayla. Hindi kami pumupunta sa bahay niya because we want to give her some space to think through, kasi alam namin na hindi maganda ang naging karanasan niya. At baka mas lalong hindi gumanda ang karanasan at pag-aaral niya dahil ang source ng 'hindi magandang karanasan' ay kasama niya pa sa iisang room. When we learn about what Rodney did, obviously nagalit kami. Lalo na ako. I told him before na huwag niyang sasaktan sa ano mang paraan si Kayla dahil mawawala lahat ng pinagsamahan namin bilang magkababata at magkakaibigan and it's happening now.

Hindi ko rin siya maintindihan dahil iba ang sinasabi ng mata niya sa ginagawa niyang pagsama kay Laira. Parang may gusto siyang sabihin sa amin kaso may pumipigil sa kanyang masabi iyon, pero wala na akong pakialam sa kanya. Nawala na simula ng lokohin at saktan niya sa Kayla.

Nandito kami sa Mystery Club at kasalukuyan naming pinag-uusapan si Kayla at ang matagal niyang absences.

"Puntahan na kaya natin siya? Kasi hindi tayo titigil sa pag-aalala unless makita natin siyang maayos eh. Or kahit makita lang natin." Napatingin kaming lahat kay Thomas.

Hindi na rin magkaibigan si Thomas at... ang lalaking iyon dahil sa nangyari. Wala na sa amin ang lumalapit o tumuturing sa kanyang kaibigan.. after what happened? I don't think we can be friends again.

Natahimik kaming lahat ng ilang sandali.. bago ko sirain ang katahimikan na iyon. I raised my hand. "I agree to what he said. At sa totoo lang gusto ko na rin puntahan si Kayla dahil bukod sa nag-aalala ako sa kanya ay gusto kong humingi ng tawad sa kanya.." Napatingin sila sa akin, pero ang titig ni Thomas ang hindi ko masalubong. "I wanted to apologized dahil alam kong ako ang kumunsinte sa relasyon nila ni--"

"That's stupid, Mamilyn." I looked at Berry. Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya pero nanatili siyang nakatingin sa akin na walang emosyon at nagpatuloy sa sinasabi niya, "kung ganun pala.. I should also say sorry dahil isa rin ako sa mga nagtulak sa kanila to be together.. even Thomas did that." Sabay lahad niya ng palad sa direksyon ni Thomas. "The point is, wala tayong kasalanan, Mamilyn. Hindi natin alam na mangyayari ito.. kasi kung alam lang natin, kung alam ko lang ang tinatakbo ng utak ng gagong iyon, sa tingin mo papayagan ko siyang lumapit kay Kayla? Sa tingin mo susuportahan ko ang bwisit na iyon sa panliligaw niya? Ha! Baka ako pa ang unang bumuwag sa gagawin niya at mabugbog ko pa siya."

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon