Chapter 3

13K 470 12
                                    

Kayla's

Nakauwi naman ako sa bahay namin ng ligtas kahit na naglakad lang ako. Nagulat pa nga yung mga kasambahay namin tsaka si Mr. Jerry, yung driver namin, kasi ang aga ko daw umuwi. Nagsinungaling nalang ako na masama ang pakiramdam ko kaya umuwi na agad ako without informing him. Ngayon nga, andito ako sa room ko at nakahiga habang iniisip ko pa rin kung tutulungan ko sila renzo at anne.

Am I being bad to them coz' I refused to their request? Am I the wrong one here?

"Bakit ka umuwi ng maaga? Alam kong hindi totoo na masama ang pakiramdam mo, Kayla." Humiga sa tabi ko si Leira tapos bigla bigla siyang dumapa at ipinatong yung ulo niya sa kamay niya. Umiling lang ako. "It's nothing to be concern about."

"If you're looking down like that, I should be concern."

"*sigh* okay, sasabihin ko na.." Umupo muna ako at ginaya naman niya ako. Nung handa na siyang makinig ay nagsalita na ako. I told her the story that I heard earlier about renzo and anne, pati na rin yung paghingi ng tulong ni Anne sa akin. Except dun sa lalaking classmate ko na pinainit yung ulo. Siya yung nagpalala ng frustrations ko.

"Natural lang sa katulad namin na mga kaluluwa na maghangad ng paghihiganti. Wala kaming ipinagkaiba sa mga taong buhay na nasaktan. Actually, lahat ng tao gusto maging even sa mga nakakaalitan nila, be it for a small reason or big. Pero.." Napatingin ako sa kanya. "Pero, ano? Sige na sabihin mo na."

She sighed then she look at me intently. "Do you want to hear my honest opinion?" I nodded. That's why I'm asking her because I need help.

"Listen first to the whole thing. Sabi mo kasi di mo siya pinatapos magsalita at umiling ka kaagad. Pakinggan mo ng buo ang sasabihin niya at kung ang gusto niyang tulong ay ang iniisip mo, dun ka wag pumayag. Like you said, revenge is bad." -Leira

So the next day, lunch break na ulit. Lumabas ako papunta sa likod ng building ng HS kung nasan sila renzo at anne. Hindi naman ako nabigo kasi nakita ko agad sila. Nakaupo si renzo habang nakaunan sa hita niya si anne. Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ng kung sino. Si Leira. I looked at her na parang sinasabi ko na pupunta na nga ako pero umiling lang siya at sinundan ko nalang muna kung saan siya pupunta.

"Why did you stopped me?" I asked.

"Wala lang, trip ko lang." A-- what? Trip? Tss.. "I hate you Leira." Medyo naaasar kong sabi pero di na naman siya sumagot. Hindi na siya sumagot dahil may naririnig kaming kumakanta.... si Renzo yung kumakanta.

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you"

While he's singing, nakatingin lang siya kay anne at nakangiti silang dalawa na parang nag-uusap lang sila sa pamamagitan ng pagtitig sa mata ng isa't-isa. I find those things so sweet. Much more sweeter kasi sila ang nagpapatunay na walang kamatayan ang makakapigil sa pagmamahalan nila.

"...I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore..." Right after he finishes the song, yumuko siya at hinalikan niya si anne. Una sa noo, sa tungki ng ilong at ang huli ay sa labi.

"Ang sweet!" O_O!!

Agad kong tinakpan ang bibig ni Leira pero nakalimutan kong kaluluwa siya at tatagos lang ang kamay ko sa kanya kaya... We're busted.

Agad napalitan ng galit yung kaninang nakangiting mukha ni anne pero si renzo nakatingin siya sa gilid ko.. kay Leira. Speaking of Leira, nakayuko siya at naririnig kong nagsasabi siya ng 'sorry'. Matatawa sana ako dahil ang cute ng pagkakasabi niya pero alam kong tinitignan ako ng masama ni anne. "Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko na sayong umalis ka na dito?!"

"Sino siya?" Napatingin si anne kay renzo na nakatingin naman sa nakaangat na ang ulong si Leira. "Hello, ako si Leira, friend ako nitong babaeng nasa tabi ko. Hehe!" Ang sarap lang batukan ni Leira, no? Parang bata! Sabagay, bata pa nga pala siya nung namatay. Come to think of it, ni-hindi siya nagkukwento ng tungkol sa buhay niya nung buhay pa siya. I'll make a mental reminder to ask her later. For now, eto muna.

"P-pumunta ako dito kasi..... Sige. Payag na akong tulungan kayo... pero wag kayong maghihiganti. Wala yun maidudulot na maganda." Mahinahon kong sabi.

Bakit ang tagal naman ata nila sumagot? Tapos nakatunganga sila sa akin na parang may sungay na tumubo sa akin. "W-wag kayo magagalit sa akin.. " muli ko pang sinabi.

"Hahahahahahahahahahaha" ahh.... anong nangyari? Bakit sila tumatawa?

"Bakit sila tumatawa? Wala naman akong sinabing nakakatawa ah?" Tanong ko sa sarili ko.

"Naku, baka nabaliw na? Baka nag malfunction na yung utak. My god!" Medyo OA naman na react ni Leira. Pero still tawa pa rin ng tawa yung dalawa. Maya-maya tumikhim sila pareho at sabay na tumingin sa amin. "Sino nagsabing magre-revenge kami? That's so like telenovelas! Haha" natatawang sabi ni anne.

"Anne.." Agad na tumigil naman si anne sa pagtawa at tulad ni renzo, nagseryoso na rin ito.

"Gusto lang naman namin na manahimik na. Sa tagal naming palakbay-lakbay bilang kaluluwa, five years na rin.. Gusto na namin lumagay sa tahimik." -renzo

"So what you guys' want is..." Paputol na tanong ko.

"Gusto lang namin na tulungan mo kaming bigyan ng hustisya ang nangyari sa amin. Sa lagay na yun matatahimik na kami." -Anne

"Hustisya? Paano namin gagawin yun?" Tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa na ikinataka naman namin ni Leira.

****

3 days passed

"Uy anong meron? Bakit may pulis sa labas ng school?"

"Hala, may namatay ba dito? Oh my.."

Ako tuloy-tuloy lang na naglakad papunta sa likod ng building ng HS at nakikita ko nga ang mga pulis at may ibang taga ospital pa na nandun din. Nahukay na siguro nila ang bangkay nila renzo at anne. Hindi ko talaga akalain na sa inupuan ko, dun sa ilalim nun andun ang mga bangkay nila.

And yep, I spill the beans. Sinunod ko lang ang sinabi nila renzo, the address of their houses, kung anong pagpapakilala ang gagawin ko, kung paano ko sinabi sa mga pulis ang pangyayari in a way that they'll believe me. Of course, I have my partner-in-crime, Leira, who helped me. Kaya ayan.

Napanuod ko rin kagabi sa news yung pagkakahuli sa tatay ni Renzo na siyang gumahasa at pumatay kay Anne at ang tatay ni Angelina Francisco, yung babaeng papakasalan sana ni Renzo, na siya ring pumatay sa kanya. All's well that end's well.

"Ang saya! Ang saya!" Kanina pa yan sinasabi ni Leira. Actually kumakanta na nga siya. Sing and dance while saying those. Ako naman nakatingin lang sa maraming tao na nakiki-usyoso.

Patalikod na sana ako nang biglang mahagip ng paningin ko sila Renzo at Anne. They were all smiles at magkahawak ang kamay. I smile at them. They mouthed their "thank you" and I just nodded at them. Si Leira naman nag-salute lang sa kanila. Parang sira lang. "Leira, you go home."

"Oo na! Ang KJ nito.." Nakanguso niya pang sinabi yan. Naka-poker face lang ako pero gusto ko nang matawa sa kanya. She's a handful sometimes but I still love her.

"Helping hand.. A helping hand? Oh my gosh!!" Nanlalaking mata na tumingin sa akin si Leira. Tapos bigla siyang nagtatalon sa harapan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang balikat ko at inaalog-alog niya ako." Ano ba, Leira, nahihilo ako." Protesta ko. Pero hindi niya ako tinigilan.

"Helping hand! You know! Instead na i-down mo ang sarili mo dahil may ganyan kang ability, why don't you use that ability sa kabutihan? Be our voice, Kayla. Ikaw lang ang makakagawa nun!" Ano daw?

"Ano? Di kita ma-gets." Pabulong kong sabi. Siyempre nasa open grounds kami eh.

"Let's help other ghosts, like me, to find justice and to help others to reach their loved ones."

Ahh.. ano daw?

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now