Chapter 70 (Part 1)

4.3K 119 7
                                    

MC: Sorry, sorry po! Ngayon lang ako nakakawala sa busy schedule ko kaya ngayon lang ako mag-a-update. Again, I am very sorry my dear readers.

I'll make it up to you all! 😉

****
(PACIFIC SCOTT ACADEMY; Mystery club Room)

MAMI

"A-ano..."

"Tama ang narinig niyo guys.. I have a ghost friend named Leira and I believe that rings a bell, eh?" -Kayla

Talagang nagtataka kami nung lahat pinatawag niya dito pa sa PSA, at sa lahat ng lugar, sa mystery club room pa. Pero ngayon, naghalo-halo ang emosyon namin sa revelation niya. Pero mas nangingibabaw ang pagkagulat, pagkatulala at ang lungkot.

To think that, all along, Kayla is friends with one of the most important person from us... and to top it all, she's a 'ghost friend' Kayla had all these years... just wow. I can't think of something and I dont even know how to react to that. Basta nagulat lang ako.

"Bakit ngayon mo lang sinabi iyan sa kanila, Kayla?" Napatingin kaming lahat, well except sa mga taga-PCA, kay Milka or Kamil. Dont tell me.. alam niya na rin ito noon pa!?

Bago pa makapagsalita si Kayla, sumingit na ako. "You knew about this, at hindi ka man lang nagsabi?" Walang kahit anong emosyon na mariringgan sa boses ko except.. the feeling of being betrayed. Nakakainit ng ulo, oo, pero kailangan kong marinig ang paliwanag niya. Hindi naman ako yung tipo ng tao na idi-disclose ko na ang sasabihin ng kabilang panig just because I heard what I want to hear.

Walang alinlangan na tumango si Kamil at katulad ko, wala rin siyang emosyon.. at mas nakakatakot yung sa kanya. We didn't say a word after that. We fell silent for about a moment, when Kayla spoke.

"Sinabi ko ito ngayon... dahil ito na ang magiging huling kaso na iso-solve ng Ghost Detective." Nakuha noon ang atensyon namin. "And when I say 'Ghost Detective', I meant the 'original' members only. Since sila ang may connection talaga kay Leira at sa mga kapatid at kapamilya nito."

Tumango naman ang mga taga-PCA sa sinabi ni Kayla, waring naintindihan nila ang ipinahiwatig nito. After that meeting, umuwi na rin kaming lahat since gabi na rin at kailangan magpahinga ni Kayla. Hindi pa siya masyadong malakas dahil sa huling kaso niya.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin.. nakaupo lang sa wooden chair na katapat lang ng maliit na garden ni mama.

Pagkatapos ng nangyari, I dont think I can sleep easily. Hindi ko lubusang naisip na kasa-kasama namin si Lei sa lahat ng mga kasong nalutas namin.. including those happenings on our daily lives. Masaya man, o malungkot, o di kaya ay masakit.

"Sabi ko na nga ba eh... Tsk, tsk" I heard beside me. Nakayuko ako, pero alam ko na sa boses palang kung sino ang nagsalita. "Hindi ka man lang ba matatakot sa'kin?" I chuckled a little.

"Is that a joke? Kasi nakakatawa... Rod." Tama, si Rodney nga ang dumating.

Naramdaman kong uupo siya kaya umusog ako ng konti para magkaroon ng sapat na space. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya at nag-angat nalang ako ng tingin sa langit, na madilim pero maraming kumikinang.

"Anong sinasabi mo kanina na 'sabi mo na nga ba?'" I asked after a moment of silence.

"I have a feeling na hindi ka makakatulog kaya pumunta ako rito, and I am right." Nawalan na naman kami ng imikan sandali pero agad din nabasag ang katahimikan na iyon. "I can't sleep a wink either. After that revelation.. parang nahiya akong magsalita ng kung ano na may kinalaman kay Lei. Paranoid as it seems, pero feeling ko nandito lang siya at nakikinig sa 'tin."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now